KABANATA 3:

2126 Words
KABANATA 3: NAGPASYA SI CARO na sundan si Luna upang malaman ang dahilan kung bakit narito sila sa Pilipinas. Mabuti na lamang at hindi kalayuan ang pinuntahan nito, sa isang hotel. Lakad-takbo ang ginawa niya, kamuntikan pa siyang mapansin ni Luna kaya nang lingunin siya nito’y agad siyang nagtago. Napailing si Luna, saka muling tumuloy sa paglalakad kaya naman sumunod rin siya. Hindi na siya makapaghintay na makarating kung saan man ito tutungo. Nagtago siya sa likod ng isang marmol nang binuksan nito ang pinto saka pumasok sa loob. Ilang segundo siyang naghintay bago siya lumapit sa pinto. Kaagad niyang sinipat ang kisame, bawat sulok, ngunit walang CCTV na naroon. Ngumisi si Caro saka kinatok ang pinto. Ilang saglit lang ay bumukas din ang pinto. Si Alberto ang humarap sa kanya, isa pa sa sundalo na kasama sa kanilang organisasyon. “Sinong hanap mo?” tanong nito sa slang na tono. Isa si Alberto sa pinakamahusay na sundalo kung magtagalog.  “Si Clemente.” Nangunot ang noo nito saka lumingon sa kanyang likuran. Doon ay nakita niya si Clemente, prenteng nakaupo sa isang sofa, hawak ang umuusok na tabacco sa harap ng isang babasaging lamesita kung saan nakalatag ang isang mapa. “Boss,” tawag nito. “Someone’s looking for you.” Kaagad itong nag-angat ng tingin saka nilingon ang direksyon kung nasaan siya.  “I don’t know you, get the hell out of here,” diretsong ani nito. Nag-igting ang panga ni Caro. “I have an important matter to discuss with you.” “You’re wasting my time, get out.” Matigas ang tono ng pananalita ni Clemente. Ngunit mas matigas si Caro. Imbes na makipag-usap nang maayos ay mabilis niyang hinablot ang braso ni Alberto at hinatak palapit sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang kamay nito at inilagay sa likuran saka niya inipit ang leeg sa gitna ng kanyang mga bisig. Mabilis na naglabas ng baril ang mga tauhan ni Clemente. Lahat ng iyon ay nakatutok sa kanya habang siya naman ay si Alberto ang ginawang panangga. Agad siyang pumasok sa loob saka sinipa pinto para magsara. “Listen to me Clemente, this is an important matter. I know this may sound odd to you but I am Caro De Luca.” Sumama ang timpla ng mukha ni Clemente nang marinig ang sinabi niya. Marahan itong tumayo habang nakatingin nang matalim. “Don’t claim anything unless you have proof. Caro De Luca is dead.” Nilingon ni Clemente ang mga tauhan niya saka sinenyasan. “Kill him.” Mabilis na sumugod sa kanya ang isang tauhan nitong si Celso, isa iyon sa pinakamagaling sa martial arts. Mabilis na sinugod nito si Caro para sana bawiin si Alberto ngunit hindi ito nagtagumpay nang sipain niya ito sa tiyan. Tumalsik ito sa sahig. Sa pagkakataong iyon, maging si Alberto ay sinusubuka nang kumawala ngunit hindi nito kaya dahil sa higit na matangkad sii Andres De Leon. Hindi nagdalawang isip ang ilan na sumugod na rin at pagtulungan siya, ngunit isang suntok at sipa lang ni Caro ay nagtatalsikan na ang mga ito. Mabuti na lang at hindi nakakalimutan ni Caro ang galing niya sa pakikipaglaban kahit na nasa katawan siya ng iba. Isang suntok sa kanyang balikat ang nagpabitiw sa kanya sa pagkakahawak kay Alberto. Tumalon siya nang isang putok ng baril ang pinakawalan ni Luna. Iniwasan niya ang mga bala ng baril na pinauulansa kanya hanggang sa nakalapit siya kay Clemente. Huhugot sana ng baril si Clemente ngunit wala itong nagawa nang hinatak ni Caro ang kanyang kamay saka isinubsob sa babasaging lamesa. Nalukot ang mapang nakapatong doon kasunod ng paghinto ng putukan. “I f*****g don’t know how the hell I came back in this f*****g body, but I guess it’s because you turned it into ashes. Who the heck told you to cremate me? Merda!” sunod-sunod na bunghalit ng mura ni Caro. “Get this f*****g man off of me!” sigaw ni Clemente. Ngunit bago pa man makalapit ang mga ito sa kanya ay naglabas na siya ng baril. Iyon ay ang baril ni Andres na ibinigay sa kanya ni Dalee bago siya lumabas ng hospital. Itinutok ni Caro ang baril sa sentido ng ulo niya matapos ikasa. “I don’t know what I should do to make you believe me, but I am Caro De Luca. I am Gregor De Luca’s only heir, the newest Mafia Boss of De Luca Organization. Che tipo di prova vuoi che ti dica?” What kind of proof do you want me to tell you? Ang ibig sabihin no’n. Sinubukan niya nang magsalita ng Italyano para kahit papaano ay maniwala ito sa kanya. “Do you think I would believe you just because you talk in Italian? Don’t fool me! What are you? Possessed by him? You’re crazy!” Clemente chuckled. Mas lalong diniinan ni Caro ang pagkakadikit ng dulo ng baril sa sentido ni Clemente. “Yes, you can say that I possessed him.” Yumuko si Caro saka inilapit ang labi sa gilid ng tenga nito. “Kill those who need to be killed even if it’s your comraid.” Doon biglang natauhan si Clemente. Nangunot ang kulubot nitong noo. “H-how did you–” “Let’s talk privately, Clemente. We can’t talk while guns are pointing at me.” Binitiwan ni Caro si Clemente saka umayos ng pagkakatayo. “Drop your gun,” agap na sabi ni Clemente sabay turo kay Luna. “Give me your gun. Whatever happened, I won’t let this man kill me.” Sumenyas ito na lumabas ang lahat. Naiwan lamang doon si Alberto at Luna. Ganoon ang patakaran nila, kailangang may maiwang dalawang bantay lalo na sa matataas na opisyales ng kanilang organisasyon. Nang makalabas na ang lahat ng tauhan ni Clemente saka siya hinarap nito. “Continue the motto.” Ngumisi si Caro saka isinuksok ang baril sa gilid ng suot niyang pantalon. “Betray the boss; or you’ll be killed mercilessly.” Napailing si Clemente saka hinawi ang buhok niyang puro kulay uban. “You’re fascinating. Who the f**k sent you here?” “Merda! Do you still don’t believe me?”  “Convince me.” “Did you kill me?” Nawala ang pagkamangha sa mukha ni Clemente nang marinig ang tanong na iyon mula sa kanya. Halatang nabigla ito sa kanyang tanong.  “Someone shot me in the back. I didn’t see who killed me. Is it you?” Ngumisi si Clemente at saka naglakad palapit sa kanya. Kung noong nasa tunay niyang katawan, kasing-taas niya lamang si Clemente, ngayon ay mas matangkad na siya kaya naman nakatingala ito nang bahagya. Marahan itong tumitig sa kanyang mga mata. “The way you look at me, it’s the same as how he does.” “Because I am Caro.” Bahagyang tumikhim si Clemente. “We need to talk again but not now that we’re busy planning something. I don’t believe in possessed persons, so you need to convince me more.” Caro felt relieved that Clemente gave him his contact number. Matapos ng kanilang pag-uusap ay umalis na muna siya, hindi niya pwedeng ipilit ang kanyang sarili sa taong hindi naniniwala. Kailangan niya muna iyong patunayan. Maging siya’y hindi maniniwala kung mangyari man ito sa iba. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari. Nakarating siya sa address na ibinigay sa kanya ni Dalee. Isang apartment iyon na nasa building. Malaki ito at malawak. Malilito ka kung saan ang bahay mo kung hindi mo titingnan ang numerong nakalagay sa bawat pinto. Isa pang kinainisan ni Caro ay lahat ng madadaanan niya ay binabati siya. Hindi siya sanay na marami ang bumabati sa kanya nang hindi pormal at lalong-lalo na sa pangalang Andres. Nang nasa tapat na siya ng kwarto, room 507, agad niyang tinipa ang passcode na sinabi sa kanya ni Dalee, 073092. Hindi niya alam kung bakit alam ni Dalee ang passcode ng bahay ni Andres, pero wala na siyang pakialam do’n dahil hindi niya na kailangan pang malaman. Sa isip niya’y hindi naman siya magtatagal, gagawin niya lamang ang kanyang misyon.  