“The wicked are trapped by their own words, but honest people get themselves out of trouble.” – Proverbs 12:13
**
Chapter 19
Ruth
I sighed and cringed while staring nervously at the small box I am packaging. Tumabi ako sa gilid ng Philpost Office para hindi makaabala ng ibang nagpapadala. I was given a box. Ito ngayon ang inaayos ko at nilalagyan ng ilang pagkaing Filipino. I didn’t buy much. Sa tingin ko nga, hindi rin mahalaga itong pinagbibili ko. Ang main goal ko ay mapadala at mabasa ni Lola Socorro ang sulat ko. And the food? May mga Asian Stores na ngayon sa America. Pero naglagay pa rin ako ng dried mangoes at ilang delicacies mula rito sa Pinas.
I bit my lip over and over again. Okay na ba ‘to? Oo naman! Alangang mag backout pa ako. E, nandito na ako. Sayang ang oras at pera kung uuwi ako.
Namaywang ako at bumuntong hininga. Siniksik ko sa gilid ang sulat at litrato ko. Nagtatanong ako kung bakit ayaw niya akong makausap. I wanted to know about my mother and her, too. I also wrote my current status. That I am studying Journalism. Malapit nang gum-graduate. Nilagay ko rin ang contact details ko. Just in case, gusto niyang siya ang tumawag sa akin. I will make myself available whatever it takes.
I squared my shoulders and went back to the counter. Tiningnan ako ng staff. Naiwang nakabukas ang malaking listahan ng presyo para sa cost ng shipping. Lagpas isang libo iyon. Naalala kong tiningnan niya ako ng dalawang beses pagkatapos nitong sagutin ang tanong ko. Tinimbang niya ang box. Mukhang hindi namang lumagpas at pasok pa sa presyong nakalagay sa list nila.
“Wala ka nang ilalagay? Medyo maluwag pa ‘tong box mo, Miss. Pwede ka pang humabol. Chichirya o ano. Para sulit ang bayad mo.” sabi niya habang inaayos ulit ang nailagay ko na sa loob ng kahon.
Umiling ako at binuksan ang bag ko. I took out my wallet and a two thousand bills. “Wala na po.” nilapag ko ang pera sa counter.
Hindi na kumibo ang lalaki at tahimik nang inasikaso ang padala ko. I filled out the shipping details. He took my cash and gave my change. Medyo natagalan siya sa paghahanap ng sukli sa akin. Hindi ako nagsalita habang naghihintay. My mind was occupied about Lola Socorro. Sana lang, sana buksan niya ang padala ako.
At kung hindi siya sumagot sa akin, kung maghintay pa ako ng ilang buwan, siguro ay magpapadala ako ulit. I will try my luck. Life is short. Atleast, habang nabubuhay ako, gumawa ako ng paraan para makipag ugnayan sa kanya. Whatever purpose it may serve.
My graduation is approaching. Nagsisimula na kaming mag prepare sa school. Though, may mga kailangan pang i-complete bago makasampa sa stage at kailangan kong magbabad sa library para sa mahihirap na subjects ko. Mayroon pa ring excitement akong nararamdam. Sa wakas, nakatapos din ako. Sabi nga nila, hindi pa ito ang ending ng paglalakbay ko, magsisimula pa lang ako sa tunay na gyera sa buhay.
In-a-apply ko ang mga natutunan ko sa Bangon sa career path ko. Though, most of the time, pang entry-level ang task ko, okay pa rin iyon. Kasi habang nasa internship ako, nakikita ko naman ang kalakaran sa industriyang gusto ko. Isa pa, nagkakaroon ako ng ilang kakilala. I have to broaden my connections and sources. Someday, alam kong magagamit ko rin iyon.
Kaya hindi dapat ako ma-distract ng kahit ano o kahit sino. Wala muna ako iisiping bagay na walang kinalaman sa school ko.
Minsan . . . naiisip ko si Dylan. Even if he could occupy my mind, I have the power to restrict my head and diverted it to other things. Pero minsan, nakakalusot. Hindi ko siya naiisip nang solo. Naalala ko naman ang nangyari sa akin ng umagang iyon sa apartment ko. How uncomfortable I was with my underwear. I couldn’t believe. I simply couldn’t believe it!
Naisip kong magtanong kay Esther tungkol ‘doon’. Sa something na ‘iyon’. Kung ganoon ba talaga ang dapat maramdaman. Pero nakakahiya. Parang sobrang personal na. Tapos, malalaman pa niyang . . . nangyari ‘iyon’ sa akin.
Napapikit ako at pinagtatampal ko ang magkabila kong pisngi. Nag init kasi. Nakasakay pa ako sa jeep at pakiramdam ko ay nagsumiksik ang init ng araw sa balat ko. Bumilis ang t***k ng puso ko. Para bang may nagtatambol sa loob nito. Pagdilat ko, saktong napatingin ako sa matandang babaeng nakaupo sa harapan ko. Pinapanood niya ako. Tinablan ako ng hiya at tumikhim. Nilipat ko na lang sa labas ang paningin ko para masawata ang gumugulo ngayon sa isipan ko. Maging sa buong katawan ko.
Nakaupo ako sa dulo ng jeep. Sa tabi mismo ng babaan. Isang itim na SUV ang kasunod ng sinasakyan kong jeep. Sa tabi nito ay may taxi. At ilang pang pampasaherong sasakyan. Unconsciously, I stared at the bumper of the SUV. What will be my life after graduation? Will I get married? Will I able to have my own family? Will I have my own children?
I thought about the last question and some images painted in my mind. I could hear the giggling sounds and big, loud laughter. Nakaupo ako sa telang nakalatag sa luntiang damuhan. May basket ng pagkain at masarap ang simoy ng hangin. Sa likuran ko, ay ang maganda at matayog na mansyon. I smiled and watched my family. I mildly scoffed at the images. They felt so real. Na parang isang abot kamay ko lang iyon.
There is life after school. Ofcourse. But I will surely criticize my own discretion if I ever choose something that is out of the box.
Nanliit ang mata ko. Umandar ang jeep na sinasakyan ko. Sumunod ang itim na SUV. Pati ang ilang sasakyan ay umandar. If my decision is right, I think, something will follow, too.
Pagdating ko sa Bangon Office, I was asked to do proofreading by Ma’am Farrah. Softcopy iyong file kaya nababad ang mata ko sa screen ng monitor. Pagkatapos nito ay inutusan akong mag research ng article. Then, later on, I was asked to call someone just to verify an important news. I did all that half of my day. Tiring but fulfilling for me.
Bago matapos ang araw ko sa Bangon, pinuntahan ko ang website nila. Headline ang tungkol sa kaso ng artistang si Nieto at ang namatay nitong girlfriend. Umuusad naman ang kaso. Lalo na, lumabas ang interview ni Ma’am Farrah sa isang taong malapit sa dalawa. May isang TV network ang gusto makuha ang panig ng source ni Ma’am, pero hindi na nagpaunlak ito. The office is kind of busy.
Nag-i-scroll ako. Nakita ko ang Business section. My attention immediately hooked when I saw World City Corporation written boldly right in front of me. Bida sa article ang bago at katatapos lang na project ng kumpanya ni Dylan. He just finished developing a large-scale land in Cavite. I clicked ‘more’ and I saw the full information and photos of his new works. He wasn’t in the photo taken. Siguro ay representative niya lang. Ang proyektong iyon ay private and public partnership. Maraming puri at pinagkumpara pa sa BGC ang natapos na proyekto. Something new and they said, promising. He maximized the use of the land-they said.
Sa panghuli, ay nasabing marami pang future project ang World City Corp. And the ideas are all came from one man. It was also added about the upcoming Aviation Solutions under WCC. Many are curious about it. I wouldn’t be surprised. Dylan is a licensed Pilot. Kaya interisado siya roon. He is getting bigger. He and his name.
A man like him is not ordinary. He’s very intelligent and wealthy. He came from a famous family. He is powerful. He got influences. Marami siyang kayang gawin. Maaari ring, gawin niyang posible ang imposible.
“Meron ka na bang tina target na apply-an after grad?”
Mula sa computer screen, nilingon ko si Ma’am Farrah. Nakangiti siya sa akin. Bahagyang nakaharap ang chair niya at parang kanina pa siya nakatitig sa mesa ko.
Tumikhim ako at inalis ang kamay sa mesa. “Marami po, Ma’am.”
Isa na nga po itong Bangon Office. S’yempre, pati sa ibang kumpanya rin. Ayokong maging kumpyansa kukunin ako rito.
“Why don’t you try here? Actually, impress ako sa trabaho mo. I can recommend you, too. Kung gusto mo lang naman.”
Namilog ang mata ko. Tama ba ‘tong naririnig ko? Hindi pa ako nakakasampa sa stage ng ga-graduate, may maghihintay na sa aking opportunity?
“Ma’am?”
My lips parted. Ang sarap i-grab agad. May chance ako rito!
“Gusto mo ba?”
Nakakunot ang noo niya.
Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Umayos ako ng upo. “O-opo, ma’am! S’yempre. Hindi ko na po ‘yan tatanggihan.” Mabilis kong dagdag. Ayokong isipin niyang nagdadalawang isip pa ako. Hindi, ‘no!
Natawa si Ma’am Farrah bago humarap ulit sa kanyang table. Nilingon niya ako at tinaas ang hintuturo.
“Pero iba ang internship sa tunay na sabak sa trabaho, ha? Mas marami ang puyatan nights natin. Sa umaga, nasa field. Sa gabi, magsusulat pa. I tell you, mababawasan ang tulog mo. Kaya dapat fit ka. Make sure na kaya ng katawan mo, Ruth-“
Patango na ako kay Ma’am nang may patakbong pumasok sa office. Iyong isang reporter naming lalaki. Halos lahat ay natahimik nang pumasok itong humahangos. Hindi lang ‘yon, walang kulay ang buong mukha niya.
Agad na napatayo si Ma’am Farrah at iba pang ka-officemate namin. Naiwan akong nakaupo at nagmamasid. Dumeretso sa office ng Editor ang lalaki. Nakasunod ang maraming pares ng mata sa kanya.
Tapos ay narinig ko ang sunud-sunod na ring ng telepono at cellphone. Tumunog din ang kay Ma’am Farrah.
Napalingon ako sa kanya.
“Yes, hello?”
“Hello?!”
Pakiramdam ko ay may bagyong dumating o kaya’y nagsimulang gyera sa amin. May matindi kayang balitang nakarating? Maybe, a big scoop?
Ilang sandali pa, nanindig naman ang balahibo ko sa naging katahimikan. Nakita kong namutla si Ma’am sa tabi ng kanyang table. Napaupong bigla.
Naalerto ako. Ano’ng nangyayari?
Tulalang binaba ni Ma’am ang phone niya. Her eyes were bulged. Tinakpan niya ang bibig at nanubig ang kanyang mga mata.
“Patay na si Jules! He was shot in Quezon!” Someone from my back said it aloud.
Napaawang ang labi ko. My excitement vanished after I had known the tragedy with Sir Jules. His colleagues started to weep and some even cursed. Mayroon ding tumawag sa kung sino para makumpirma ang nangyari.
Nagkaroon ng mahabang katahimikan. May huminto sa pagta type at yumuko sa kani kanilang mesa.
“Damn it.” Hinampas ni Ma’am Farrah ang mesa at saka tumayo.
Napatayo rin ako sa hindi ko malamang dahilan. Nilingon ko ang opisina ng editor. Tulala ito habang umiiyak sa harap ng mesa ang pumasok na reporter sa opisina niya.
Later on, napanood naming lahat ang nangyari kay Sir Jules sa Flash report na lumabas sa TV. Natagpuan nga ang katawan niyang may tama ng bala ng baril. Sa Quezon, kung saan mayroon itong bagong tinatrabahong balita. Tama sa ulo ang kinamatay niya.
Lumakas ang iyakan matapos marinig iyon. Sinabi sa balita na wala pang clue ang mga pulis sa dahilan ng pagpatay at nag iimbestiga pa.
May nagturo sa TV. Nilingon ko kung sino.
“They knew! Damn it!” si Sir Ken na pulang pula ang mukha sa galit.
“Pinagtatakpan nila ang nangyari kay Jules. But they knew who’s behind it.”
“Ken.”
Lumapit si Ma’am Farrah sa kanya at hinaplos ang balikat. Nag usap sila pero hindi ko na narinig.
Natahimik na lang ako sa mesa ko. Lagpas na ang oras ng uwian ko pero hindi ako makaalis. O nahihiya akong umalis. Isa pa, nalulungkot ako sa sinapit ni Sir Jules. I heard, importante raw ang sinusulat niya ngayon. Pero sa tingin ko, mas delikado naman kung pagbabasehan ko ang reaksyon ng kanyang mga katrabaho.
I went out from the office with a heavy heart. Papauwi ako ay tinitingnan ko pa sa cellphone ko ang balita kay Sir Jules.
Bago umuwi, nag text ako kay Esther na dadaan sa 143 Street Coffee Shop. Nakababa na ako sa jeep nang mabasa ko ang reply niya.
Esther:
Nandito rin ang boyfriend mo.
Natigilan ako sa paglalakad.
Ako:
Sino’ng boyfriend?
What the heck?
Esther:
Si Dylan. Sino pa ba?
Tumaas ang kilay ko.
Ako:
Anong ginagawa niya dyan?
Esther:
Gustong mag invest. Para raw lalong lumaki ang shop.
“Tsk.”
Napabilis ang lakad ako papunta sa shop. True enough, nakita ko agad ang nakaparadang sasakyan ni Dylan sa tapat. Halos takbuhin ko iyon para makita kung anong ginagawa niya sa loob. Pagpasok ko, naabutan kong nag uusap sina Dylan at Walter. Magkaharap sila sa bangong lagay na mesa at mga upuan sa loob. Nakatalikod sa akin si Dylan, kaya si Walter ang unang nakakita sa akin. His face was impassive.
“Dylan.” Untag ko sa kanya.
He lazily looked back at me. He was on his corporate suit. Pagkakita niya sa akin, ngumisi ito.
“Hi, babe.”
Humahangos akong lumapit sa kanila.
“Anong ginagawa mo rito?”
He grinned and reached for my hand. Bahagya niya akong hinila. Nakaupo pa rin ito. Si Walter ay pumangulumbaba at pinanood kami ni Dylan.
“I am applying to be an investor.”
“Ha? Bakit?”
“I’m interested.” Sabay kibit nito ng mga balikat.
I sighed heavily and combed my hair.
“Hindi pa nga kami nakakapagbukas, interisado ka na? Ni wala pa kaming sales na ipipresenta sa ‘yo.”
Hindi naman sa gusto kong mag invest siya. Pero hindi kapani paniwala ang pagmumukha niya.
He squeezed my hand and smirked.
“Interisado ako kasi nandito ka rin. I know that I am safe.”
Nalukot ang mukha ko pagkarinig ko niyon sa kanya. Teka, siya nga ang dahilan kung bakit sinarado ko ang cleaning services ko. Tapos, heto siya at mag-i-invest sa coffee shop namin dahil nandito ako? Binawi ko ang kamay na hawak niya. I saw Walter lifted his brow. Dylan stared at me broodingly.
“Hindi pwede.” Sagot ko. kahit na parang wala talaga akong say para magdesisyon. Kung tutuusin, si Walter ang may pinakamalaking share sa amin nina Esther. I cleared my throat and looked at Walter. “Uh, ayaw mo naman, ‘di ba?”
Narinig ko ang malakas na ‘tsk’ sound ni Dylan. Binalingan niya rin si Walter.
“Hindi natin kailangan ngayon. Isa pa, maliit lang ang space natin. Kung napaaga siguro ang pag invest ni Mr. de Silva, baka kumuha tayo nang mas malaking location.”
“We can still relocate. Hindi pa naman kayo nagbubukas-“
“Sayang lang. Gumastos na rito.”
Dylan looked up at me.
“I can cover the expenses. Kung ikaw ang bahala sa marketing, ipagkakatiwala ko sa ‘yo.”
Bumuntong hininga ako at humalukipkip. Pinanliitan ko siya ng mata.
“Utot mo bilog.” Mahina kong sabi.
I didn’t mean to create a scene. Lalo pa at nakaka intimidate ang presensya ni Dylan sa 143 Street. Mula sa kusina ay lumabas si Esther na may dalang tatlong cup ng kape. Mukhang na install na ang coffee machine at ilang supplies ng shop. It was pretty fast.
Malakas na tumawa si Walter. Isa isang binaba ni Esther ang mga baso. Napabaling ako kay Dylan nang tumayo ito at pilit akong pinaupo sa pwesto niya. I obliged and didn’t protest.
“Igagawa rin kita ng sa ‘yo, Ruth.” Nakangiting sabi ni Esther.
I smiled back and was pleased. Humila ng bago upuan si Dylan. Tinabi sa akin. He sat and draped his right arm over my chair. His eyes were drinking my attention. Sobra kasi siyang nakadikit sa akin at halos bakuran ang gilid ng katawan ko. Binabalewala niya ang mga mapanuring mata nina Walter at Esther.
“I’ll go with you.”
Pagkasalita ni Walter at agad din itong tumayo. Sumunod kay Esther sa kusina.
Dylan leaned on my ear.
“I caught them making-out in the kitchen-”
Nagulantang ako at bigla ko siyang siniko sa dibdib.
“Aw!”
I glared at him. “Ano ka? Tsismoso?”
Banayad niyang hinaplos ang parteng tinamaan ko. Ngumisi pa ito.
“Natutuwa lang ako. Hindi ka niya gusto.”
Sumandal ako. Tumama ang likod ko sa braso niya. Awtomatikong umakbay pa iyon sa balikat ko.
“Ah. So, wala kang balak na pakielaman ‘tong shop?”
Tinitigan niya ako. His head tilted like as if he was reading my mind.
“Wala. I already escalated our relationship. There’s no need for me to get your attention.” He lazily and calmly lifted up his cup then sipped.
I stared at him with honest observation.
“You just gave me negative points. Because of your wickedness, people lost their jobs.” My voice was thin.
He looked at me. Tumaas ang kilay. Binalik niya ang tasa sa mesa.
“You’re too hard to me, Ruth. I planned well. I make sure, no one is left behind. Who do you think I am? A heartless man?”
I scoffed lightly. “Ruthless.”
Yumuko at pinanliitan niya ako ng mata. I almost flinched but didn’t show it. But I stopped breathing.
“Uh. That’s why I need you. I need someone who can spank my head and iron my mouth. Ruth. You can actually save lives if you marry me. They can avoid my wrath if I have you.”
“I’m not a superhero. So, stop bribing me.”
He grinned at me. “I’m not bribing you, babe. I’m seducing you.”
His last words were accompanied with a very low and raspy tone. I was torn if he was really bribing or seducing me. Because it felt all the same. If I am going to stare at his perfectly angled face, he would just be enticing me. Eyes were playful. It wasn’t dangerous. More like, alluring. So, he really was seducing me then?
Bumaba ang mata ko sa labi niyang magkaparte. His lips were red and moist. Meron siyang labi na para bang palaging nahahalikan dahil sa pagkapula. I already knew the taste of his mouth. Suddenly, I gulped at the near thought of it. He kissed like a caveman deprived of lips. He could eat my mouth in one superlative kissing.
Stop it, Ruth!
Saktong lumabas sina Walter at Esther sa kusina. Napaigtad ako. Tinulak ko ang noo ni Dylan palayo sa akin. He also looked at them.
“I thought you’re going to give us an hour?”
Binalingan ko siya at sinuntok sa braso. My fist felt his expensive coat. Hindi niya ako nilingon. Tumawa pa habang nakatingin sa dalawa.
Walter shook his head. Siya ang may dala ng kape at naglapag sa harapan ko.
“Thanks.”
Pinaghila niya ng upuan si Esther bago siya umupo.
“My coffee is waiting.” Sagot nito kay Dylan na sumimsim ulit sa kanyang tasa.
When we all settled in the table. Panay ang lihim na ngisi sa akin ni Esther. Kapag itataas niya ang tasa niya, maiiwan ang mata nito sa akin at tititigan akong makahulugan. Susulyapan si Dylan at ako. Tapos ay tataas ang gilid ng kanyang labi. Inilingan ko siya. Pinanlakihan ng mata. Naramdaman ko ang paggalaw ng kamay ni Dylan sa balikat ko. Pasimple kong inalis ang akbay niya. Nilingon niya ako. Hindi ko siya pinansin at nag concentrate sa kape ko. Walter was silently watching us. Hindi ko maiwasang pamuluhan ng pisngi. Base sa nararamdaman ko, malimit ang pagtingin tingin niya sa aming dalawa.
Baka hindi siya kumportable sa paglapit lapit sa akin ni Dylan. Dahil dati kaming magpinsan. Lumaking magpinsan. Kahit na ampon lang ako, may iba pa ring impact ang relationship naming dalawa sa iba.
Natigilan ako nang ibaba ni Dylan ang kamay niya sa ibabaw ng hita ko. Pinatong niya ang palad sa kaliwa kong hita. Nakasuot naman ako ng maong pants pero tumatagos ang init ng kamay niya sa balat ko. Unbelievable.
“Kailan ng opening ninyo? Nakapag invite na ba kayo? Press or Influencers?”
Walter and Esther’s attention immediately went to Dylan. Palihim kong nilapit ang kamay ko sa kanya. Isang beses kong pinitik ang kamay niya. His fingers flinched but they didn’t move out from my thigh.
“Naka set kami next week. Sunday. Ginagamay pa ni Esther at isang staff ang operation sa kitchen.” Sagot ni Walter.
“Hindi pa namin kaya ang press. Nakakaloka naman ‘yon. Press agad? Baka maghanap pa ako ng influencers. Ano’ng sa tingin mo, Ruth?”
Pinitik ko ulit ang kamay ni Dylan. Hindi niya ulit inalis sa hita ko, diniinan pa niya.
Nag angat ako ng mukha kay Esther. Lumunok ako at tumikhim bago sumagot.
“Influencers? Ahm, muk’ang okay naman ‘yon. It can help to promote 143 Street.”
Tumango si Esther. Nilingon si Walter.
Pinisil pisil ni Dylan ang hita ko. Sinubukan kong mag de kuatro para maalis ang kamay niya. Natanggal lang iyon sandali at binalik niya rin agad. Pero dahil mas nakikita ang kamay sa dalawang kasama namin, hinawakan ko ang palapulsuhan niya at inangat. Pabalang kong binitawan. Agad bumaba ang mata roon ni Esther. Namilog pa.
Tumawa si Dylan at inakbayan ang sandalan ng upuan ko.
“Ruth can write a promotional article, too. Maganda sana kung kasama ako sa may ari kaso . . . ayaw ng girlfriend ko. Magandang story ‘yon.”
I forced myself not to glare at him. But I faked my smile when I looked at him beside me.
“Hindi kita boyfriend. I can make a story excluding you.” May diin kong sagot.
Napakamot ng batok si Walter.
“Saan naman pwedeng i-post o ilabas ang article na ‘yan kung sakali?”
Dylan sighed. “I can commission some news company to publish her writings. Mm, I’m actually planning of putting up a news company for Ruth. Right after her graduation, she can freely run it for herself.”
I felt like my face froze. Tinitigan ko siya at hinintay na tumawa ito dahil sa joke niya. Pero nang balingan niya ako, nginitian pa niya ako.
My jaw dropped. “Are you serious?”
He smirked and shrugged his broad shoulders.
Ilang sandali akong natulala sa kanya. Imbes na sumagot ito, casual pa siyang sumimsim ulit sa kanyang tasa ng kape.
“You can’t be that serious. Hindi mo ‘yan gagawin sa akin.”
Tinaasan niya ako ng isang kilay. As if he could intimidate me with that.
“Sinong may sabi? I will call a group for your own news company. Pwede kayong mag office sa building ko. In Makati. Near mine.”
Halos mapaubo ako. Esther was nearly shock, too. Habang natahimik lang si Walter. Umiling ako. Nanlamig din ako.
“Hindi mo gagawin ‘yan.”
“Why not? This is for my future wife.”
Pumikit ako na para bang kumirot ang ulo ko.
“I’m not your girlfriend. I’m not yours. We’re not getting married. I’m not going to be your wife!”
He scoffed. “Naghihintay lang akong maka graduate ka, Ruth. Then, we’re going to be wed.”
Umiling ako ulit. I looked back at him. “Hindi ‘yan ang plano ko.”
“Anong plano mo?”
“Hindi ka kasali.”
“You must include me, then.”
Natawa na lang ako at umiwas ng tingin sa kanya. I looked at different direction. Hindi ko rin kayang salubungin ang tahimik at nakikinig na sina Walter at Esther. I needed help. I needed someone I could hold on to. Dylan is an impossible man. Lahat ng lumalabas sa bibig niya para bang mangyayari talaga. At kapag kinontra ko, mas lalo akong nagagalit. Nakakairita. Pero parang walang saysay ang kontrahin siya. Nakakapagod lang.
Para siyang linta.
In the end, ang impromptu na meeting ay na brought-up lang ang sa amin ni Dylan. Nakakahiya pa nga.
“Ruth.”
Binalewala ko ang tawag ni Dylan. Sumunod ang nakakabinging katahimikan. Malakas na tumikhim si Walter.
“Nakita ko na nga pala ‘yung kinunan mong pictures, Ruth. Nagustuhan ko. May talent ka rin pala sa photography?”
Pinilit kong ngumiti kay Walter. Tulad ko, ganun din ang ginawa ni Esther pero ang mata ay naiiwan kay Dylan.
“Thanks. Baka nakuha lang sa magandang anggulo. Have you seen the page in f*******:?”
He nodded and smiled. “Yes. Ang sabi nga ni Esther ay ilagay sa Ads para marami ang makakita online. Ginawa niyo raw ‘yon sa dati niyong business.”
“Ay, oo! Magaling sa strategy si Ruth. Inaaalam din niya kapag may mahigpit na competitor. May natapos ding units si Ruth sa Business Management, ha. Basta walang magsasabotahe sa negosyo, okay tayo-.”
Agad na napatingin si Esther kay Dylan. Her lips stretched like as if she said something she shouldn’t said. Tiningnan niya rin ako at ngiwing ngumiti.
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Walter nang mag iba ang reaksyon sa mukha ni Esther.
Nagkatinginan pa kami ng kaibigan ko pero walang gustong sumagot sa amin para kay Walter. Mas lalo lang lumalalim ang linya sa noo niya.
“Ruth.”
Natahimik ulit kami nang tawagin ako ni Dylan. They waited for me to answer him. Or even look at him, which I didn’t do both. I cracked a smile to Esther.
“Bakit kaya hindi na lang natin i-post online ang article na isusulat sa shop? Tapos, ‘yon ang ilagay natin sa paid ads. Pwede rin kayong magbigay ng ideas sa marketing, ha? Baka kasi ‘pag ako lang, masabotahe pa. Mawalan pa tayo ng kikitain. Hindi naman tayo kasing yaman ng iba na kayang paluhurin ang mas mababa sa kanya. Feeling entitled sa lahat ng bagay.”
I took my cup and sipped carefully. Tumabingi ang mukha ni Esther. Mas lalong hindi naging kumportble ang ngiti niya. Panay din ang sulyap sa lalaking nasa tabi ko.
“If you want, I can provide a team for marketing.”
Kahit mababa ang boses ni Dylan, nagdala pa rin iyon ng katahimikan sa aming apat. Tiningnan siya ni Walter, pero hindi nagsalita. Tumikhim si Esther at akmang magsasalita pero hindi rin niya nagawa. Sa huli, ako ang binalingan nilang lahat.
I sighed and didn’t bother to look at Dylan again.
“Magre research pa ako. Para hindi tayo umasa sa iba.”
I painfully threw that words beside me. I could feel the growing madness from his body. His breathing sped up. Hell is rising in him.
“Don’t treat me like some kind of a f*****g ghost.”
His voice was still low. But I still didn’t care.
“Ano’ng oras kayo uuwi?” I checked my wrist watch.
“Kumain muna tayo bago umuwi.” He announced.
Tumayo agad si Dylan. Tumayo lang at tiningnan ako.
I sighed. Nag angat ako ng tingin kina Esther. “Pasilip naman ako ng bagong menu natin,”
“Ha? O-oo sige ba. Teka kukunin ko sa kitchen.”
Nag aalangang tumayo si Esther.
“Ruth Kamila. Stand up.”
Esther halted and looked at Dylan. She was very conscious at what was happening in the air between us. At mukhang wala na siyang balak na kunin ang menu na gusto kong makita.
“Ako na lang kukuha.” Sabi ko pagkatayo.
Nakakaisang hakbang pa lang ako nang hatakin ni Dylan ang siko ko. His hand was heavy and kind of painful. Nilingon ko siya agad at halos hindi ako makahinga nang salubungin niya ako ng mukha niyang nagagalit.
“Ano?!” simbulat ko sa kanyang tanong.
Another chair made a sound. Tumayo na rin si Walter. Alarmed by my voice.
“What are you doing? Ignoring me for telling the truth that you’re going to be my wife?”
My teeth gritted. Matalim ko siyang tiningnan. Galit kong hinila ang siko pero hinuli niya agad.
“Do me a favor. Pakasalan mo na lang ang sarili mo. Tutal, ikaw lang ang nasusunod.”
He scoffed. “Am I not enough? Are my reasons not enough?” he clearly said.
“Your reasons are selfish. You’re arrogant. Conceited. What can I get from you, ha? Hell?!”
“Everything! Name it and I can give it to you!” he roared.
Malakas ko siyang pinalo sa dibdib niya. “f**k you!”
Napakalakas ng dagundong sa dibdib ko. Ewan ko kung bakit nanlabo ang mata ko. Galit na galit akong umalis ng shop. I even neglected to get my things with me. Alam kong sinundan niya rin ako at sinigaw ang pangalan ko.