“When the wicked die, their hope dies with them. Confidence placed in riches comes to nothing.” – Proverbs 11:7
*
Chapter 18 Part 1
Ruth
“Ano’ng ginagawa mo rito?!” tanong ko nang magkasalubong ang mga kilay ko.
Madaling nagising si Dylan nang yugyugin ko ang balikat. Though, he looked disoriented at first, pinasadahan pa niya ang loob ng apartment at ako. Then, he resumed to sleeping. I needed to kick his knee to bring him awake again.
Mabigat siyang bumuntong hininga. Pagod niyang sinandal ang likod sa upuan.
“Dumadalaw. Hindi ba obvious sa ‘yo?”
Mas lalong nagdikit ang mga kilay ko.
“Paano ka nakapasok dito?”
He shown me his pissed face. Tapos ay walang buhay na tinuro ang pintuan.
“Dumaan sa pinto.”
He looked down at his silver wrist watch.
“Ikaw? Bakit ngayon ka lang umuwi? Alam mo ba kung ano’ng oras na?”
“Hindi ko naman alam na darating ka. Dapat nagpaabiso ka muna.”
Pagkaangat niya ng mukha sa akin, sarkastiko niya ako nginitian.
“Edi next time. Sasabihin kong isu- surprise kita para maabisuhan ka.”
I scoffed and made a one step back.
“Sorry naman, ha? Pupunta pala ang mahal na hari. May paandar sa akin. Pero mas maganda sana kung hindi ka na lang pumunta. Hindi ko pa nasayang ang ginto mong oras.”
He’s so conceited. Arrogant. Naghihinayang pa naman ako sa ginawa niyang effort. Pero sa timbre ng boses niya, para bang kailangan kong maglaan ng oras sa kanya dahil magbibigay siya ng effort. Yes, I was already surprised. But his smug attitude made me wanted to erase my initial feelings and left him pissed.
Humalukipkip ako. Tumayo siya at nilapitan ang kaharap na upuan. Tumaas ang isang kilay ko nang iahon niya roon ang panibagong bouquet ng pulang rosas. There was a satisfying sound from the way he held his hands onto it. Binalingan niya ako at inabot iyon sa akin.
“Ano ‘yan?”
He tilted his head. “Bulaklak?”
“Tsk.” Inirapan ko siya at tinanggap na lang. “Alam kong bulaklak. Bakit nagdala ka pa ulit?”
“Sabihin mo kung ayaw mo. Itatapon ko na lang.” masungit niyang sagot.
Nanatili siyang nakatayo. Tiningnan niya ang mga pagkain sa mesa. Kinuha ang pinaglalagyan ng steaks at pinisil pisil. He even tasted the mashed potato and his face looked a little pissed.
“Nagsasayang ka ng pera. Kabibigay mo pa lang ng bulaklak sa akin. May dala ka na naman. Kung nagbabakasali kang may sagot na ako sa alok mo, pwes, wala pa. Maghintay ka kung maghihintay ka. Um-effort ka pa. Ano, nagpapabango ka sa akin?”
Pabalang niyang binaba ang plato at nilingon ako.
“Malamig na ang pagkain. Ang tagal mo kasi.”
“Edi dapat nauna ka nang kumain. Kita mong late na ako, e.”
Tinuro niya ang kanyang pwesto.
“Nakatulog at nalipasan na ako ng kain. Lamig na nga lang kakain ko, manenermon ka pa.”
Kinuha niya ulit ang iyong plato ng steaks. Dinala niya sa tapat ng kalan. He looked up and down. Nang makita niya ang maliit kong kawali, inabot niya ito at sinalin doon ang mga steak. He looked around again and found my utensils. Sunod niyang pinatong ang kawali sa maliit kong kalan. Yumuko pa siya at parang naging alien ang nakikita niya.
Binaba ko sa upuan ang bouquet at tinabihan na siya roon. Baka mamaya pasabugin pa niya ‘tong inuupahan ko. Mamumulubi na ako sa danyos. Kinuha ko ang lighter. Binuhay ko ang kalan. Hinawakan ko ang handle ng kawali at kumuha ng sense.
“Maupo ka na lang doon. Makasira ka pa.” pagalit kong tono. At masunog pa niya itong kakainin niya.
Sumunod lang siya sa sinabi ko. Naupo nga. Ininit ko ang pagkain niya. Pero iyong mashed potato at salad, nanatili sa mesa. Pagbalik ko sa mesa ng plato, nakapagsalin na siya ng wine sa dalawang baso nito. He sipped and took one steak to his plate. Pinanood ko siya. Excited siyang kumain. Mukhang gutom na gutom nga.
Nilabas ko sa fridge ko ang isang pitsel ng tubig. Pinagsalinan ko siya at tinabi sa kanya. Sinilip ko rin ang rice cooker kung may luto. Nang mayroon, nagsalin ako sa plato at tinabi rin sa kanya. Mayroon pa siyang isang putahe ng ulam. Hindi naman ito magkakasya sa pa-steak steak lang.
Tiningnan niya ang mga binaba ko sa mesa at tiningala ako.
“Hindi ka kakain?”
He was slicing his half-eaten steak and then halted.
“Tapos na ako.”
Umupo ako. Kinandong ko sa akin ang bouquet ng bulaklak at pinanood siya. Well, pwede akong kumain ng mashed potato at salad niya. Kaysa panoorin siyang masayang kumakain mag isa.
“Saan ka kumain? Sinong kasama mo?”
He took his wine and sipped while his eyes were silently fixed on me. Simple kong binaba ang tingin sa salad. I almost bit my lower lip.
“Dumating sa office si Leonard. Niyaya niya akong kumain bago umuwi.”
“Hinatid ka rin?”
“Oo.” Parang wala lang ang pagkakasagot ko.
“Bakit hindi ka tumanggi para makauwi ka nang maaga? Naglawaktsa ka pa talaga.”
His mad-but-calm voice made me wanted to roll my eye balls but I didn’t. Lakwatsa? Ganoon ang tingin niya kapag kumain after work? Tsk.
“Boss ko ‘yon. Bakit ko tatanggihan?”
Binagsak niya ang hawak na kubyertos. Lumipad ang paningin ko sa kanya.
“You’re dating your boss!” akusa niyang bigla.
Namilog ang mata ko. “Ofcourse not. Dinner lang ‘yon just after work.” May diin kong kontra.
His smirk was cold. Kita ko sa mukha niya ang disgust at inis. Para bang ang mali mali ng desisyon ko at hindi tugma sa pinaniniwalaan niya sa buhay. Napasuklay pa siya ng buhok at umigting ang panga.
“Naghalikan kayo?”
“Hindi!”
“Ano’ng pinag usapan niyo? Paborito mong pagkain, kulay, artista, hobbies? Nagplano ba kayong magbakasyon at mag date ulit? Nagtanong ba siya kung single ka pa rin? Ano?!”
Pinakalma ko ang sarili. Ayokong magtaas ng tono. E, ano naman sa kanya kung iyon nga ang pag usapan namin ni Leonard kung sakali? Banayad akong bumuntong hininga at pinakalma ang dibdib.
“We talked about work.”
I didn’t know why I am feeling this loud thudding in my chest while filling him my answer. Wala naman akong kasalanan. Siya itong nag uusisa. Wala rin kaming ginawang masama ni Leonard. Nahuli pa nga ako no’n may ibang ginagawa sa opisina imbes na tungkol sa trabaho. Ang sa akin naman, anong masama kung lumabas kami. Kapatid pa niya ang asawa ni ate Deanne. At wala akong makitang pangit sa pakikitungo sa akin ni Leonard.
“May pinuntahan pa kayong iba? Hotel?”
Bumagsak ang balikat ko. Sukdulan na ‘to. “Really, Dylan? Hotel? Anong sa tingin mong gagawin ko ro’n? Teka, ano bang gusto mong marinig? Nag check in kami at naglampungan? Buti nakauwi pa ako nang ganitong oras, ano?”
Matalim niya ang akong tinitigan. “Don’t answer me like that.”
The texture of his voice became thin.
“Then, don’t question me like what you are doing. Puro ka kasi hinala. Hindi ako pinanganak kahapon pero alam ko ang tama at mali. How dare you.”
Nagngingitngit ang loob ko. Iyong tanong niya, masakit sa dibdib, e. Hotel? Tangna. Siya lang nangahas na magtanong sa akin niyan. After dinner, mag hotel naman? Anong tingin nito sa akin, babaeng madaling kaladkarin sa kung saan!
I knew, I have standards for myself. May nagpalaki pa rin sa aking mga magulang. Pinilit kong magpaka mature dahil nag iisa na lang ako ngayon. But being accused of going to the hotel with a man was below the belt.
Tumayo ako. “Tapusin mo na ‘yan at umalis ka na.”
Padabog kong binagsak sa upuan ang bulaklak niya. Kinuha ko ang gamit ko at dumeretso ng akyat sa taas.
Pabalang kong binagsak ang gamit ko. I didn’t turn on the lights and it felt fine. Namaywang ako. Sinuklay ko ang buhok at tumingala sa kisame. Hindi ko namalayang sobrang lalim na pala ng paghinga ko. Para akong hinihingal sa galit. I calm my nerves and my heart.
He just insulted me. That was it. He came here to insult me. Hahanap at hahanap siya ng butas para maliitin ako. Kung ang ibang tao ay may nakatalagang Anghel para bantayan sila, ako, may Dylan para padilimin ang araw ko.
My lips trembled. Nanubig ang mata ko. Kaya ko naman siya, e. Pero mga pana talagang dumadaplis pa rin sa akin.
Nakakabwisit. Nakakagalit. Nakakawalang gana siyang pakiharapan. Kapag okay kami, biglang mag aaway. Iritado yata siya kapayapaan.
I heard footsteps. Napabaling ako agad sa bungad ng hagdanan. Unti unti kong nakita ang bulto niya. Ang hugis ng buhok at malapad niyang balikat.
“Bumaba ka nga ro’n.”
Malakas ang boses ko. Hindi siya sumunod. Parang walang narinig.
Tuluyan akong napaharap sa kanya. Akma ko siyang sisinghalan pa pero nakalapit ito sa akin kaagad. Hindi ko makita ang mukha niya. Ang liwanag na nakakapasok ay hindi sapat para malaman ko ang ekspresyon sa mata niya.
“Sabi ng-“
Hinapit niya ako sa baywang. Pumiglas ako. He used his two hands so he could trap me in his. I am too small for him and he is too big for me. But the little fighter in me, still tried to fight until he tied my wrists with his hand and pulled me closer against the warmth of his body.
We were chest to chest. My flat tummy against his muscled abdomen. I tracked my breathing; I was having a hard time to breathe properly because his nose was too close with mine. He gripped his arm around my waist. I gasped. His face went down on my neck and made a shallow touch on my sensitive skin.
I was trapped. Mas lalo akong hindi nakagalaw nang dumampi labi niya sa leeg ko. His kisses were light. Delicate. Slow.
Para akong nawalan ng boses. Pero naririnig ko ang paghinga ko.
We were in the darkness. With just some stripes of light from the outside. I was breathing so hard. And he was so calm as he started his journey kisses on my neck and to my jaw.
I probably smelled his expensive perfume. But all I could think of is the scent of his skin.
Thud. Thud. Thud. I think, my heart is already banging on its caged wall. Nang lumapit nang lumapit ang halik niya sa gilid ng labi ko, mas lalong lumalakas at bumibilis ang t***k ng puso ko. I freed my lip from my bite. I blinked my eyes. Tinabingi ko ang mukha para hindi niya marating ang labi ko—pero madali niya lang nasundan ang porma ng mukha ko. He then reached his destination. My lips.
Sa una ay mabagal at nanunuksong halik ang ginawa ni Dylan. Nakagapos pa rin ang kamay ko sa kamay niya. Pagkatapos niyang halikan ang labi ko ay nilipat niya sa kabilang panga ko ang atensyon ng labi niya. Bumaba ulit iyon sa leeg ko at nagtagal.
He then mechanically put my hands around his waist. Pinag lock niya iyon bago bitawan. He snaked his arms around mine. He crouched and buried his face on the crook of my neck. Hinawi niya ang buhok ko. I felt his warm breath.
Our sounds were our breaths, heartbeats, gasps. And some distant sounds from outside-the motor passing by, mumbled voice from neighbors and barking dogs. Who would have thought that we were up here, in the dark, whispering, kissing, murmuring words I couldn’t understand? Too close and yet too unclear.
“You should know that I am territorial. I will never ever be contented with just a part of you. I am possessive, Ruth. It’s in my blood.”
Nanayo ang balahibo ko sa batok habang bumubulong siya. Pinagpatuloy niya ang paghalik. Ang kamay niya sa likod ko ay tumataas at bumababa. He sounded like some vampire who was trying to seduce his prey. And I could still feel the remnants of his lips on my skin.
“Whoever tried to snatch you away from me, I swear, I will make his life a living hell.”
His lips grazes again. My lips just parted.
Sa gitna ng dilim, ang galit ko ay unti unting nalusaw. Pero dapat akong magalit. He is trying to brand me as his. Kaya bumitaw ako sa pagkakayakap sa baywang niya. He groaned a protest. Pinagpatuloy ko ang ginawa. Nilagay ko pa sa dibdib niya ang mga kamay ko at tinulak siya. Hinuli niya ang palapulsuhan ko para pigilan ako.
“You cannot stop me.” He added.
“Paano kung kaya ko?”
Umiling siya. Nakapag adjust ang mata ko sa dilim. I can now see his face. Namumungay ang mata niya. He looked aroused. And it was dangerous at this level of intimacy.
“Hindi mo kaya. Dahil hindi ko rin kayang pigilan ang sarili ko.”
I stared at him. I gulped. Tinaas niya ang kamay ko. Nilagay niya sa kanyang mukha.
“Hindi mo pa ba nararamdaman?”
Nanatili akong nakatitig sa kanya. Lumalapit na naman ang mukha niya. He sounded like he was frustrated at something . . . I barely understood.
“You . . . are mine.”
Namilog ang mata ko. Agad kong inalis ang kamay ko sa mukha niya. Humakbang ako palayo sa kanya.
“Ano’ng pinagsasabi mo? Nahihibang ka. U-umuwi ka na. Magpahinga ka sa inyo. G-gabi na.” pagtataboy ko.
Tinitigan niya ako. Umuwas ako ng tingin. My chest was heaving violently. I didn’t like the way he said that. The way he stared at me. The way he muttered those words like as if it was a matter of fact. f**k.
He then sighed loudly.
“Balang araw, uutusan mo rin akong umuwi na sa ‘yo. Dahil ikaw ang uuwian ko.”
He strikes me again with another blow of unclear words. Pagod akong pumikit at namaywang.
“Ayan. Sige! Mangarap ka ng gising. D’yan ka yata nag master, e. Kung paano lumaki ang ulo at maging mayabang. Palagi mo na lang hawak ang future ko. Palagi mong alam kung ano’ng . . . plano sa buhay ko!”
Minulat ko ang mata ko. Akala ko ay namalikmata pa ako nang lumipat siya sa tabi ng hagdanan. Nakatingin siya sa akin.
“Galit ka lang ngayon kaya‘di mo maramdaman. Hindi mo maintindihan.”
“Ano bang ‘di ko maintindihan? Sabihin mo nga?”
“You’re not a child anymore.”
“Then, enlighten me. Let me know what I am missing here!”
He was just frustrating me. He was lusting and using me for his own. Alin ba roon sa mga ginagawa niya ang malabo para sa akin? Nagugulat lang ako dahil kaya niyang pakasalan ako at hindi ang ibang babae. That thing really surprised me. At bukod doon, ano pa?
Tuluyan siyang bumaba. Mapait akong huminga dahil hindi niya ako sinagot. Ginugulo niya lang ang isipan ko. Nakukunsensya siya o may ibang binabalak. I am concerned, ofcourse, with dad and his father. Marrying him will bring up something bad or good. Hindi ko alam kung saan kami mahuhulog d’yan. Kaya ayokong magbigay ng sagot sa kanya.
Esther is right. Kailangan kong pag isipang maigi. Ulit ulitin sa utak ko ang maaaring mangyari kapag nagpakasal kami. It will be nice to be part of the family again. But it will also be different.
Galit akong naghubad at humugot ng damit sa aparador. I changed into cotton shorts and spaghetti black strap on top. Saktong kabababa ko pa lang hem ng pangtaas ko ay umakyat ulit si Dylan. Nagulat ako at napaawang ang labi ko.
“Nandito ka pa rin?”
Hindi niya ako nilingon. Isa isa nitong tinanggal ang butones ng suot at naghubad!
“Sinarado ko lang ang pinto. Dito ako matutulog.”
“What?”
Isa isa niyang hinubad ang suot hanggang sa boxer shorts ang maiwan. Tapos ay basta na lang na humiga sa kutson sa sahig. Pinagpag niya ang unan at diniin doon ang ulo. Sinipa pa niya ang kumot.
“Bawal ka rito. Hindi pwede. Umuwi ka na lang!”
“Wala akong sasakyan. Hindi ako makakauwi.”
Nilapitan ko pa siya. Hindi pa nakabukas ang electric fan at mukhang ‘di niya pansin.
“Nasaan ang sasakyan mo?”
“Hiniram.”
“Nino?”
“Ang dami mong tanong. Halika na. Tulog na tayo.”
Pinagmasdan ko siya. Sa pwesto at itsura niya, huli na para mataboy ko pa. Pwera na lang kung kaya kong palayasin ito nang halos hubad. At kanino naman niya pinahiram ang sasakyan niya?
“Tatawagan ko si kuya Nick nang masundo ka.”
Nilagpasan ko siya. Hinuli niya ang paa ko. That contact resumes the feelings I felt from his hands a while ago.
Nilingon ko siya. Nakaupo na ngayon at nakakapit sa paa ko.
“Pagod na ako, Ruth. Pagpahingahin mo naman ako, please. Wala na ngang nangyari sa dinner date natin, pauuwiin mo pa ako?”
“Hindi ka nga pwede rito.”
“Isang gabi lang. Dati pinapatulog ka rin naman sa bahay namin, ah. May narinig ka ba sa akin?’
“Aba’t-“
Talagang pinaalala pa niya ang nakaraan.
“Sige na. Pagod na ako, babe.”
His voice turned into bedroom tone. Bumuntong hininga ako at tinitigan siya. Yes, he looked tired. Tulog na nga nang abutan ko rito.
“Itong gabi lang, ah. Muk’ang pinaalis mo pa sina Geneva. Sinadya mo ‘to.”
“Hindi ko sila pinaalis. Nagkusa silang umalis. Sinundo ng papa mo.”
Natigilan ako. Sumama na sila kay papa? Bumuntong hininga ako. Hindi na siya nakatiis. At mas lalong hindi niya kayang iwan siya.
Pagtingin ko kay Dylan sa sahig. Nakatutok ang mata niya sa binti ko. Ginalaw niya ang thumb sa binti ko. I gasped a little and pulled out my leg away from his hungry eyes.
Napaangat siya ng tingin sa akin.
“Sa baba ako matutulog. D’yan ka na.”
“Dito ka.” galit niyang utos.
“Magtatabi tayo? Parang hindi kita kilala. Kahit sa cubicle ng banyo—pinapasok mo ‘ko. Tapos magtatabi pa tayo?”
Surprisingly, I heard his big laughter. Nanginig pa ang balikat niya.
“Kabisado mo lahat ng ginagawa natin, ah? Memoryado.”
“Gagu.” Mahina kong mura.
Lalong lumakas ang tawa niya at malayang binagsak ang likod sa kutson. Pinailalim niya ang mga kamay sa kanyang ulo. His armpit’s hair was exposed. Along with the strong muscles of his arms. He maybe flexing his biceps to me.
Wow, assuming?
“Siguruduhin mong malaki ang space ng memory mo, babe. We’ll surely make memorable treasures in the near future. Moments natin na hinding hindi mo makakalimutan.”
Memorable? Well, ang pang aalipusta, pag iinis at pagbibwisit niya sa akin—hinding hindi ko malilimutan. You will always be part of my life. Maybe, half of it. I will make sure, na hindi mo magagawang sirain ako—buong buhay ko.
After all, ako rin naman ang magdedesisyon sa buhay ko. Pati feelings ko, ako lang din ang may kapangyarihang palakarin ito. Choice kong maging masaya, malungkot at magagalitin. Choice ko rin kung sino ang gusto kong makasama. Choice ko kung ano ang gusto ko para sa sarili. Ang mahalaga, sikapin kong magkaroon ng karunungan sa pagpili.
Alam ko ring wala akong control sa pangyayari sa kapalaran ko. My attitude, I guess, will determine my future.
I slept next to him. Pagkabukas ko ng electric fan, hinatak ko ang kumot at binalot ko ang katawan hanggang leeg. Ayaw niyang magkumot. Mainit daw. Patagilid akong humiga. Nakatalikod sa kanya. It would be nonsense to fight with him again about this one night arrangement.
“Good night, Ruth . . .”
Umismid ako. “Night!”
“De Silva.”
Kumurap kurap ako kung tama ba ang huling narinig ko. O baka nagha hallucinate na ang katabi ko. o ako? But I didn’t dwell on it. I just fell asleep peacefully.