Papasok na sana siya sa loob siya sa loob nang isang kamay ang humawak sa kanyang braso. Isang lalaking hanggang baba niya ang taas at nakasalamin. Ngumiti ito sa kanya na para bang magkakilala sila at close pa. Doon niya nasilayan ang braces nito sa ngipin. “Andres! Balita ko may amnesia ka raw?” takang anito. “So hindi mo ako naaalala?” Tila masaya pa ang tono nito ng pananalita. “Hindi. Kailangan ko pang alalahanin kung sino ka–” “Naku! Take your time, ayos lang kahit hindi mo na muna ako makilala.” Weird. Ngayon lang siya nakasalamuha ng ganitong klaseng tao. Matapos nitong sabihin iyon ay umalis na rin kaagad at naglakad palayo na para bang masayang-masaya. Napailing na lamang siya saka pumasok sa loob ng bahay. Hindi gaya ng bahay niya sa Italia, malaki at maluwag, ang bahay na ito ay simple lang. Maluwag ang sala, nakita niya kaagad ang sofa na ang katapat ay lamesang kahoy at T.V. Sa likod no’n ay ang kusina at sa kaliwang parte naman ay dalawang pinto na magkalayo. Una niyang tinungo ang unang pinto. Binuksan niya iyon at sinilip, iyon ang kwarto na sakto lang ang isang kamang pang kasing laki niya. Inihagis niya roon ang bitbit niyang bag saka niya binalikan ang isa pang pinto. Nadismaya siya nang makitang maliit ang banyo, ni walang bathtub na paborito niya pa naman sa tuwing kailangan niyang mag-relax. Bumalik siya sa kwarto para magbihis. Sawang-sawa na siya sa damit na suot niya, paulit-ulit na lang iyon nang nasa hospital siya. Hinubad niya ang kulay asul na t-shirt saka humarap sa full body mirror na nakatayo sa tapat ng bintana. Napangisi siya nang makita ang katawan ni Andres. Ayos naman ang katawan nito, may pandesal pa rin naman kagaya ng sa kanya. Ang pinagkaiba lang ay mas maganda ang hubog ng sa kanya. Napailing siya nang makita ang napakaraming peklat. Ang sabi ni Dalee, binugbog daw si Andres ng gang ng mga magnanakaw. Nasaksak daw ng ilang ulit, himala nga raw na nabuhay pa siya. Hindi niya alam… buhay pa ba si Andres? Nasa loob niya kaya si Andres? Napasabunot na lamang siya sa buhok niyang maiksi. Isa pa ‘to sa ikinainis niya e, mas gusto niyang mahaba ang buhok pero maiksi ang buhok ni Andres, malinis ang gupit. Mukhang napakabait nito kung titingnan sa salamin. Mukha naman talaga, dahil lahat ng nakakasalubong niya kanina’y binabati siya at kinukumusta. Imbes na magpakasawa pa sa harap ng salamin ay nagpasya siyang buksan ang cabinet. Halos manlumo siya nang makitang iilan lang pala talaga ang damit ni Andres. Napaisip tuloy siya bigla, detective itong si Andres, pero bakit paulit-ulit ang damit? Hindi niya na iyon kinuwestiyon pa. Wala siyang magagawa kundi ang alamin na lamang ang lahat ng tungkol kay Andres nang siya lang dahil wala naman si Andres dito para sabihin sa kanya ang lahat. Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas na siya para tingnan ang kusina kung may makakain ba siya. Pero bubuksan niya pa lang ang ref ay bumukas bigla ang pinto ng bahay. Nakabusangot na hinintay niyang pumasok si Dalee. Ganito ba ito sa bahay ni Andres? Feel at home?  “May dala akong paborito mo!” bulalas ni Dalee.  “Ano?”  takang tanong niya naman. “Edi ano pa ba? Fried chicken!” Napalunok siya. Fried chicken? E may allergy siya roon! Pero teka, katawan niya ang may allergy sa manok, pwede na kaya? “May antihistamine ka?” “Huh? Bakit naman ako magdadala no’n? Wala naman akong allergy?” takang tanong ni Dalee. Napakamot siya sa likod ng kanyang ulo. Paano kaya siya kakain niyan kung hindi siya sigurado na hindi siya aatakihin ng allergy? “Halika na! Kain na tayo bago pa lumamig.” Kabadong tumango siya saka naglakad palapit. Hindi niya alam kung ano ang magiging epekto no’n sa kanya pero kung nasa ibang katawan nga siya, baka hindi naman allergic si Andres sa manok? Naupo siya sa tabi ni Dalee nang ilabas na nito mula sa plastic ang isang bucket ng fried chicken. “Teka! Buksan natin ang TV mo para mas masarap ang kain natin,” ani Dalee.  Hinayaan niya lamang ito dahil masyado siyang focused sa fried chicken na nakahain sa kanyang harapan. Saglit lang ay bumalik na sa tabi niya si Dalee. Napansin niya ang pagtalbog ng dibdib nito na labis niyang ikinagulat. Mabilis siyang lumayo kay Dalee na napansin naman nito kaagad. “Bakit?” takang tanong nito. “Ah… madalas bang ganyan ang suot mo kapag pupunta ka rito sa bahay ko?” Itinuro niya ang suot nitong puting sando. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD