“You will have to live with the consequences of everything you say. What you say preserve life or destroy it; so, you must accept the consequences of your words.” – Proverbs 18:20-21
**
Chapter 17
Iris
Pagkakita ko sa mukha ni Geneva, hindi ko magawang ngitian siya. She looked guilty.
“Uh, Ruth . . .”
Sobrang mahina ang boses niya. Nasa sahig ang dalawang bata. Nalilibang ng kanilang bagong biling laruan. Nakakalat pa ang karton at plastic.
Natuloy ako sa kusina. Nilapag ko sa mesa ang bulaklak. Kahit ang mesa ay halos mapuno ng mga pagkain. May loaf bread, malaking lalagyan ng cheese wiz, tinapay na chocolate, kahon ng chocolate drinks, snacks at ilan pang matatamis na pagkain. Muk’ang kakauwi lang din nila. May nakasalang pa sa kalan.
Binuksan ko ang fridge. Bahagya akong natigilan nang may nakita akong bagong lagay na mga plastic ng prutas. May ubas, mansanas at orange. Naglabas ako ng pitsel ng tubig. In my peripheral view, pinapanoood ako ni Geneva. Binalingan ko siya. I almost arched my brow when I caught her anxious eyes.
She gulped and shyly smiled.
“Uhm, Ruth, binili ‘yan lahat ng papa mo. Ang sabi niya kasi, pambawi niya sa nagawa niya sa atin no’ng huli.”
Binalik ko ang mata sa tubig ko. Binaba ko ang pistel sa mesa at uminom. Pumasok si papa. Masaya ang mukha niya. Sinandal niya ang kaliwang balikat sa hamba ng nakabukas na pinto at humithit sa sigarilyo niya. His eyes were watching me.
Pagkaubos ko ng tubig ay dinala ko iyon sa lababo. Lumapit si Geneva sa kalan at sinilip ang niluluto. Naghanap ako agad ng pwedeng paglagyan ng mga rosas. Wala akong vase. Nag iisip pa ako kung anong pwedeng ipalit. Pati sa banyo ay sumilip ako. Sa likod ng hagdanan. Sa ilalim ng lababo.
“May gusto sa ‘yo ‘yon, ‘no? Nataypan ka ng anak ni Johann.”
Hindi ako kumibo. Hinawi ko ang ilang maruruming bote ng mantika sa ilalim. Nasa tatlong bote. Maliit ang nguso. Baka hindi magkasya ang ilalagay ko kung isa lang. So, nilabas ko na lang lahat para mahugasan.
Pagtayo ko, binalingan ni Geneva si papa.
“Sa bagay. Sa tagal mong nakisama sa pamilyang ‘yon, imposibleng hindi sila nagandahan sa ‘yo. E, si Denise nga, naakit si Matteo.”
My face went impassive. Humihinga at tumitibok na lang ang puso ko. Binuksan ko ang gripo at tinapat ang katawan ng bote sa tubig. May mga dumi akong nakita kaya tinuwad ko ang mga bote.
“Matagal na ‘yon, Jake. ‘Wag mo nang banggitin sa anak mo.”
May hint ng warning akong narinig sa boses ni Geneva. Though, her voice was gentle and soft, naroon ang munting atake sa kanyang tono.
Tumawa si papa.
“Hindi mo pa ba naririnig ang katagang; kung anong puno, siyang bunga. Kita mo nga? May de Silva na namang nadikit sa Melaflor. Kung ‘di sinimulan ni Denise ‘yan, edi walang mapapala si Ruth. Mag ina nga kayo.”
My hand gripped on the neck of the bottle. I gulped hardly. Pinanood ko ang ginagawa na parang sumasali ang mata ko sa paglilinis sa bote.
His words were like a knife. His voice was like a poison. His presence was an insult to my biological mother.
Madiin ang lapat ng labi ko. I refused to say a word. I didn’t think he deserve a talk with me. What I had for him was a little respect as my biological father.
Naiinis din ako kay Geneva. Kaunting grocery lang, nagpasilo na siya. Iyong nangyari last time, Nabawi na? Pero hindi ko rin siya masisisi, e. Wala siyang ibang makakapitan. She was getting older and jobless. May mga anak. She simply needed him for a financial support.
“Iba si Ruth. ‘Wag mong ikumpara sa mama niya-“
“Ba’t ba sabat ka nang sabat? Ikaw ba kinakausap ko?”
“Sinasabi ko lang ang opinyon ko.”
“Walang may kailangan ng opinyon mo! Hindi mo anak si Ruth! Anak namin ni Denise kaya matuto kang ilagay ang sarili mo sa tamang lugar! ‘Wag kang mangielam!”
“Hindi naman tamang ipagkumpara mo ‘yung dalawa. May sariling buhay si Ruth. Magkaiba sila ng mama niya-“
“Puta kang babae ka, talagang gusto mong ginagalit ako!”
Narinig ko ang palapit niyang boses. Napatras si Geneva sa takot. Binitawan ko ang ginagawa at hinila ko siya palayo kay papa. Tumigil si papa. Pati ang dalawang batang inosenteng naglalaro sa sahig ay natigilan din at pinanood siya. Fear etched on their faces. Damn it.
Hinarang ko ang sarili kay Geneva at matapang kong tinapatan ang galit sa mukha ni papa.
“Kung maghahamon ka lang ng away, umalis ka na.”
My voice was low but firmed enough. He wasn’t even welcome in my house. Sinimulan niya akong kausapin na tila ba tapos na ang nangyaring pananakit niya sa akin.
Tinitigan niya ako. Sinubo niya ang sigarilyo sa bibig at nagkalat ng usok sa paligid.
Kumuyom ang kamao ko.
Pinanliitan niya ako ng mata. This was it. Ganitong ganito ang titig niya sa akin kapag lasing siya. Naninindig ang balahibo ko. Kinakilabutan. Nakakabuhay ng muhi na hindi ko maipaliwanag. Para bang binibihisan ako ng mata niya ng ibang mukha o katauhan.
Madilim ko siyang tinitigan. “Umalis ka na.” diin kong salitang ulit sa kanya.
Parang baliw siyang ngumisi. Lumabas ang maiitim at sira sira niyang ngipin.
“Ginagamit mo rin ang utak mo, ‘no? Kaya siguro matapang ka sa akin, dahil alam mong may uutuin kang mayamang lalaki. ‘Yang Dylan ba ang gagamitin mo? Tsk, tsk, tsk. Napakagaling mo, Ruth. Ang galing mong pumili ng lalaki. Sinigurado mong makapangyarihan, ha?”
Nanlisik ang mata ko. “Isipin mo kung anong gusto mong isipin. Lumayas ka at ‘wag nang bumalik.”
Tumawa siya at nilingon ang mesa at ang mga bata. Namulsa siya at maangas akong binalingan.
“Bakit ka naman gan’yan? Mas kinakampihan mo pa ang ibang tao kaysa sa sarili mong ama,”
I stared at him blankly. His expression shifted as if he was innocent or what.
“Ang ibang anak, inaalagan ang magulang nila. Pero ang sarili kong anak, hindi ako magawang igalang. Gan’yan na lang ba tayo habangbuhay, Ruth? Hindi mo na ako matatanggap na ama mo?”
I was nearly shocked when I heard those words from him.
Ngumisi siya. Tumingin sa sahig. Umuusok pa rin ang yosi niya sa kamay.
“Kung sabagay, walang wala na ako. Isang kahid, isang tuka lang. Hindi tulad nina Matteo. Kahit ano kayang ibigay sa ‘yo. Kaya bakit pa ba ako mag e expect na alagaan mo? Si Matteo lang ang tinuturing mong ama.”
Mapait siyang ngumiti. Kumurap ako. Tumalikod siya at nagtuloy tuloy sa paglabas.
Nilagpasan ako ni Geneva. Sumunod kay papa.
“Jake sandali!”
Dahan dahan kong binaba ang mata mula sa pagtingin sa pinto. Napagtanto ko kung gaano kalakas ang kalabog sa dibdib ko. Para masawata ang kalabog, binalikan ko ang ginagawa. Pero mabagal ko nang nilinis ang mga bote. Hindi tulad kanina na parang gusto kong mas palinawin pa ‘to. I squeezed the sponge and resume cleaning it. It was hard to continue when my mind has been tainted by my father’s words.
But after a short while, clear water loomed in my eyes. It wasn’t really clear. It shaded my eyesight not until they fell on my cheeks.
Sometimes, I hated the day I was born. Hindi normal ang takbo ng buhay ko. Pero maayos at tanggap ko pa noong kasama ko sina dad at mom. They loved me. Hindi ako tintratong ibang dugo. Hindi galit ang mommy sa akin. I was their only girl. And I loved and treasured all the years that we were all together as family.
Nang makilala ko si Jake, doon tila nagsimulang dumumi ang isipan ko. Natatakot na ako. Nagigimbal. Kinakabahan. Hindi naman kaila ang galit niya kay mama Denise. Palagi ‘yong lumalabas sa tuwing nakikita o natitigan ako. It was inevitable. Naging extension ako ng kanyang dating asawa.
Isang dagok din sa buhay ko ang pagtangging makausap ni Socorro Hilario.
Pinatuluan ko ng tubig ang mga bote. Hanggang kalahati. Kumuha ako ng gunting. Lumipat ako sa mesa. Tumayo ako sa tabi no’n at tahimik na inayos ang mga bulaklak.
They were beautiful. Though my eyes were still watery, the sight of these flowers, somehow, lightened my chest. Kaya rito ko na lang sinunod ang nararamdaman ko. Nang bumalik si Geneva, mag isa pa rin siya. Hindi ako mag-e-expect na babalik din si papa. Hindi naman kailangan.
Walang kibong pinuntahan niya ang niluluto.
Lumunok ako. Ginugupit ko ang buntot ng mga rosas.
“Nakipagkita pala kayo sa kanya kanina.”
I wanted a confirmation.
Ramdam kong nilingon niya ako. Kumalansing ang sandok sa tasa.
“Nakiusap kasi siyang makipagkita. Humingi siya ng sorry. At nag abot ng kaunting p-pera.”
Isa isa kong hinihiga sa mesa ang natapos gupitin.
“Hindi ka niyayang sumama?”
Nagtataka pa ako kung bakit nandito pa sila. Nanunuyo pa ba? Kaso, nag away sila ulit.
“Tumanggi ako. Sabi ko, tinutulungan mo ‘kong makahanap ng trabaho. Ayaw niyang makipaghiwalay sa akin. M-mahal niya raw kami. Hindi na niya uulitin ang ginawa niya.”
I secretly scoffed the thought. Lumang tugtugin pero palaging umeepekto.
I quietly laid the flowers in the bottle. Nagandahan ako nang maging dekorasyon iyon sa mesa. Ang wari ko ngayon, gamot sa sakit ng puso itong mga rosas. Kay daling magmukmok at mag emote sa higaan dahil sa nangyari sa akin ngayong gabi. Pero may sapat pa akong lakas para i-divert ang sakit sa mas magandang bagay.
Wala ba akong galang? Pabayang anak? Walang kwentang nilalang?
Hindi naman ako pusong bato. Pero binabalik ko ang paggalang sa taong marunong ding gumalang sa akin. Wala akong maalalang nanakit ako. Marunong akong mag sorry. Namimili ako ng sinasamahan. I wanted to be treated fairly. But not all people were kind enough to respect and treat you right. Because some were only focusing on their own selves.
“Gusto mo bang sumama, Ruth?”
Nagta type ako nang magsalita sa tabi ko Ma’am Farrah. Tinapos ko ang ang huling pangungusap ko bago ako tumigil at binalingan siya.
“Saan po?”
“Mangangalap ng istorya sa kaso ni Nieto.”
She fixed her things with calculated move. Ang kasong nabanggit niya ay ang celebrity na inaakusang siyang pumatay sa girlfriend nito.
“May natanggap ako sa source ko, madalas daw talagang mag away si Nieto at girlfriend niya. Tinatanggi lang na okay sila pero s’yempre, echos lang ‘yon para ma-maintain ang career. Balak din palang sumabak sa showbiz nu’ng girl.”
Kumunot ang noo ko. “Sobrang personal po pala ng alam ng source n’yo, ma’am Farrah.”
Si Ma’am Farrah ay Investigative Journalist. Ang interesting ng area niya. Actually, kahit ano namang istorya ay magandang isulat. Depende na lang sa words na gagamitin. Marami ring reads ang article niya. Her works are impressive. Maganda ang outline at clear. Though, ang sabi nga ay crime at corruption ang pinakabinabasa na balita, nagkakatalo pa rin sa reputasyon at style ng manunulat.
Nginisihan niya ako. “Kaya isama mo ‘to sa experience mo. Kapag talagang nasa trabaho ka na, hindi nga mangangapa.”
Tumango ako sa kanya at naghanda na rin sa pag alis.
Ma’am Farrah gave me a chance to have a hands-on experience and in-depth look at the industry I’ve chosen. Ang sabi niya, dapat ay marami akong contact na malalapitan at matatawagan kapag magre research. Active sa mga event at marunong makipag usap. Lalo na ang magtanong. Bantayan o panoorin ang gesture ng ini-interview na parang imbestigador. I must learn how this industry operates.
“Kunan mo siya ng video. Pero make sure na hindi kita ang mukha niya.”
Sinunod ko ang utos niya sa akin. Nagpaunlak ng closed interview ang taong ito. Babae. Ayaw niyang sabihin ang kanyang pangalan at iginalang namin iyon. Sa loob ng kanyang bahay kami. Pinanood ko ang bawat bato ng tanong ni Ma’am Farrah. She was intently watching the interviewee. And as a host, gamay niya ang galawan at tono ng tanungan. Wala siyang tinitingnan kundi ang kaharap lamang. She was also jotting down on her notes.
Pagkatapos ng interview, hindi pa roon ang ending ng trabaho ni Ma’am Farrah. Gagawan naman niya ng katawan ang kanyang istorya.
Gabi na ng makabalik kami sa office. May tao pa rin doon pero iilan na lang. Bumalik sa kanyang table si Ma’am at sinimulan ang pagsusulat. She was excited to write. Para siyang lobo na nasobrahan sa hangin at gusto nang sumabog.
Nagdesisyon akong hindi muna umuwi agad. I opened my files. I was inspired, too. Sinilip ko ang oras sa bisig ko. Hindi pa naman ganoon ka-late. Kaya pinasadahan ko ulit ang article na ginawa ko tungkol sa mga Melaflor at Hilario.
Nilingon ko muna sa tabi ng mesa ko si Ma’am. Baka makita niya ang ginagawa ko. Mabuti na lang at tutok na tutok ito sa screen at mabilis na nagta type sa keyboard. Ang kanyang suot na Anti-Rad glasses ay bumabagsak pa sa bridge ng ilong nito.
I pouted my lips and took out my notebook. Hinanap ko ang huling sinulat ko roon pandagdag sa files ko. Kinuha ko ang ballpen at gumawa nang patuldok na tunog sa mesa. Paulit ulit ko iyong ginagawa habang nag iisip ng magandang salitang idudugtong ko sa nasulat na.
Now, that I had found my Lola Socorro, I had a chance to update this. Pero bumalik ako sa nakalipas na ilang dekada. I thought, wala gaanong specific event sa angkan nila. Naging successful ang businesses ng Melaflor during sa pamamahala ng Lolo ko. Ang pamilya Hilario, kahit may naging negosyo rin, mas pinili nila ang tahimik na pamumuhay. They were discreet. Ofcourse, some names were associated with their name but there were just few articles about it. And nothing sparks the interest.
Nilipat ko ang tingin sa wordpad. Tinitigan ko ang huling words na sinulat ko. I put my hands above my keyboard and tried to type anything until the words flowed out like a river. Nag concentrate ako at naging sunud sunod ang pag type ko.
I didn’t notice the shadow behind my back. I was so driven with my words when someone spoke on my temple.
“Ano ‘yan?”
Tila ako hinagisan ng paputok at mala-kwitis akong tumayo sa upuan ko.
“I’m sorry po, Sir!! Hindi na po mauulit!!”
I was already biting my lips and my eyes were closed. Nahihiya akong nahuli ng boss na gumagawa ng ibang bagay bukod sa trabaho lang. Damn it! Nakakahiya talaga! Baka bigyan ako ng mababang puntos o tanggalin dahil pampersonal ang ginagawa ko.
Piniga piga ko ang mga daliri ko. Namayani ang katahimikan sa paligid. Pati ang masarap sa taingang pagta type sa keyboard ni Ma’am Farrah ay nawala rin.
Damn! Damn! Damn!
Tapos, ang taong nasa harap ko ngayon ay pumalahaw ng tawa. Naestatwa ako. Dumilat ako. Namilog ang mata ko nang makitang nakahawak na sa tiyan niya si Leonard. Tawang tawa.
I bit my lower lip and looked around. Ang isang editor naming lalaki, nahinto sa paglalakad at umiiling akong tinawanan. Ang ibang naroon pa sa kanilang mesa, nakataas ang ulo at nakatunghay sa amin.
Para siguro akong tanga. Bigla biglang tatayo at guilty’ng sasabihin ang kasalanan.
Binalingan ko si Ma’am Farrah. Natitigilan itong nakatingin sa akin. Ang kamay niya ay naiwan pa ibabaw ng keyboard.
Nag iisa ang malakas na tawa ni Leonard. Kamuntik ko siyang irapan pero boss ko rin ‘to, e. Nanahimik na lang ako hanggang sa humupa ang tawa niya.
Malakas siyang tumikhim at nilagay ang mga kamay sa kanyang baywang. He was wearing a dark grey business suit. Tiningnan niya ako. Umiling na natatawa.
“Gutom lang siguro ‘yan, ‘no? Kain tayo.” Aya niya.
Napapikit ako at buntong hininga. That was probably, the most embarrassing moment while doing my Internship here in Bangon. Naku, bukas maging laman pa ako sa pantry. Hindi ko naman kasi masisisi itong si Leonard. Sobrang focused ako sa ginagawa nang magsalita siya. Hindi ko siya narinig na dumating. I didn’t mind my surroundings. Damn.
Nag decide na rin akong umuwi na. Gabi na rin at kung babalik pa ako sa office, mas lalo akong late na makauwi.
“Parang nilagyan ng booster ang puwitan mo sa pagtayo kanina, Ruth. Ang cute mong mag sorry.”
Hanggang sa restaurant, tawang tawa pa rin si Leonard. Kahit hindi na ako ngumingiti, tumatawa pa rin siya.
“Baka mapanaginipan mo na ‘yan, ha?” tukso ko.
He was still smiling like a toothpaste endorser.
“Hindi ako magrereklamo.”
Tumititig siya sa akin habang nakangiti. For the first five seconds, that stare was normal. But after a half a minute, that stare was lingering already. Napasubo ako ng kanin at ngumuya para mabawasan ang awkwardness sa hangin.
I heard him smirk.
“Nabasa ko ‘yung ginagawa mo. Tungkol kay Socorro Hilario. Are you seeing her?”
Nagpatuloy na rin sa pagkain niya si Leonard.
Tumango ako. Nag alangan pa akong sumagot noong una. Kaso, bakit pa ako magsisinungaling kung nahagip na ng paningin niya? Kapag tumanggi ako, magiging curious lang siya. He could even tell this to his brothers. Lalo na kay kuya Yale. At masasalin ang balita kay ate Deanne.
“Gusto ko lang malaman ang tungkol sa pamilya niya. Pero hindi ko pa siya nakikita.”
“Alam mo kung nasaan siya? Your Lola, I guess?”
“Yup. Tinawagan ko na nga sa US. Kaso . . .”
Ngumuso ako at nagkibit ng balikat. Kumunot ang noo niya.
“She’s dead?”
Napaubo ako. Sumakit ang lalamunan ko. Maagap si Leonard at inabot ang tubig ko sa akin. Sumimsim ako nang kaunti. Para lang maibsan ang sakit sa lalamunan ko. He looked worried.
“N-no. Buhay pa siya. Nu’ng tinawagan ko, ayaw niyang makipag usap sa akin.”
Napaisip si Leonard.
“May iba nang pamilya?”
“Husband niya ang palaging sumasagot sa tawag ko. Siya mismo ang ayaw makipag usap.”
“Bakit daw?”
Lumabi ako. “Ewan. Hindi ko rin alam.”
“Did you try to call her again?”
“Ilang beses na. Nakaka frustrate lang umulit. Parang mawawalan na ako ng interest kapag nag usap kami.”
“You should never stop, Ruth. You’re a Journalist.” He winked at me. “If you want, I can help you. Puntahan natin sa US.”
Nabigla ako sa pag aya niya.
“’Wag na. Saka hindi pwede ngayon. Ang iniisip ko, magpadala na lang ng package roon at sulat. Baka mas kumportable siya kung ganoon.”
“There must be a problem.”
Sumang ayon ako sa kanya. Pero ano? Hindi pa kami magkakilala, may problema na agad. Pambihira.
Pagkatapos naming kumain ay tumambay muna kami ni Leonard sa labas ng restaurant. Umupo kami sa pasimano ng pinagtaniman ng mga halaman. He bought me an ice cream and we talked about anything.
I felt like we were catching up the days that we missed for each other. Palagi siyang nakangiti at nakikinig sa akin. Natatawa ako kapag kinukwento niya ang nakakabatang kapatid na si Rock.
“Vocal siya sa pagsasabi na magka baby na sina kuya at ate. Feeling ko nga, nahihiya nang magpakita sa kanya si ate Deanne,”
I smirked. Mayroong sasakyang itim na pumarada sa likod ng sasakyan ni Leonard. Namatay ang ilaw sa harap pero hindi naman bumukas agad ang pinto sa alinmang side.
“Hindi dapat ‘yun minamadali. Ang mag asawa ang dapat na magpasya. Kung handa na sila.”
Mula sa paghalukipkip ay sinuksok niya ang mga kamay sa bulsa ng pantalong suot.
“I have this sense na, parang hindi in good terms ang mag asawang ‘yon. Mula no’ng kasal, bihira silang mag usap.”
Kumunot ang noo ko. “Nasabi ba sa ‘yo ang dahilan?”
Tinabingi niya ang mukha at tumingin sa malayo.
“Hindi. Hindi nag-o-open up si kuya sa personal niyang buhay. Puro negosyo kasi ‘yon. Maaari kayang naninibago?”
Kumurap kurap ako at napaisip. May naisip akong dahilan pero ayaw kong ibitaw sa kanya. Kaya nagkibit balikat na lang ako at tumahimik. Our next topic was his work. Tapos ay hinatid na niya ako sa bahay.
“Thanks, Leonard. Ingat ka, ha?”
Sumaludo siya sa akin at ngumisi. Pagkababa ko ay hinintay ko munang makaalis ang sasakyan niya bago ako pumasok sa loob ng apartment.
Bukas ang ilaw sa baba pero nakasarado ang pinto. Gising pa siguro sina Geneva. At sana, wala si papa.
Pagbukas ko ng pinto, aba, walang tao sa sala. Tiningnan ko ang hagdanan. Maagang natulog? Pagsilip ko sa relos, napangiwi ako. Alas dies na pala. Nalibang ako sa kwentuhan namin ni Leonard.
Tinulak ko ang pinto at pumasok. Malakas akong suminghap nang makita kong nakayupyop sa mesa si Dylan! Namilog ang mata ko at naestatwa sa tabi ng pinto. My eyes roamed around. Tahimik na tahimik. Parang siya lang ang tao!
Pabagsak kong binaba ang gamit sa upuan at tinungo ang hagdanan. Umakyat ako sa taas. Napaawang ang labi ko. Malinis ang kutson. Wala sina Geneva, pati ang mga bata. Nagmadali ako sa pagbaba ulit. Bumagal ang lakad ko nang mapasadahan ang laman ng mesa ko. Nasa gilid ang rosas ko. Sa paligid nito ay may nakahandang pagkain. Mga pagkaing hindi ko madalas na niluluto. And the plates were brand new! Ang kubyertos ay kumikinan na kulay ginto!
My lips parted. May bucket of ice roon na pinaghihimlayan ng isang bote ng wine. May dalawang malinis na plato. Ang isa ay nasa gilid ng ulo ni Dylan at isa sa kabila. Sa bakanteng plastic na upuan ay may nakaupong bagong bouquet ng pulang rosas.
My jaw dropped and my eyes were obviously bulging. Ano ba ‘to? Siya may gawa niyan?