Chapter Sixteen Part 1

2929 Words
“A fool does not care whether he understands a thing or not; all he wants to do is show how smart he is.” – Proverbs 18:2 ** Chapter 16 Part 1 Ruth “Just a simple ‘hello’? No?” The man over the phone sighed tiredly. Siguro ay pagod na siyang kausapin ako. “I’m so sorry. That’s all I can say to you.” “But-“ Namatay na ang tawag. Tiningnan ko ang screen ng phone ko. It went back to my contact list then the screen died. Pagod ko iyong binagsak sa mesa. I combed my hair and stared at the wall for I didn’t know how long. Sa ilang ulit kong tinawagan si Lola Socorro, consistent siya sa pagtangging kausapin ko. Hindi siya sumasagot sa phone. Maybe, hindi siya humahawak sa telepono. Bakit? There was no concrete reason. Ini-ignore niya ang tawag ko na para bang isang random calls lang. Nagpakilalang asawa niya ang lalaking sumasagot sa phone. Nararamdaman ko na ang awa sa boses niya pero wala naman siyang magawa. Naisip ko na ngang lumipad sa America. Malabo namang mangyari. Siguro, after graduation. I will push my luck. But then, hindi ba iyon isang sign na ayaw niya talaga akong makilala? Kung ganoon, dapat ko pa bang ipilit? Kahit na siya na lang ang naiiwang ala ala ng mama Denise ko? Nakakalungkot. Ang tagal kong inasam na makilala siya. Talaga pa lang ayaw niya sa akin. Baka kaya pinaampon niya ako sa mga de Silva dahil ayaw niya rin akong kilalanin. Baka pinaganda lang ng parents ko ang dahilan pero hindi talaga. They just loved me. But my real family didn’t. Loneliness, sadness and depression allured me. I stayed at home. Walang akong pasok. Pero tinext ako ni Esther na dumalaw sa pwesto nila para malibang naman. Nakakuha sila ng location ng itatayong coffee shop. Silang dalawa ni Walter ang nagplano. I withdrew a small amount from my account para may maidagdag sa capital. Hindi iyon malaki kaya medyo nahihiya ako Pero maluwag akong tinanggap ni Walter. Ako: May maitutulong ba ako r’yan? May gumugulo sa isipan ko. Kapag nagpunta ako roon dapat ay may gawin ako. Kung hindi, matutulala lang ako. Magwo worry. Mag iisip ng kung ano. Ayoko naman nang ganoon. Para malibang, naglinis ako ng bahay. Nasa labas sina Geneva. Namasyal. Hindi ko narinig nang maayos kung saan pero baka sa park lang. Mabilis akong natapos sa gawaing bahay. The perks of having a small house. Nang wala na akong magawa, saka ko naharap ang phone ko. Esther: Nagpipintura kami ngayon. Punta ka na. Wala na akong gagawin dito. Kaysa naman mag isip na mag isip . . . Ako: Okay. Papunta na. Nagmadali ako sa pag akyat sa taas para magpalit ng damit. I wore maong shorts and a maroon sleeveless top. Medyo hapit sa baywang pero kumportable naman. I ponytailed my hair. I colored my lips with a tint. Bago umalis ay chineck ko muna ang mga sasaksakan ko sa bahay. Pati ang kalan. I locked the door and left. Nagbaon na rin ako ng payong. Medyo makulimlim kasi ang langit. Nang masilayan ako ng araw at ingay sa kalsada, ramdam kong medyo gumaan ang pakiramdam ko. Para bang bahagyang lumayo ang mga iniisip at kuru kuro ko. Though, nandyan pa rin ‘yon pag uwi ko sa bahay o kapag napag isa ako. Atleast, nakahinga ako kahit kaunti. Dylan’s offer was still circulating in my head. I could tell, it was tempting. S’yempre, gusto ko pa ring maging kabahagi nina dad at mom. Pero ayokong magbigay agad agad ng desisyon. Hindi naman ‘yon isang bagay na kapag nag-go ka, pwede pang umatras. Iniisip ko rin ang magiging buhay ko sa piling ni Dylan. Gusto niyo bang mapangasawa ang taong tinawag kong apo sa talampakan ni Satanas? Hindi, ‘di ba? Maliban na lang kung kaya mong pag tiisan ang naghihintay na dila ng apoy. Tapos, nagkaroon ako ng munting pag asa nang mahanap ko nga ang contact number ni Lola Socorro. Pero nanlumo ako dahil ayaw niya akong kausapin. I didn’t mean to go to her or live with her. Siguro naman ay alam niyang namuhay ako sa mga de Silva. Alam niya ang katayuan nila sa buhay. Kaya bakit siya mag aalangan sa akin? Not unless . . . may humahadlang? Oh, please. It’s so dramatic naman! I squared my shoulders and heaved out a deep sigh. Huminto ako sa gilid ng kalye at tumingala sa malamig na langit. I tilted my head and watched how the dark clouds covering the blue sky. “’Wag naman po masyadong malupit ang pagsubok. Nag iisa lang ako, oh. I need back up, too. Please po?” I sighed and smiled. Crazy. Pati langit kinausap ko pa! Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nang may daanan akong nagtitinda ng Turon, huminto ako roon at bumili. Pampasalubong ko sa love birds. Sa tabing kalsada ang pwestong nahanap ni Walter. Malapit pa sa People’s Park. Pagdating ko roon ay kasalukuyan nga silang nagpipinturang dalawa. Si Esther ay nakaharap sa pader. Kulay yellow ang pintura. Mayroon siyang suot na bandana sa ulo. Si Walter naman ay nasa tabi niya. Nakatungtong sa hagdanan at inaabot ang taas ng pader. Nagtatawanan sila nang dumating ako. My smile widens. The cute couple. “Hi.” Nahihiya ko pang istorbo sa kanilang dalawa. Sabay silang natigilan. Nilingon ako. Walter automatically stopped. He looked different today. Nakasuot kasi siya ng lumang maong na pantalon na butas ang parehong tuhod. Naka white t shirt din na mukhang luma. Ofcourse, magpipintura sila kaya ganoon ang suot. Si Esther ay naka black skinny jeans. Big old t shirt and a rubber slipper. Natatakpan ng mga dyaryo ang sahig. Nakabukas ang sliding door nila kaya tumuloy na ako sa loob. Mayroon na rin silang counter sa harap. The space was small. Parang dalawang set of tables lang ang magkakasya pero sa kulay na nakita kong nilalagay, which is yellow, ang vibrant ring tingnan. May worker ding nagtatrabaho sa likod ng counter. That must be the kitchen. “Kaunti na lang ‘to, makakapag soft opening na tayo.” Nakangiti at positibong salita ni Esther. Nilingon niya si Walter. Her smile was contangious. Nakangiti na rin si Walter pagbaba sa hagdan. Binaba niya ang gallon ng pintura sa sahig. Nagpunas ng mga kamay sa bimpong nakasampay sa kanyang balikat at saka kami hinarap. “After ma-set up, we can start the biz, Ruth.” Tumangu tango si Esther. Umikot pa at pinasadahan ng tingin ang loob ng shop. “Nakaka excite! Feeling ko talaga, sisikat ‘tong shop natin. Iyong tipong, ilang buwan lang, bawi agad ang puhunan.” I chuckled. Walter watched her and remained smiling. Napansin kong tumagal ang titig niya kay Esther. Nakita niya akong tumingin sa kanya. Nangiti ako lalo. His smile vanished and cleared his throat. Napailing ako. Look at these two. They are in love! Or that was what I thought. “Nagmeryenda na ba kayo? May dala akong Turon,” Binalingan ako ni Esther. Sa kanya ko inabot ang plastic. Binaba niya iyon sa counter na stainless at tiningnan. Hindi ko alam na may worker pa silang kasama kaya baka hindi magkasya iyong dala ko. “Bibili pa ako sa labas kung kulang, Esther.” Sabi ko. “Ha?” “No, it’s okay, Ruth. Sa labas naman nagb-breaktime ang mga gumagawa rito.” Awat sa akin ni Walter. Napakamot ako sa batok ko. “Naku, nahihiya ako. Sana talaga dinalhan ko rin sila.” Ang liit na nga ng ambag ko sa kanya. Kahit pangmmeryenda lang. Walter smirked. Namayawang siya at umiling iling. “Don’t worry about it. It’s not even a big deal.” Ngumiti na lang ako sa hiya. Kalaunan ay nakagaan ko ng loob si Walter. Wala na iyong ‘manliligaw’ vibe niya rati. Mas okay nga ang ganito. May okay pa lang maging kaibigan at syempre, business partner niya. As what Esther told me, si Walter talaga ang pinakautak at kapitalista nitong coffee shop. Well, siya ang may pinakamalaking nilabas na pera para maging possible ang negosyo. Nakikita kong panatag naman si Esther sa kanya. Wala pa siyang nasasabi kung sila na. Pagkatapos no’ng naabutan ko sa apartment ko, baka may improvement na sa kanilang dalawa. I offered my camera para mailagay sa advertisement ang menu at litrato ng shop. Hindi na nila ako pinagpintura. Kundi pinaupo na lang sa counter at pinaharap sa laptop na nilabas ni Walter sa kanyang sasakyan. “Ikaw na ang bahala pagdating sa marketing. Ang sabi ni Esther, ‘yon daw ang linya mo.” “No choice kasi, kaya.” Ngumuso si Esther. Ang kamay na may hawak ng brush ay naiwan sa ere at pinagkumpas kumpas. “May background ka sa Business Ad. Kahit nag shift ka sa Journalism, may ideya ka pa rin pagdating sa Management at Marketing. Saka, Ruth, kumita rin naman ang cleaning services mo.” I sighed. Medyo bumaba ang self-esteem ko pagkarinig sa dati kong negosyo. “Na hindi nagtagal, Esther. I probably mis-handled it.” Nagkibit balikat ako. Binalingan ako ni Walter. Naghahalo siya ng pintura sa sahig. Ang kabilang pader naman ang kinulayan niya. “Sabi ni Esther, may sumabotahe raw?” Pumangumlababa ako. Gumagawa ako ng f*******: page ng coffee shop. They named it ‘143 Street’. Na nagustuhan ko rin. Si Walter ang naglakad ng mga paper na kailangan. “May isang taong ayaw magtagumpay si Ruth. Pero gustong maging boyfriend niya.” Kunot noong binalingan ni Walter si Esther. “Siya ba ‘yong humalik sa kanya?” My fingers stiffened. “Siya nga. Si Dylan de Silva. Ang Mamang deads na deads dito kay Ruth.” Tiningnan ko si Esther. Nahanap niya ang mata ko at natigilan. Kumunot ang mga noo niya. Tinago ko ang mukha sa harap ng laptop para hindi makita ni Walter. Pinalakihan ko siya ng mata at malakas na tumikhim. “Esther.” Walter looked at me. “I’m sorry to hear that.” Tiningnan ko siya at hilaw na nginitian. “Wala na ‘yun. Saka, talagang magko concentrate na ako sa next career ko. Which is being a Journalist.” He nodded. Nagsalubong ang mga kilay niya. “I know who you are, Ruth. Actually, nagulat ako sa ginawang paghalik sa ‘yo ng Dylan na ‘yon. May relasyon na ba kayo? Okay lang sa parents niyo?” Napaharap si Esther kay Walter. “Ano’ng okay lang?” “Magpinsan sila. Lumaking magpinsan. Okay lang sa kanila ‘yun? Naguguluhan ang mukha ni Esther. Para bang hindi nag sink in sa kanya ang sinabi ni Walter. At kung ako naman ang tatanungin . . . “Bawal ba, Ruth? E, bakit ka hinalikan ni Dylan?” Suddenly, the air felt so thick. I wasn’t comfortable talking about the kiss. Though, Walter’s question arose to me like a bomb. Bumalik sa ala ala ko ang binilin ni mommy sa akin. Layuan si Dylan. Na hindi ko magawa dahil siya ang lapit nang lapit. Tapos ay inalok pa niya akong maging de Silva ulit. “Dahil alam niyang hindi sila magpinsan. Pero, ayos lang ba ‘yon sa pamilya ninyo? May consent?” “Nasa tamang edad na si Ruth.” “Yes. Esther, ang pamilya ay pamilya. Matatanggap ba nilang maging girlfriend si Ruth ng dati niyang pinsan? Maaaring modern days na tayo, pero hindi lahat nakakapag adjust sa pagbabago. Lalo na, de Silva ‘yon. May pangalan. May masasabi ang mga tao.” Niyuko ni Walter ang pinturang hinalu halo niya. Binalingan ako ni Esther at ang nagtatanong niyang mata ay tumitig sa akin. I gulped nervously. “Wala pa silang alam.” Laglag pangang napatitig lang sa akin si Esther. “Akala ko, girlfriend ka na?” Umiling ako. “Siya lang ang naggigiit niyan. Pero inalok niya ko ng . . . kasal.” Nag angat ng tingin sa akin si Walter. Si Esther ay maingay na suminghap. I shifted on my seat. “Pumayag ka?” Umiling ako. “Wala pa akong binibigay na sagot sa kanya. Ang sabi ko, pag iisipan ko.” Nagkatinginan silang dalawa. Manghang mangha ang mukha ni Esther. Samantalang si Walter ay ayos lang. Binaba ni Esther ang brush sa timba. Agad niya akong nilapitan. “Mahal ka niya?” Natigilan ako. Namilog ang mga mata ko pagkatingin ko. “Hindi.” “Hindi ba, kapag mahal mo, pakakasalan mo? Hindi ba ganoon ‘yon?” “Hindi sa lahat ng pagkakataon.” Napabaling kami kay Walter. Tumayo ito at nagsimulang pahiran ang pader. Binalik sa akin Esther ang atensyon niya. Iyong pagkakatingin niya sa akin, para bang gusto niya akong yugyugin. “Bakit ka niya inalok? No’ng last time na nakita ko siya, kung makatitig sa ‘yo, parang gusto kang itali at ikulong. Nagsungit ka nga lang no’n kaya umalis. Pero hindi ka ba mahal no’n?” Napalunok ako. Nagkamot ako ng ulo. “Iba ang dahilan niya.” maliit na boses kong sagot. “Ha? Hindi ka na niya mahal?!” Umiling ako. Pinapanerbyos naman ako ng mga tanong ni Esther. “Hindi niya ako m-minahal. Ano ba ‘yan, Esther, sobrang personal naman ng tanong mo.” Mapait siyang ngumisi at saka namaywang. “Nalilito ako, gurl. Akala ko, akala ko talaga may something siya sa ‘yo. Something na nakakaparalisa ng utak. Grabe kasi ‘yung selos niya nang bigyan ka ng bulaklak ni Walter. Delubyo nga ang look niya no’n, ‘di ba? Hindi lang ako makapaniwalang, wala pa siyang nararamdaman sa ‘yo.” Humalukipkip siya at tumingin sa kisame. Her lips pouted a little. Nakita kong binalingan siya ni Walter tapos ay natatawang umiling. “Tapos inalok ka ng kasal. Anong mapapala niya kapag kinasal kayo?” I sighed. “Nag away ang dad niya at ang dad ko dahil sa akin. Gusto niya lang akong maging kapamilya nila ulit. Meaning, maging de Silva ulit. Kaya pakakasalan niya ako.” I smirked bitterly. “Asus. Really, Ruth? Siya kaya ang sumipa sa ‘yo. Tapos, siya rin ang magbabalik sa ‘yo sa pamilya nila? Baka nagnanaknak ang konsensya niya. Kasalanan niya, e.” “Mahalaga sa kanya ang pamilya.” Pinaliitan niya ako ng mata. “So, kapag asawa ka na niya, pamilya ka na rin niya, gurl. Mahalaga ka na sa kanya.” Malakas akong tumikhim. Kumakalabog ang dibdib ko sa tono at tingin sa akin ni Esther. “Wala siyang choice.” “Ruth, may mga away na natatabunan ng panahon. Pagkalipas lang ng ilang taon, parang wala lang. Nalimutan na ang pinag ugatan. Kung pakakasalan ka niya, ibig sabihin wala siyang pakielam sa ibang babae. Ikaw na lang ang magma-matter sa kanya. Ikaw ang reyna. Ikaw din ang boss. Tapos, s’yempre, bibigyan mo siya ng anak-“ “Anak?” “Aba’y s’yempre naman! Gurl, ang mag asawa nag e expect ng anak. Hindi ka ba na inform?!” Napakamot ako ng kilay ko. “H-hindi naman agad agad-“ “So, gusto mong pakasalan siya?” Napaawang ang labi ko. Parang ang bigat ng tanong . . . “P-ni-pressure mo siya, Esther. Let the woman breathe.” Malakas na tumawa si Walter. Akmang magsasalita si Esther pero napigilan ang bibig niya nang lumabas ang dalawang nagtatrabaho sa kusina. Nagpaalam nang uuwi. Tumigil naman sa pagpipintura si Walter at inayos ang sweldo nila. Pagkaalis ay nagsimula na rin kaming magligpit ng mga kalat. Kahit nagwawalis, panay ang lingon sa akin ni Esther. Pinanlalakihan niya ako ng mata. Napapailing lang ako at ipagpapatuloy ang pagsasalansan ng basura. Itong planong tutulong sa 143 Street, naging chismisan na lang namin. Para pa akong nilagay sa spotlight. The Marriage is entirely a big responsibility. Hindi lang ‘yon dahil magpapalit ako ng apelyido tapos oks na ang lahat. Kahit g na g si Dylan d’yan, may pag aalangan pa rin ako. Hindi basta basta ang lalaking pakakasalan ko. Dylan is a dangerous man. He was living in danger. He can give me his name. But, hindi lang naman siya ang makakapagbigay no’n sa akin, ‘di ba? The main idea is cringey. I couldn’t develop it into imagery. “Mag-o-order ako ng food. Dito na tayo kumain. Go?” Si Walter ang nagsalita. Siniko ako ni Esther. “Go?” Binalingan ko si Walter at siya. “Sige.” “Ako nang bahala.” Sabi ni Walter bago lumabas ng shop. Hindi na namin inalis ni Esther ang mga dyaryo sa sahig. Hinugasan namin sa kusina ang mga brush at roller na ginamit. Natalsikan ako ng dilaw na pinturan sa bandang dibdib. Agad kong nilinis kay may dot dot na basa ang damit ko. “Think twice Ruth, ha? Or better multiple times. Baka may tinatagong kulo ‘yang si Dylan mo. Kahit gwapo ‘yon, kaya kong umbagan ‘yon para sa ‘yo.” Ngumisi ako. Nilingon ko siya sa tabi ko. “Ako ang unang sasapak sa kanya.” Lumabi siya. “Weh? Baka lips to lips na jombag ‘yan, ha?” “Ano ka ba!” Binunggo ko siya ng balakang ko. Napaatras siya at namangha sa lakas ng bunggo ko. Binunggo niya rin ako pabalik at nagtawanan na. I could feel the fluttering in my heart. Nakakatawa pa ako. Nakakapag celebrate sa buhay. Hindi naman ako alone palagi. Siguro nga, ang isipan ko ang lumalason sa pananaw ko. For as long as my heart is fine, I will be fine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD