Chapter Sixteen Part 2

2435 Words
Chapter 16 Part 2 Ruth Dumating ang pagkaing in-order ni Walter. Sa fast food na siya bumili. Supermeal ni Jollibee. Then, Iced Tea. Dahil kulang sa upuan, sa sahig na may nakalatag na dyaryo kami pumwesto. Naka-indian sit kaming tatlo. Sinarado lang ang sliding door. “Kapag nagka segment si Ruth sa TV, magka chance tayo ng exposure nitong shop.” Tumawa si Walter. Uminom ako ng Iced Tea habang nakatingin kay Esther. She was very excited and very proud of the shop. Masasabi kong, malaki ang expectation niya na uusbong pa ang shop na ito. Maganda naman iyon. Ibig sabihin, positibo ang tingin niya sa future. “Matagal tagal pa ‘yan, Esther. Ikaw talaga, p-ni-pressure mo na naman si Ruth niyan.” “Sure na ‘yan, ‘no. Maraming magpa franchise sa 143 street. Magkakaroon pa tayo ng factory ng kape. Magkakaroon ng endorser. Mas lalaki ang shop. Uulan ng blessing! I-manifest natin ‘yan. Tiwala lang!” I chuckled. Ginaya ko ang pagtaas ng kamay ni Esther. “Yup. Tiwala lang!” “Huy. Ikaw?” siko ni Esther kay Walter. Napakamot ng ulo si Walter. Nag aalangan siya. O nakokornihan. Sumali na rin ako sa pag aya sa kanya. Kaya tatlo kaming nakataas ang mga kamay sa gitna. “Kaya ‘yan. Tiwala lang!” Hindi sabay sabay ang mga boses namin kaya nagtawanan kami sa huli. We then resume eating our food. Na libre ni Walter sa amin. Nang magkwentuhan na lang kami, na-ring ang phone ko. Tiningnan ko iyon at bahagyang kinabahan nang makitang hindi nakarehistro ang number. Kay Dylan kasi ‘yon. “Hello?” He sighed heavily. “Where are you?” matigas ang boses niya. “Nasa shop.” “Saang shop?” “Sa bagong shop namin nina Esther. Bakit?” “Saan ‘yan? Pupunta ako.” “Gabi na. ‘Wag na.” Gabing gabi, mang aasar pa. He tsked me. “Tell me where you are. Gusto kitang makita.” “Galit pa ‘to.” He sighed heavily. “Hindi ako galit. Ganito lang talaga ako magsalita.” “Sinong niloko mo? Echusero ka. Sa Valenzuela ‘to. Text ko na lang,” “What is echusero? Parang narinig ko rin kay Dulce ‘yan. What is it?” “Edi itanong mo sa kapatid mo.” “Sungit.” He then abruptly cut the line. Pabulong bulong ako ng masasamang salita kay Dylan habang nagta type ng text sa kanya. Nang matapos, nakita kong pareho na pala akong pinapanood nina Walter at Esther. Tinaas ni Esther ang kanyang kanang kamay. Parang baril niya akong tinuro. “Tsk, tsk, tsk. Bang. Target ang heart.” Umiling na lang ako. My heart beat didn’t lessen its rate. Para bang naghihintay na naman ako bagong bagyo. Hindi pa kami tapos sa pagsasamsam ng mga carton ng pagkain ay mayroong kumatok sa sliding door. My heart literally jumped! Hindi ako nakakilos. Pati si Esther. Natulala pa yata kay Dylan na nasa labas. Si Walter ang lumapit at pinagbuksan siya ng pinto. Tinitigan ni Dylan si Walter. Parang hinahagisan ng mga kutsilyo—ang uri ng tingin ni Dylan sa kanya. Kahit gumilid ito para makadaan siya, hindi pa rin nagbabago ang talim sa mata ni Dylan. He was wearing his three-piece suit. Minus the necktie. Dylan’s jaw started to darken by his little stubble. He stepped inside. Namulsa lang si Walter habang nakikipaglaban ng titigan sa kanya. “Ano’ng ginagawa mo rito? Nanliligaw ka na naman kay Ruth?” “Dylan.” Hindi niya ako pinansin. Tumayo ako. Ganoon din si Esther. Nilapitan niya si Walter at hinawakan sa braso. Marahan naman akong naglakad sa tabi ni Dylan. Kasing dilim ng gabi ang mukha niya. Tumikhim si Esther. “Uh, ako na po ang nililigawan ni Walter.” Kumalat ang pula sa mukha ni Esther. Nagtaas ng kilay si Walter. Parang ngingiti o ngingisi pero hindi makapag decide ang labi niya. Dylan looked down at her. “Tumalon siya sa ‘yo pagkatapos kay Ruth?” Napasinghap ako. Malakas kong pinalo sa braso niya si Dylan. Siraulo talaga. “Dylan naman. ‘Wag ka ngang gan’yan sa mga kaibigan ko. Napakatabil ng dila mo.” galit na galit kong litanya. Nilingon niya ako. Magkasalubong ang mga kilay niya. I glared at him. “Sana hindi ka na lang pumunta. Nakakasuya ka.” Binalingan ko sina Esther. I got worried for her. Masakit ‘yung sinabi ni Dylan. Pero ang kaibigan ko, nagawa pa akong ngitian kaso nanginginig naman ang pisngi. Walter made a move. Bumaba ang kamay niya at hinawakan si Esther. “Mas malalim naman ang nararamdaman ko kay Esther kaysa kay Ruth.” Dylan looked at him. Sinipat pa niya ito. “Yeah? Edi, maganda. Nabawasan ang karibal ko.” Mabigat akong bumuntong hininga. Nakuha ko ang atensyon niya. Walter didn’t look okay. Masama na ang tingin nito kay Dylan. “May kailangan ka ba sa akin?” “Sino’ng may ari nitong shop? Ikaw?” “Si Walter. Nakiki share lang ako.” Tumaas ang kilay niya at tiningnan ulit si Walter. Then, he shrugged his broad shoulders. “Pwede pa bang mag invest? Gusto ko rin.” “We’re totally fine.” Agad na sagot ni Walter. Bumuntong hininga si Dylan. Namulsa. “Okay.” Tinalikuran ko siya at pinagpatuloy ang pagsisinop sa mga carton at plastic cups. Sinamahan ako ni Esther. Nang iwan niya ‘yung dalawang lalaki, nag alala ako kaya agad ko silang nilingon. Baka kung ano naman ang masabi ni Dylan kay Walter. Pero nang sipatin ko, pareho silang tahimik at pinapanood kaming babae. Pagkabuhol ko sa plastic, inagaw na sa akin ni Esther ang basura. Tinuro sa akin sina Dylan. “Puntahan mo na. Baka mainip.” “I’m sorry.” Bulong ko. “Tsk, okay lang. Sige na. Lumarga na kayo.” Kinuha ko ang bag at payong ko. “Text ka pagkauwi mo.” Tumango si Esther at ngumiti. I looked at Walter. Binalingan niya ako at tinanguan na lang. Tinaas ni Dylan ang kaliwang kamay niya. Gusto niyang abutin ko ‘yon habang lumalakad papunta sa kanya. I only glared at him and walked out from the shop. “Ruth.” Pagkalabas ko, naroon lang sa gilid ng shop ang sasakyan niya. Tumunog at umilaw iyon. Naramdaman ko ang pagpigil niya sa siko. Winagwag ko ang braso at galit na humarap sa kanya. I barely mind the bystanders around us. “Alam mong hindi maganda ‘yang pinakita mong kagaspangan sa harap ng mga kaibigan ko.” Bumuka ang labi niya. Pero hindi magawang magsalita. “Daig pa ng basurahan ‘yang bibig mo. ‘Yon nalilinis pero ang sa ‘yo, parang walang pag asa.” His chest heaved heavily. Tinitigan niya ako. Matagal. Umigting ang panga niya. He really looked like as if he wanted to say but he couldn’t. Just couldn’t. Parang sisigaw pero walang lakas. Bagkus, nilagay niya ang dalawang kamay sa pisngi ko. Naestatwa ako. He moved a little closer. His hot breath was fanning my face. He caressed my cheeks like some expensive diamond. He tilted his head. “I’m tired. I’m . . . sorry.” Hinawakan ko ang braso niya. “’Wag ka sa akin mag sorry. Kina Esther. Sa kanila ka mag sorry.” Inalis ko ang kamay niya sa mukha ko. Tinalikuran ko siya pero agad niya akong pinigilan sa siko. “Okay. I will. ‘Wag kang aalis.” Tumigil ako. My chest was heaving heavily, too. My teeth were gritting. Mainit ang ulo ko. Kumukulo ang dugo ko. Pero tumigil ako at hindi humakbang kahit isang beses. He stood beside me. “Babalik ako roon. ‘Wag ka lang aalis dito.” Hindi ako nag angat ng tingin sa kanya. I was too mad. Too stiff to even move. Umalis nga siya. Bumalik sa shop. Pabalik niya sa akin, mabigat siyang bumuntong hininga. “I’m done. Let’s go home?” Nakahalukipkip na akong nahihintay sa kanya. I looked up at him. “Nag sorry ka?” He nodded. “Totoo?” He sighed. “Ask them.” Masama ko siyang tinitigan. Bumuntong hininga siya ulit. “I did! Nag sorry nga ako.” Papikon na ang tono niya. Hindi na ako sumagot. Pwede ko namang tawagan si Esther mamaya para makumpirma. Binuksan ni Dylan ang pinto sa passenger seat. He opened it for me. Pagtingin ko, mayroong mga rosas na nakaupo sa uupuan ko. I was . . . surprised. I guess. Narinig ko ang paghinga niya. Parang hingal. Kinuha niya sa loob ang isang bouquet ng pulang rosas. Binigay siya sa akin. I was . . . speechless. I looked up at him. Nginisihan niya ako. He cleared his throat and stood properly. “I’m not good at reconciliation and waving white flag. I just want you to accept these things.” Tinaasan ko siya kilay. “Sapilitan mo ‘kong binibigyan ng bulaklak? Para hindi ka mapahiya?” He scoffed. “Napahiya na ako nang bumalik ako roon para mag sorry. Ilang tao na ang sinigawan at pinagsalitaan ko, pero hindi ako nagso sorry. Hindi ba kahihiyan ‘yung sinunod kita?” I shifted on my feet. “Pinamumukha mo ang ginawa mo para sa akin? E, ikaw naman ang may kasalanan. Dapat ngang malaman mo na may mali ka. Dapat kang humingi nang dispensa. Awtomatik na dapat sa tao ‘yon pero sa ‘yo hindi? Kailangan ka pang utusan?” Kinuha niya ang kamay ko at pinatong ang bouquet. Hinawakan ko para hindi malaglag o dumulas sa sahig. Umatras siya at napapagod na bumuntong hininga. He looked frustrated. Pagkababa ng mata niya sa akin, tinitigan niya ako at lumapit. Gumalaw ang panga niya. Pinatong niya ang isang kamay sa bubong ng sasakyan. Kinulong niya ako sa pagitan ng bukas na pinto at katawan niya. “I’m just f*****g exhausted, okay? I didn’t even mean what I said. I said sorry to them. Nagulat ako dahil ang lalaking ‘yon ang kasama mo sa negosyo. Kakasabi ko lang sa ‘yo na bawal kang makipag date. Tapos nakita kitang may kasamang iba.” “Hindi kami nagde date. Si Esther ang gusto niya!” “Now I know! Ngayon ko lang naman nalaman!” Halos mapapikit ako sa malakas niyang boses. “’Wag kang sumigaw!” My eyes pooled by my unwanted tears. Napalingon ako sa paligid. Nakita ko ring lumabas sina Esther mula sa shop at tiningnan kami. Ang ilang naglalakad lang sa labas ay napalingon sa amin. Bumilis ang paghinga ko. Lumabo ang mata ko hanggang sa tuluyang bumulwak ang likido sa pisngi ko. My face felt the heat. Masakit ang dibdib ko. Parang kinukurot. Naisip ko, magmula nang tanggihan ni Lola Socorro ang tawag ko, hindi pa ako umiyak. Para bang hindi pa sapat na iyakan ko. O pinipigilan ko lang. Nang singhalan ako ni Dylan, agad umakyat ang luha sa mata ko. Nakaabang. Nagbabantay sa bugso ng damdamin ko. Agad kong pinunasan ang pisngi. Dylan stared at my face and murmured a curse. Matalim ko siyang tiningnan at malakas na tinulak. “Umalis ka na nga!” taboy ko. Hinuli niya ang mga kamay ko. Mahigpit na hinawakan. He sighed and pulled me for an embrace. “I’m sorry, babe. Hush . . . I’m sorry.” Paulit ulit ang pagbulong niya ng sorry sa ibabaw ng ulo ko. Gumagalaw ang strand ng buhok ko dahil sa kanyang hininga. Hinaplos niya ang likod ng ulo ko. My cheek rested on his chest. I didn’t cry. I stopped it. I didn’t expect anything from him. I should have asked him to leave me alone and I would just lick my wound. Sa tagal nang pamumuhay ko mag isa, sanay na akong aluin din ang sarili. Tahimik kaming bumyahe pauwi sa bahay. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana. Nasa kandungan ko ang mga rosas. Ang ganda sana nito. Sa bahay ko na lang tititigan. Bumisina siya nang may humarang na aso sa kalye namin. Pagkaparada sa tapat ng apartment, walang kibo akong nagtanggal ng seatbelt at binuksan ang pinto. Bumaba rin siya at patakbong umikot palapit sa akin. I closed his door. Umabot ang kamay niya pero ako pa rin ang nagtulak no’n. He stepped closer. He snaked in his arm around my waist and tilted his head to reach my eyes. Sa sahig lang ako tumingin. Nagkakabuhol buhol ang paghinga ko. We were too close. Ramdam ko ang abdomen niya. “Babe? I’m sorry. Please, look at me-“ Tinabig ko ang kamay niyang nagtaas sa baba ko. “Papasok na ‘ko.” He groaned. “Look at me.” Tuyo na ang mukha ko. Even though my teeth gritted, I still managed to look firm to him. Tumingala ako sa kanya. But my face was impassive. Cold. I tried to be looked lifeless for him. Tinitigan niya ako. Bumagsak ang mata niya ilang bahagi ng mukha ko. At this view, nakita ko ang pangingitim sa ilalim ng kanyang mata. The growing stubble that made his jaw rough. And the shadow of stress on his face. He gulped. He parted his lips. I saw his white and perfect teeth. “Ruth!” Nabura ang iniisip ko nang marinig ang malakas na boses ni papa. Nilingon ko ang nakabukas na pinto ng apartment. Nakatayo roon si papa at pinapanood kami. Ang mata niya ay nakapirme kay Dylan. I sighed. Tinulak ko si Dylan. “Umuwi ka na.” utos ko. He was about to hold my forearm but I glared at him again. Hindi na ako nagsalita. Dinaan ko sa tingin ang gustong kong gawin niya ngayon. And without saying goodbye, iniwan ko siya at tinungo ang bahay. Paglapit ko kay papa, pinaglalaruan niya sa kamay ang isang stick ng sigarilyo at lighter. Tinitingnan pa rin nito sa labas si Dylan. “Sino ‘yon? Muk’ang bigatin, ah.” Hindi ko siya sinagot. Nilipat niya ang tingin sa akin. Pati sa bulaklak na hawak ko. “Manliligaw mo? Anong pangalan no’n?” I stood firmly and coldly beside him. Hindi ko nililingon si Dylan pero ramdam kong nakatayo pa rin siya sa pinag iwanan ko sa kanya. “Hindi po. Si Dylan lang ‘yan.” “Dylan . . . Dylan . . .” Tinabingi niya ang ulo nang may nakaisip na kung ano. “Dylan de Silva? Anak ni Johann?” I didn’t answer him. Kapag nalaman niyang nakikipaglapit sa akin si Dylan baka kulayan niya ng ibang bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD