“Kind words are like honey—sweet to the taste and good for your health.” – Proverbs 16:24
**
Chapter 15
Ruth
The Melaflor has nothing left. Not even a single penny. Nawala nang lahat ng mga negosyo at naubos ang kayamanan. Kung meron man, hindi sana mapupunta sa lugar na ito ang papa ko. If Socorro Hilario was still alive, I’m hoping, she was known as popular news anchor. Her background was impressive, too. May naitayong negosyon na may kinalaman sa pagkain ang kanilang pamilya pero ang sabi sa article ay naibenta na rin ito sa iba. They migrated in America. Si Lola Socorro ang huling pumunta sa US matapos mamatay ni Denise Melaflor.
Do I need to find more reasons why she let me be with Matteo de Silva?
Sa katayuan at kalagayaan pa lang noon ni papa, nakikita ko nang ayaw siyang pagkatiwalaan ni mama. Though my grandmother was wealthy enough to take care of me, mas matayog at makapangyarihan pa rin Matteo de Silva kaysa pamilya Hilario. If . . . I ever I figured it out wrong, then, there must be another reason why I was left in the family of Matteo.
Tinitigan ko ang screen ng computer. Ang nakabukas kong notebook ay halos mapuno ng kulay fuchsia na rectangular sticky notes. There were addresses and phone numbers I just freshly found in the internet. Hindi ko pa nata try tawagan. Mas madali sana kung electronic mail pero wala akong mahanap. I didn’t even sure kung ginagamit pa itong mga nahanap ko. But I wanted to try my luck onto these.
If . . . I would ask dad about the reason of my adoption, would he going to be mad at me? Hind kaya, lumabas na wala akong utang na loob?
But then, he cleared out to me before, it was because of Jake. Ayaw lang ni mama Denise na kay Jake ako mapunta dahil nasira na ang buhay nito. Inisip niya lang ang magiging kalagayan ko.
Napailing ako at pikit ng mata. Para akong nilulunod ng mga walang kwentang ideya.
Someone wants me to be a de Silva again.
Someone wants me to be a de Silva again.
Someone wants me to be a de Silva again.
Dumilat ako. Hinilot ko ang sintido para maibsan ang pananakit ng ulo ko. I heard the loud voice of our editors. May mabibilis na yapak. Nagmamadali. May nagpapalakas ng sound ng TV. Despite all of that noise, I could still hear the humming sound of the printer and telephone rings. Then, someone grabbed the phone and said; “Hello?”
May balita silang pinapanood sa TV. From a local TV station. Pag angat ko sa screen, may isang lalaking nakasuot ng puting polo ang pinapalibutan ng media. Kilala ko iyon. Isang abogado ng sikat na celebrity. Ang celebrity na iyon ay ang huling kasama ng babaeng natagpuang patay sa hotel. It literally bombarded the local news. Dahil sikat na sikat silang couple.
Umuulan ng mga tanong ang media. Sumasagot naman ang abogado pero dahil siksikan at mainit sa lugar na naabutan siya, medyo nagiging iritado na rin ang kanyang mukha at boses.
Ginalaw ko ang mouse para maisara ang screen ng monitor ko. I didn’t turn off my computer yet. Humawak ako sa edge ng mesa ko at saka marahang tumayo. I took my tumbler with me. Nadaanan ko ang messy table ni Ma’am Farrah. Naglakad ako patungo sa water dispenser. Umaalingawngaw ang malakas na sound ng TV sa paligid. At halos lahat ay doon nakatutok.
Sa ngayon, ang story na ‘yon ang headline sa lahat ng local news at pati online. Nabasa ko ang mga haka haka at theory ng netizens. There were so many of it. Pero hindi nilalabas ng kapulisahan ang nangyayaring imbestigasyon. Bawal pa raw ilabas.
Pinanood ko ang pagsalin ng tubig sa tumbler ko. Lumilipad pa rin ang isipan ko. Bakit ako iniistorbo ni Dylan? Red’s last words fueled up the frustration in my mind.
Napasinghap ako nang umapaw ang tumbler. Mabuti na lang ay hindi marami ang natapon sa sahig. Nakakahiya pa.
Pagkabalik sa mesa ko, hindi pa natatapos ang ambush interview sa abogado sa TV. Bumuntong hininga ako. Nilapag ko ang lalagyan ng tubig sa gilid ng monitor. I opened my files again. This time, sinarado ko na ang sites na may kinalaman sa research ko. Pwede ko namang gawin sa bahay kaso mas mabilis ang internet connection dito.
Nakaka guilty kaya sinisugurado kong maayos naman ang trabahong binibigay nila sa akin. Kaya kapag may pinanahanap sa akin, I made sure na marami akong nakita at maayos ang presentation.
Pagsapit ng umuwian ko, tahimik akong sumakay sa lift. May nakasabay akong lalaki. Mukhang hindi nagtatrabaho rito dahil may ID’ng nakasabit sa bulsa ng polo niya. Kitang kita ang word na visitor doon. Nakailaw na rin ang ground floor. Tahimik kaming dalawa. Nakita kong nakatingala siya sa screen sa taas ng lift kung saan pinapakita ang floor number na nadadaanan namin.
Paglapag ay pinauna niya ako sa paglabas.
“Thanks.” Bulong ko tapos ay lumabas na rin.
This was my favorite time everyday. Ang uwian. Kasi hindi ko na kailangang magmali. Kumbaga, nasa akin na ang oras ko hanggang sa makauwi sa bahay. Pati nga sa jeep ay chill-chill na lang ako. Magsusuot ako ng earphone. Makikinig ng music at dadamahin na lang ang lamig ng hangin sa bintana ng jeep.
But there was really a day na gusto kang isabotahe.
Hindi pa ako nakakalabas ng building ay nahanap na agad ng mata ko ang mukha ni Dylan. Nakaparada ang itim niyang sasakyan sa tapat ng building. Prenteng nakasandal ang likod sa pinto ng passenger seat. He was on his corporate blue attire minus the coat. Nakapamulsa siya at matiim na nakatingin sa akin.
I saw some girls checking him and giggling. I rolled my eyes. Halatang halata ang kilig nila kay Dylan.
I sighed and walked faster. Pagkalapit ko, umayos siya ng tayo. Binuksan niya ang pinto. Binalingan niya ako ulit.
“Sakay na.”
Malamig ko siyang tiningnan. “Pagod ako. Gusto ko lang umuwi.”
“That’s why I’m here.”
Napakamot ako sa batok ko. He looked so determined. I bet, hindi rin ‘to marunong tumanggap ng ‘no’ bilang sagot.
Malalim akong bumuntong hininga. Tinaasan niya ako ng kilay.
Kaysa magdilim ang paningin ko, sumunod muna ako at sumakay sa sasakyan niya. Pagkasakay niya, agad niyang pinaandar ang sasakyan. Habang nagda drive saka siya nagsuot ng seatbelt. Lihim ko siyang inirapan bago ko pinirme ang paningin sa labas ng bintana.
Sana makatulog na lang ako habang nagda drive siya. Kaso, nakakakaba kapag natulog ako. Baka paggising ko nasa ibang lugar na kami.
After a while, he kept on shifting on his seat. He even cleared his throat loudly. Nakadalawang beses niya iyong ginawa bago siya tuluyang nilingon.
“Gusto mo ba ng kendi?”
May Halls ako sa bulsa ng bag ko. Though, medyo matagal na ‘yon dito sa bag ko. Hindi pa naman sira.
Isang beses niya akong sinulyapan. Parang nainis pa siya sa inalok ko.
“No, thanks. Pero gutom ako. Daan tayo sa resto?”
I almost smirked. “Gusto ko nga umuwi nang maaga.”
“Kakain ka rin naman pag uwi mo. Bakit ‘di mo pa gawin ngayon bago ka umuwi?”
Humalukipkip ako. Pinagmasdan ko siyang nagda drive. Nagtagal ang titig ko sa kanya. Dylan is the kind of man that every woman would want to be a boyfriend. Ayun nga lang, masama ugali. Well, kung may babaeng kayang magtiis sa balahura niyang ugali, swerte siya. Pero nakakalungkot lang dahil baka maging pantapal ang pagiging mayaman niya.
Kumurap ako. Kung titingnan sa large scale view, pinagtiisan lang siya ng girl dahil mayaman siya. Pareho silang hindi masaya. Walang nakaisa. Walang tunay na maligaya.
I sighed. I remember Denise Melaflor. Kailan at saang pangyayari kaya sa buhay naging tunay na maligaya ang mama ko? Ano kayang pinagsisihan niya? Kung nabubuhay siya ngayon, paano kaya niya kahaharapin si Jake? Will there be a second chance for them?
Magiging pamilya kaya kami?
Later on, I felt the pinch in my chest. Suminghap ako at naging hindi kumportable sa pag upo.
Nilingon ko agad si Dylan. “Sige, kumain muna tayo.”
Ngumuso siya at tumangu tango. Hindi siya sumagot. Ilang minuto lang ang lumipas, pinarada niya ang sasakyan sa isang restaurant na malapit. Nakahawak siya sa siko ko habang naglalakad kami papasok ng establisyemento. Giniya niya rin ako sa mesa. Pinili niya iyong nasa dulo. Pwestong hindi dinaraanan ng mga tao.
We were given their menus. Napapakagat na lang ako ng labi sa presyuhang nababasa ng mata ko. Naghintay ang waiter sa order namin. Dylan dictated his order. Ganoon na rin ang ginawa ko. We then served with cold water and a wine. Pagkaalis ng waiter ay saka ako sumimsim ng tubig. Nilingon ko ang paligid. Hindi rin gaanong matao. Warm ang kulay ng mga ilaw. May soft jazz music sa background. Ang puting sapin sa mesa ay tumama sa kandungan ko. Malampot ang upuan. Kahit ang mahihinang kalansing ng mga kubyertos sa pinggan ay sosyal sa tainga.
Nangiti ako at yumuko. I could say that I also missed this kind of privilege. Kahit minsan nasasabi kong, okay lang kahit ‘di ko na maranasan ito ulit. Atleast, naranasan ko na. Pero iba pa rin talaga kapag nakakakain sa mamahaling restaurant. May experience na masarap maranasan.
“Why are you smiling?”
Kumunot ang noo ko. Nakaupo si Dylan sa kaharap kong upuan. Pag angat ko ng mukha sa kanya, naabutan ko siyang titig na titig sa akin. Bahagya pa siyang yumuko para maabot ang mata ko.
I heaved out a deep sigh. Medyo nagulat ko sa paninitig niya.
Nagkibit ako ng balikat. I gulped. “Excited lang kumain.”
Naglaway nga ang bibig ko roon sa mga picture na nasa menu.
Nagsalubong ang mga kilay niya.
“Akala ko nakangiti ka dahil sabay tayong kakain.” He took his glass and sipped.
I saw how his Adam’s apple moved. Napaawang nang kaunti ang labi ko. His lips became wet. He licked it and brought down his sweaty glass. He eyes flew to me.
Bahagyang lumaki ang mata ko. Sinarado ko ang bibig. Mabilis ko rin siyang inirapan at uminom ng tubig. Pagkalunok ay tiningnan ko siya ulit. Nanatili ang titig niya sa akin. Binuksan ko ang labi para magsalita pero walang lumabas sa bibig ko. I needed to swallow the lump in my throat before I could able to speak.
“There’s no big deal. Kakain lang naman.”
“Bakit ayaw mong pumayag last time? Ginalit mo pa ‘ko.”
“May training ako no’n. Namamahala ka ng negosyo, dapat aware ka sa time ko.”
Tinabingi niya ang ulo. Sandali akong pinagmasdan. Alam kong mukha akong galit. Pero ngumisi pa siya.
“Text me your schedule. I will arrange our future date.”
“Asa ka. Baka last na ‘to.”
“Date pala ‘to?”
Patagilid ko siyang tiningnan. Napaawang ang labi ko. Iyon sabi ko?
“Teka . . .” napaahon ako sa upuan.
Tinaas niya ang isang kamay para pahintuin ako sa pagsasalita.
“Though, this is just a simple dinner, matatawag ko na ring date natin ‘to. Gusto ko sana sa ibang lugar para mas solo kita kaso, malayo sa apartment mo. You should really inform me your free time. I guess, weekends?”
Mapakla akong tumawa. “Feeling mo talaga sasama ako sa ‘yo, ‘no? Wala bang kaunting hiya d’yan sa katawan mo?”
Bumuntong hininga siya. Tumaas ang gilid ng labi nito at binuksan ang mga butones ng damit malapit sa leeg at dibdib niya. Binuka niya ang kanyang suot at pahapyaw na pinakita ang kanyang matipunong dibdib.
Tumingin ako sa ibang mesa. Walang nakakakita dahil nasa dulo kami. Pero ‘yung galaw niya masyadong galawang nagpapa sexy!
Niyuko niya ang nakalabas na dibdib. Tapos ay agad nag angat ng tingin sa akin.
“Parang wala yata. Ikaw kaya mag check?”
I scoffed. Mangha ko siyang tiningnan.
“I will never touch you.”
He grinned like a real devil.
“’Wag kang magsalita ng tapos. Baka balang araw, habulin mo ‘ko.” then he winked at me.
Ako naman ang ngumisi. “You are so full of yourself,”
Tumawa siya.
I stared at him like as if he was the most unbelievable person in the world.
“Ano’ng rason mo para ayain akong magpakasal?”
Tumigil siya sa pagtawa. Pati ang ngisi niya ay nalusaw din. Tumaas ang isang kilay ko. Binalingan niya ako.
Nagkatitigan lang kaming dalawa. Humugot ako ng tamang lakas ng loob para lumaban sa mga mata niya. He stared at me like as if he was going to break my bones. Kinabahan din ako sa uri ng paninitig ni Dylan. Na para bang nagkamali ako ng piniling tanong para sa kanya.
Though, I was a bit scared, I remained in the fight. Tutal, nandito na ito, harapin ko na.
Tumikhim siya. Hinawakan niya ang kanyang wine glass. Hinaplos niya ang payat na stand nang marahan. I could see how his big thumb gazes that glass. Nanayo ang balahibo ko sa batok. Binalik ko ang mata sa mukha niya. His forehead was now knotted.
Nagtagal kaming ganoon hanggang sa dumating ang in-order namin. Pagkaalis ng nag serve, tiningnan niya ako.
“Kumain muna tayo. Bago pag usapan ang kasal.”
I received the hint na hindi na maganda ang mood niya. Sumeryoso ang mukha niya.
Pinagkibit balikat ko na lang at sumunod. Gutom din naman ako.
We ate in silence. Kahit may music naman at pailan ilang nagsasalita, sobrang tahimik sa mesa namin. Napapatingin ako sa kanya kapag ngumunguya ako. Binigay niya ang atensyon sa pagkain. He ate like a monster. Malalaki ang tipak ng karne ang kaya ng bibig niya. Alam ko namang malakas siyang kumain. Nakakamangha lang ang appetite niya. Sulit na sulit ang bayad.
Dahil pinanood ko siya, souce na lang ang natira sa plato niya. Samantalang halos kalahati pa ang laman ng sa akin.
He asked for a bottle of wine. Sumunod agad ang waiter at dinalan siya. Napakamot ako sa panga nang salinan niya ang glass niya.
“Magda drive ka pa.” paalala ko.
Hindi ko sinalubong ang mata nito. Sumimsim ako ng tubig at nagpunas ng labi. Medyo busog na ako.
He drunk his wine and watched me. He watched me intently.
“Pumapayag ka na bang magpakasal sa akin?”
His tone was steady. Cleared and loud. Hindi ko naman binalingan ang kalapit na mesa. I licked my lips and stared back at him. Hindi ko na tinapos ang pagkain ko.
“Hindi. Alam mong hindi.”
He tilted his head.
“Why not?”
I scoffed a little. I felt the frustration over his tone.
“Bakit naman kita pakakasalan? Para bigyan ka ng satisfaction sa pagsira mo sa akin? Galit ka nga, ‘di ba?”
“Akala ko gusto mong maging de Silva ulit? Binibigyan na kita ng chance, bakit ‘di mo na lang i-grab?”
Napatingin na lang ako sa ibang direksyon. Ramdam ko ang pait sa pangisi ko. Nanginig pa ang mga kamay ko. Inalis ko ang napkin sa kandungan ko at pabalang na nilapag iyon sa mesa.
“Humingi ba ako ng chance sa ‘yo? Kahit kina dad at mom, hindi ko ‘yan ginawa. Inalisan mo ‘ko ng karapatang maging de Silva, tapos ngayon, gusto mong ibalik?”
Ngumiti siyang kaunti. Tapos ay sumimsim sa kanyang wine glass.
“I’m giving it to you. Freely.”
“Bakit nga?”
“So, you can be a de Silva again. So, you can have the privileges and wealth you’re hungry for.”
My teeth gritted. “I am not a sucker for privileges and wealth!”
Lumayo siya at prenteng sumandal sa kanyang upuan.
“Naghahanap ka ba ng ibang makakapitan? Sa tingin mo, mayroon ka pang matatakbuhan?”
“I can stand on my own. I didn’t ask anyone for a help. But only dad insisted. Malaki ang utang na loob ko sa mag asawang de Silva. Ang kaluguran sila ang tangi ko lang magagawa para makabayad sa ginawa nila sa akin.”
“Ayun lang ba talaga?”
“Dylan. It has been years since you first humiliated me. Umalis ako sa mansyon. Nagpalit ako ng apelyido. My face was on all newspapers in the country. Ikaw lang yata ang hindi maka move on. Tapos mang aalok ka ng kasal? What for?”
“Like I said, to bring you in the family again. This time as my wife.”
“So, charity mo ‘yan? Wow. Si Dylan de Silva, the mighty Dylan of ours, interested sa charity works? Iba ka rin.”
I laughed mockingly. Matalim na tingin ang binigay niya sa akin.
“I’m not saving my name for what I had done to you. Tama lang ang ginawa ko. Pero nagkaroon ng lamat sa samahan ng father ko at ni Uncle Matt. Iyon ang unang away nila na nasaksihan ko. I wasn’t naïve but I got worried because of that.”
Nanigas ang lalamunan ko. Matinding pagkamangha ang naramdaman ko.
“Kailan? Pagkaalis ko?”
He nodded. “Almost a year after you left. Ikaw ang puno’t dulo ng pinagtalunan nila.”
Hindi ko natagalan ang pagtitig sa kanya. Anger arose from his eyes. Pakiramdam ko sinisisi niya ako sa away na ‘yon. Though, I knew it wasn’t my fault, I could still feel his madness over me. Madness na dinadaan niya sa mata.
Bumaba ang paningin ko sa mesa namin. My heart was breaking just the thought that those two special men in my heart has a feud because of me. Matagal na ‘yon pero masakit pa ring isipin. At paano ang naging epekto no’n sa mga asawa nila at anak?
Looking at Dylan now, mukhang naaepektuhan din siya.
“Matagal ko ring pinag isipan ang ayain kang magpakasal.” He sighed. “Tama namang wala kong nagugustuhang babae. Bakit ‘di ko na lang ibigay sa ‘yo ang pangalan ko? Mapapasaya ko pa ang mga parents natin.”
Umiling ako. “Hindi pa rin tamang tingnan. Hindi basta basta ang pagpapakasal. Panghabangbuhay ‘yan,”
“Sa tingin mo ay ‘di ko alam ‘yan? Pero handa ako.”
Napatampal ako ng noo.
“You can be a real de Silva, Ruth. You can own my name. Ano ang hindi tama roon?”
Umiling iling ako.
“Wala ka bang ibang buhay? Paano si ate Mica? ‘Yung ibang babae mo? Kaya mong i-give up para lang gawin akong de Silva ulit?”
Matagal siyang tumitig sa akin. Namangha ba siya o naguluhan sa sinabi ko. Kahit ang isipan ko ay gulong gulo na rin. Damn!
“Mica and I are not together. After a month, babalik na rin siya sa US, to resume her career. Ibang babae? Sino at nasaan? I am not committed to anyone. Once na maging asawa mo na ako, hindi na ako titingin sa iba.”
“Pero Dylan-“
“A de Silva is loyal to his wife.”
Hindi ko na naituloy ang protesta ko at paliwanag sa kanya. Ang sinabi niyang ‘yon ay sapat para matameme ako. Parang pinagmamalaki niya ang nananalaytay sa dugo at trasdisyon sa kanilang pamilya. Once married, a de Silva man should be loyal to his wife.
He made feel like it was an open opportunity. Marry him! Be a de Silva again! Para may matatawag ka nang pamilya. Para malayo ka nang tuluyan kay Jake Melaflor.
Hindi na ako ampon. Kundi may bahay ng isang de Silva.
Uminit ang pisngi ko. I can be a de Silva again?
Nag angat ako ng tingin sa kanya.
“Marriage is serious.”
“So am I.”
Tila mas lalo akong na frustrate sa simple niyang sagot. Marami pa akong gustong itanong at sabihin pero nahihirapan pa ako.
Napalunok ako. I may be looked nervous as I stared at him.
“Hindi kita mabibigyan ng sagot ngayon. At ‘wag mo akong madaliin. Utang na loob.” may diin kong litanya sa kanya.
Kumunot ang noo nya at nagkibit ng balikat.
“So, take your time. We can still set our next date.”
Pailalim niya akong tiningnan.
“No other boyfriend for you, Ruth.”
“Hindi kita boyfriend. Wala pa tayong napagkakasunduan.”
“C’mon. Alam kong umaaligid sa ‘yo si Leonard. Don’t tell me, mag gusto ka roon?”
“Ano naman kung meron?”
Malakas niyang hinampas ang mesa. Nagulat ako at halos mapatalon sa upuan. Lumikha iyon ng ingay na siyang kinalingon sa amin ng ibang tao. Napalabas pa nga ang ilang waiter at tingin sa amin.
“Ano ba?” mahina kong saway sa kanya.
His jaw clenched. Bahagyang lumaki ang butas ng ilong niya.
“If you’re considering my offer, make sure, na wala kang sabit. Dahil ako wala. Kapag nalaman kong may relasyon kayo ni Leonard o ng kung sinong lalaki, pababagsakin ko ‘yan, Ruth. Mark. My. Word. I can do it.”
Inusod ko ang baso ko na nasa bingit na.
“I’m single. Alam ni dad ‘yan. Nangako ako sa kanya, na sila ni mom ang unang makakaalam kapag nagka boyfriend na ‘ko.”
I abruptly stopped from breathing. I remember, binalaan ako ni mommy kay Dylan. Gusto niyang layuan ko siya. Pero . . .
“You’re not really single. You’re exclusively dating me.”
Kumuyom na ang kamao ko. Ganito pa lang, nagtatalo na kami. Paano pa kung nagpakasal?
Ewan ko! Ewan ko! Naguguluhan pa ako!
“Masakit na ang ulo ko. Uuwi na ako.”
Napaawang ang labi niya.
“Hindi ka pa tapos kumain.” Sabay turo niya sa plato.
Kinuha ko ang bag ko at matalim siyang tiningnan.
“Gusto ko nang umuwi.” May diin kong sabi.
“Okay, okay.” Sagot niya na may tunog sumusuko.
Nauna akong tumayo. Bumunot pa siya ng pera sa wallet niya kaya naiwan siya sa restaurant ng ilang sandali. Nahihiya ako dahil ang ibang kumakain ay sinusundan ako ng tingin habang naglalakad palabas. Palagi na lang akong dinadala sa kahihiyan ni Dylan.
We didn’t talk while he was driving me home. Inulit niya lang ang sinasabi niyang ‘offer’ bago ako bumaba sa kanyang sasakyan. Nagtuloy tuloy ako sa pagpasok sa loob at hindi siya nilingon pa.
Geneva and her kids were playing when I arrived. Akma pa akong ipaghahain ng hapunan ni Geneva pero agad akong tumanggi.
Nagbihis ako. Gusto ko sanang mag computer pero para na akong pagod.
Nang maiwan na ako sa baba, hindi ako pinatulog ng sinabi ni Dylan. Bukas na bukas ang mata ko habang nakatitig sa kisame. Ganoon nga kaya ang dahilan niya?
Para kasing, what he offered is family. Nakakatukso. Nakakaligalig. Nakakasabik. Kung matuloy ‘yon, kung tanggapin ko, hindi ko na kailangang mag isa.
Hindi naman ako mag isa, e. Bukas pa rin ang communication ko kina Red. Pamilya pa rin kami. Pero nasa malayo lang ako. Iyong offer ni Dylan, parang for formality lang. Kasi, kapag mag asawa na kami, legit na rin akong de Silva.
Nakakatukso talaga. Bigla akong kinabahan. Nataranta. His marriage is going to be a door for me. Just a door.
Kumurap kurap ako. Napasinghap at bangon ako. Hinanap ko ang cellphone ko. I checked my load balance and the time. Kinuha ko ang notebook ko. With a trembling hands, dinayal ko ang number na nakuha ko online. Bahala na.
I put the phone on my ear. I waited. The number rang. Lumakas lalo ang kabog sa dibdib ko. Napatayo na ako kaya nalaglag ang kumot ko sa sahig. I bit my lip repeatedly.
“Yes, hello? Who’s this?”
A strong American accent from a man received my overseas call. Panandalian akong natameme. I was even speechless. But I had to regain my composure and spoke.
“Ahm, h-hello? May I speak with . . . Socorro Hilario, please?”
I gulped and got nervous even more.
“Uh, yes. Can I have your name?”
I cleared my throat and stood up straight.
“Ruth Kamila Hilario. Please tell her, I’m the daughter of Denise.”
“Alright. Wait a second-”
Narinig ko ang pagbaba ng receiver. Naghintay ulit ako ng ilang sandali. Then, maybe half a minute had passed, bumalik ang nakausap ko.
“I’m sorry, honey. She doesn’t want to talk to you.”
Ramdam ko ang bigong boses ng lalaki sa telephone.
“Ha? B-but why? Is she busy? Then, can I just make an appointment or something?”
He sighed. “I’m so sorry. But she doesn’t want you to call her up again. Just . . . don’t make call again.”
Mabilis niyang binaba ang tawag. What the f**k? I finally found her number but she refused to talk to me? Ayaw akong kausapin ng sarili kong Lola?