“Good people think before they answer. Evil people have a quick reply, but it causes trouble.” Proverbs 15:28
**
Chapter 20 Part 1
Ruth
Cold air bashed my face. I walked faster than the wind—but that’s impossible. I walked faster like as if I couldn’t feel my own feet. Sa kabila ng ingay ng mga sasakyan, boses ng mga tao at malalayong tugtog ng radio o speaker, dumadagundong nang malakas ang t***k ng puso ko. Dahil sa galit. Dahil sa pamamahiya ni Dylan. Dahil sa sitwasyong hindi ko mahawakang maigi.
This anger is not new to me. But the intensity is somehow brand new. And it also beginning to tire me.
Hot fluid settled in the corner of my eyes. I could still see the cemented flooring. My head is still clear that I wanted to run away and covered my face until I can hold my feelings. People are unaffected of my fast movement and also, they don’t matter to me. I heard my name roaring in the night. But I didn’t give a single damn in it. I walked faster like some robotic woman who was given a newly acquired longer battery life.
“Ruth, damn it!” he shouted to reach my ears.
Hindi ako napigilan ng ganoong salita at tono niya. Mas lalo kong binilisan ang lakad ko. Malalaking agwat sa bawat hakbang. Hindi man ganoong kahaba ang mga binti ko pero nagawa ko pa ring mas makalayo mula kay Dylan.
But one strong hand halted my elbow. So strong that I felt its steeliness over my bones. Agad akong naawat sa mabilis na paglalakad. I gasped loudly. My hair stumbled on my cheek. Kumawala ang luha ko. Kumalat sa pisngi ko at dumikit ang ilang hibla ng buhok ko sa mukha ko. I didn’t try to comb my ruined hair strands. I didn’t even try look up at him.
Because I immediately felt his anger like some car engine. And my chest is pumping up and down. He fluidly pulled me closer to his chest.
“If you think you can always run away from me like this, you better think of another way, babe. It’s always impossible for you to accomplish it.” His voice seems like a vibration in his throat. His tone is low but clear enough.
I refused to look at him with eyes blinded by my tears. Pinunasahan ko ang gilid ng mata ko. Kahit ang mga kamay ko ay nanginginig din sa galit at inis. Pagmamay ari ko pa rin ba pati ang bahaging ito ng katawan ko? Sa tuwing nandyan si Dylan, pakiramdam ko unti unti akong nilalayasan ng sariling utak. Sa tuwing nandyan siya at paulit ulit na sasabihing kanya ako, sumusunod na rin ng kusa ang buong katawan ko sa kanya.
Nakakabahala. Na parang awtomatikong lumalapit sa kanya ang katauhan ko. Pero ang utak ko, pilit na sumusuway. Hindi! Hindi dapat gan’yan! Hindi dapat ako magpaanod sa lahat ng sasabihan niya o sa lalabas sa bibig niya. I’ve known him for so long. Simula nang magkaisip ako, nakilala ko siyang magaspang ang ugali. Anak-mayaman na palaging nasusunod ang layaw. He may be disciplined by his parents but he has his own plans—wicked plans.
“You are not allowed to turn your back on me.” he murmured like as if he is covering his true identity from every set of curious eyes surrounding us.
Ang dating ay para iyong panakot sa akin. For a few seconds, I was paralyzed to ever think of another words. Not until I heard a distant buzz from a car and it made me looked up at him. With my eye’s shades by some of wetted strands of my hair.
Napako ang paningin niya sa mukha ko. Sa mga mata ko. Lumuwag ang hawak niya sa siko ko at marahan niyang hinapit ako sa baywang. In between the strands of my hair, I saw how his eyes softened staring at me. Maybe at my appearance. But that sight didn’t lessen the building of my anger towards him. No. Not in the way I am feeling about him.
I glared at his face. “Kaya kong gawin lahat ng gusto ko. Hindi mo ‘ko mauutusan. Hindi mo ‘ko makokontrol. Sino ka para bigyan ng plano ang buhay ko? Kahit ibigay mong lahat ng gusto ko, wala ‘yong halaga. Dahil mali ang ginagawa mo.”
Marahan niyang hinawi ang hibla ng buhok kong tumatabing sa mata ko. Gusto kong suwayin ang kamay niya. Pero hindi ko ginawa. When his fingertips touch my cheek, I knew then that it was—that I was in critical condition. My heart will fail me. May heart will do that to me.
“Mali? Alin doon ang mali? Mali bang ibalik sa dati ang samahan ng dad at uncle Matteo? Wala ‘yong halaga sa ‘yo?”
His hand on the small of my back. Subtle caressing me like as if he is trying to induce me with his electrifying touches while his words are arresting my thinking.
“Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin.”
“Well, ‘yon ang intindi ko. Kaya kong pakasalan ka para roon. Pero ikaw, palagi kang umaayaw.”
Hinapit niya ako ulit. Ang braso niya ay parang sinturon na hinigpitan ang baywang ko. Namilog ang mata ko sa gulat na lumabas sa bibig niya. I hated his words and the tone. If he is going to tighten his arm around my waist, he could make me faint. Cause: unable to breathe.
“And not allowing to turn my back on you is a big sin? Dahil lang sa gusto mo, gusto mo ring sumunod ako sa ‘yo. Nasaan ang kalayaan ko? Kapag gusto mong maalis ako sa pamilya, masusunod ka. Kapag gusto mong bumalik ako sa pamilya, masusunod ka pa rin. Tapos, sakripisyo para sa ‘yo ang pakasalan ako? Wow, Dylan. Ang sarap mong patayuan ng bantayog sa EDSA.”
“Didn’t I tell you that I want you, too?!”
“I will never accept that reason!” I shouted on his face.
He did it once again. So, I flinched and tried to push his hard chest. This intimacy, is attracting attention. Pag uusapan kami. Hihintuan ng tao at panonoorin na para bang nasa entablado kami ni Dylan. Magkadikit at nag aaway.
Worse, walang permiso nila kaming tututukan ng camera. We, private people having turmoil at a public place. Who would win?
Hindi inalis ni Dylan ang titig sa akin. I almost curse at his face. Ramdam niyang gusto kong kumawala sa braso niya pero pinatigas niya ang yakap sa baywang ko. I assumed; several eyes were on us. Throwing cursiosity that impossible to stop. Hindi ko nilingon iyon sa takot na maging tama ako.
Binaba ko ang kamay sa braso niya. Buong lakas ko iyong kinakalas. I almost buried my fingertips on his expensive sleeves. Pero hindi siya natinag. My teeth gritted as I added strength to be freed from his arm. But he didn’t let me out from his hooked arm.
“Then I will never accept your refusal, too.”
Natigilan ako at pumikit. Tinaas ko ang dalawang kamay.
“Makinig ka sa akin!”
“No. You listen,” he contradicted me.
Minulat ko ang mata at tumingin sa kabilang direksyon. Tumama ang paningin ko sa bystander na nanonood sa amin. Shame washed my cheeks. Kaya nilipat ko ang mata sa ibang tanawin. Sa direksyong walang nakakaalam sa nangyayari sa amin ngayon. Binagsak ko ang dalawang kamay sa magkabila kong gilid.
Tinabingi niya ang ulo para maabot ang mata ko.
“Our family . . . matter to me. You . . . matter. Are you going to refuse one thing that makes you who you are today? Are you?”
Wala akong ibang narinig na kasunod kundi ang mabilis na kalabog sa dibdib ko. At paghahabol sa hininga. Matigas ang titig na nararamdaman ko sa kanya. Tumagos ang salita niya sa akin. Sa isang banda, para akong bibigay dahil humantong na naman ako sa labis na pag iisip. Humantong ulit ako sa pagkwestyon sa sarili. Na tuwing iniisip kong mali ang ginagawa niya, ginagawa niya rin akong mali. At . . . nanghihina ako.
He tucked my hair behind my ear. “Being married to me will bring back our family again.”
Bigla kong naramdaman ang pamilyar na kirot sa puso ko. That word ‘family’ got me paralyzed once again.
Nanghihina akong pumikit at kinagat ang labi. Umiling ako. Patuloy akong umiling hanggang sa pigilan ni Dylan ang mukha ko. Nilagay niya ang dalawang kamay sa panga ko.
“We . . . are your family, Ruth. You are a de Silva—you’re going to be a de Silva again.”
I sobbed and cried. Itong dibdib ko ay parang minamartilyo at sumasakit.
“We, our family, are yours. And you . . . you are mine.”
Nasaang mundo na ba ako? Makatao pa ba ang sakit na nararamdaman ko? May batas ba akong pwedeng panghawakan para makalaya sa ganitong sitwasyon?
Umiling ulit ako kahit pilit akong pinipigilan ng dalawang kamay ni Dylan. I couldn’t look at him straight. “No. No. Hindi.”
I heard him growled.
“Napag usapan na natin ‘to, ‘di ba? Maghihintay akong gum-graduate ka. What’s stopping you to marry me? Am I not enough?”
I held my breath. I forced myself to stop from sobbing as I felt the attention growing for both of us. I didn’t want to make a scene. I didn’t want to cry like a baby to him. Under the night sky. I didn’t want this feeling of vulnerability in front of one of the most powerful man I’ve known.
Then, he is asking me, ‘am I not enough?’
Gusto kong ngisihan ang tanong na iyon. Siya, si Dylan de Silva ay hindi pa sapat sa akin? Pero ang tingin ko ay sa kanya ay isa sa pinakamalakas o makapangyarihang kilala ko? Nasaan ang mali roon na hindi niya makita kita?
Hinawakan ko ang kamay niyang nakapako sa panga ko. I clamped my finger over his big and rough hands. Then, I looked up at him.
“You’re more than enough, Dylan. But . . . there is something wrong about you. About your motive towards me. Iyon ang ayokong pagsisisihan pagdating ng panahon. Darating . . . darating ang panahong ire-reject mo ulit ako. Itatapon. Ibabasura. Ibabalibag na parang bag na walang laman. You’re cruel.”
Nakipagtitigan ako sa kanya. I saw how his eyes changed its unknown emotion. Para bang pinigilan niyang kumurap para hindi magbago ang ekpresyon ng kanyang mukha. I hoped that I didn’t witness how he did that.
He tried to smirk. But it abruptly changed to anger.
“Kung uulutin ko ang ginawa ko sa ‘yo noon, baka patayin na ako ng tatay ko, ni Uncle Reynald at Uncle Matteo. Do you think the family will tolerate that? Someone from them will probably kill me.”
“No one can do that to you.”
He stared at me for a while. Then, he grinned.
“Mas kilala mo ‘ko kaysa sa kanila.”
I felt the triumph in his voice.
Nang ilagay ni Dylan ang ulo ko sa tapat ng dibdib niya, narinig ko ang tawag nina Esther sa akin. Hindi rin ako pinapakawalan ni Dylan. Napagtanto kong hindi niya inaalis ang hawak sa akin kahit na nagtatalo kami. His words were like daggers but his touch was like a soft mattress.
Then, someone sighed loudly. It was Walter, I realized after a while.
“Ibalik mo muna sa shop si Ruth, Esther. Magpalamig muna kayong dalawa,”
Umahon ako sa dibdib ni Dylan. Ang maiingay na sasakyan at kalsada ang tuluyang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Inayos ni Dylan ang buhok ko, si Esther ay hinila ako sa braso palayo sa kanya. Sumama ako sa kaibigan ko nang hindi tinitingnan si Dylan. Pinaglayo nila kaming dalawa. Nang harangin ni Walter si Dylan sa akin, naramdaman kong gusto ko lang din magtago at iiyak ang sinabi niya.
“What the f**k you’re doing?” matigas sa ingles na tanong niya kay Walter.
Hinila ako ni Esther patalikod sa kanilang dalawa.
“Sa loob na tayo. Baka kung ano pa ang magawa niya sa ‘yo.”
Marahan akong tumango at sumunod. May bumubulong sa aking lumingon sa dalawang lalaki pero pinigilan ko ang sarili.
“Magpalamig ka muna. Nasaktan mo si Ruth.” Dinig kong salita ni Walter.
“What? I didn’t hurt her. Ruth?”
Naglalakad na kami ni Esther nang tawagin ako ni Dylan. Esther did look and at me.
“Hayaan mo siya. Si Walter na muna ang bahala sa kanya.”
I didn’t speak. Isang beses ko pang narinig ang protesta ni Dylan. I actually expected him to follow me inside the shop but he didn’t. Pati si Walter ay hindi rin bumalik.
**
Hindi ko pinansin ang isang baso ng tubig na binaba ni Esther sa harapan ko. Nakapatong ang dalawang siko ko sa mesa. My fingers were intertwined. My forehead was leaning on my hands. Umaagos pa rin ang luha ko. I cried silently. Sinubukan kong huwag gumawa ng ingay pero sa katahimikan ng shop at ni Esther, pumaibabaw pa rin ang tunog ng pag iyak ko.
Nakaupo si Esther sa kaharap kong upuan. Sa inupuan ni Walter kanina. Ako naman sa kay Dylan. Nagri replay sa utak ko ang mga sinabi niya kanina. Pati ang sakit na dinulot no’n.
Esther sighed heavily. Wala siyang sinabi sa loob ng halos limang minuto kong tahimik na pag iyak. Nagpapasalamat ako roon. Pero ngayon ay tila natapos na ang pananahimik niya.
I gulped and consciously waited.
“Palagi ba kayong nag aaway?”
Hindi ako nag angat ng tingin. I bit my lower lip. Pinunasan ko ang basang pisngi. Maybe, maybe I need this conversation, too. Maybe I need to loosen up. To relax after what I went through. Being independent can’t make you like an Island. Alone and sad. Nobody is made out of it. I also believe that someday, I will talk my feelings with other human being.
“Pagkakita namin sa inyo, sa tingin ni Walter, bini-brainwash ka ni Dylan.” Nag aatubiling salita ni Esther.
I tried to relax myself. My eyes are already fluffy and sleepy. Though, my body refused to acknowledge that I am sleepy. Inalis ko ang mga siko sa mesa at sinuklay ang buhok kong kumalat sa mukha ko. Mukha na siguro akong bruha ngayon.
Esther leaned on the table and stared at me. Pinapanood niya ang mukha ko. Tiningnan ko rin siya.
“Ano ba talagang nangyayari sa inyong dalawa? May pilitan ba? Pinipilit ka lang niya?”
Lumunok ako ulit. Pero mas mahirap gawin. Ilang sandali akong hindi nakasagot sa kaibigan ko. Sinuklay ko ulit ang buhok ko. Nagbaba ako ng tingin sa baso ng tubig.
“Gusto niyang magpakasal kami.”
Alam na niya ‘yan. Nagsalubong ang kilay niya.
“Oo. Kasi gusto ka niya, ‘di ba?” she sounded like as if she already knew what’s the root of Dylan’s attitude for me.
Bumagsak ang balikat ko. I felt the air thicken. The silence stretched. May distant sound pa rin akong naririnig sa labas ng shop. Ang mata ni Esther ay nag aabang ng kasagutan ko. In between those quite seconds, I wanted to duck and cover my head—mind. May mga salita pa ring gusto kong sarilinin. I wanted to escape this messed up world even in the short of time.
Umiling ako.
“Wala? Gusto ka niyang gawing asawa. Para ano? Lahat ng ihiling mo, gagawin daw niya. Hindi ba ‘yon totoo?”
I stared at my fingers on my lap. “Hindi ko na alam, Esther. Kasi—” muling nabasag ang boses ko. Mas pinili kong maramdaman ang galit. “Gusto niyang bumalik ako sa pamilya niya. ‘Yung kasal ang susi para magawa niya ‘yon.”
“Hindi kaya nagsisisi siya sa ginawa niya sa ‘yo?”
Tumaas ang isang kilay ko. “So, nagbabayad-utang pala siya?”
“Ano ba ang tingin mo d’yan?”
I looked up at her. “Hindi ko alam. Nalilito rin ako.”
“Saan ka nalilito? Sa pakikipag-away niya sa ‘yo o sa pag aalok niya ng kasal?”
“Pareho.” Nagkibit ako ng balikat. “Ang nakakagalit pa, palagi niya akong binabaliktad. Na mali ako, mali ako. Na tama lahat ng desisyon at plano niya. Tapos, sasabihin niyang pamilya ko sila? Na ibabalik niya ako sa pamilya niya? G-Gano’n na lang ba ‘yon? Matapos niya akong ipahiya na parang maruming basahan ng gabing ‘yon, lalapitan niya ako para ayaing magpakasal? At hindi ako pwedeng tumanggi?”
A river of salty liquids escaped my eyes once again. I gasped and felt it rolled on my cheeks.
“Ruth,”
Tiningnan ko ulit si Esther. Tinitigan lang ako ni Esther ng ilang segundo. Yumuko at nag angat ulit ng mata sa akin.
“Ruth, hindi ka niya mapapakasalan kung magpinsan pa rin kayo. Hindi kayo pupwede noon kung anak ka pa rin ng isang de Silva’ng kaanak niya,”
I scoffed hardly and stared at her. Madiin kong nilagay ang hintuturo ko sa tapat ng dibdib ko. “He despised me. Mga bata pa lang kami, Esther, mainit na ang dugo sa akin ni Dylan. Kilala ko ang ugali niya kapag may gusto siyang babae. Hindi ganito. Hindi niya pinipilit.” Tumaas ang boses ko.
“Sigurado ka?”
Mapakla akong tumawa. Sinuklay ko rin ang buhok ko. My hands are trembling. My chest throbbed once again. I kept on combing my hair even if it was okay.
“He didn’t even need to force me. Maraming humahabol sa kanya.”
“Pero ikaw ang hinahabol niya ngayon.”
“Esther?”
I questioned her frankness questions and her opinion over Dylan. It was as if, she is only painting the good side of him. She is putting bright colors I failed to appreciate because I was only looking at the dark colors of him. And I am starting to feel shock over it.
Umayos siya ng upo at bumuntong hininga. “Sa mata ni Walter, bini-brainwash ka niya. Sa akin naman, bakit niya ‘yon gagawin kung walang malalim na dahilan? Hindi mo na-realise na baka matagal ka na niyang gusto pero hindi sang-ayon noon ang sitwasyon ninyo. Odds are not in favor to him. So, he made a way.”
I sighed. Tinitigan ko siya. “I think Walter is right.”
Nakakaintindi pa rin akong tiningnan ni Esther. Nakikita ko sa mukha niyang mas kumbinsido siyang tama ang hinala niya. Right. Hinala lang.
“Sinisilo lang ako ni Dylan dahil nakukunsensya siya. Dahil nag away ang father niya at dad ko. Kung pinili niyang manahimik at piniling manatili ako sa pamilya, hindi sana magbabago ang samahan ng magpinsan. It’s all his fault. Ako ang gusto niyang magbayad sa kasalanang ginawa niya—‘yan ang mas madaling paniwalaan.”
“Ruth. Hindi naman gan’yan . . .”
“What you said is unacceptable. Sa mga pinapakita niya, sa tingin mo ay dahil may gusto siya sa akin?!”
“Why don’t you ask him. Baka mahal ka nu’ng tao-“
I laughed mockingly. Hindi ‘yan ang gusto kong marinig. Kalokohan. Mapait akong tumawa. Nakita ko siyang kahalikan si ate Mica. Madali sa kanyang pagsalitaan ako ng hindi maganda at inaaway ako. If that was love, then, I must think multiple times if I will love somebody else. I would rather let myself alone than to acquire that kind of love.
“Mahal niya ang pangalan niya, Esther. At utak ang ginagamit niya para mas lalong umangat ang pangalan niya. Iyon ang talagang mahalaga kay Dylan.”
“Pero bakit hindi mo subukang magtanong,”
“Ilang beses ko na siyang tinanong at wala akong narinig na sinabi niyang mahal niya ako.”
“Okay, sige. Deretsuhin mo na lang siya. Magtanong ka. Baka kulang kayo sa komunikasyon. Pwedeng tama ka rin, pero paano kung aminin niyang mahal ka nga ni Dylan, anong gagawin mo?”
I tsked when I felt the throbbing pain in my chest. This sickening pinch of pain that it almost made me to jump and leave the shop. I wanted to leave her drowning with her ridiculous assumptions.
“Kung oo man, wala siyang aasahan sa akin, dahil kahit kailan, hinding hindi ko siya magugustuhan. Kahit maging siya pa ang huling lalaki sa mundo, hindi ko siya mamahalin.”
“’Wag kang magsalita ng tapos.”
Inilingan ko si Esther. “’Yan ang nararamdaman ko sa kanya. Noon pa.”
“Nagbabago ang lahat. Malay mo, bukas o sa makalawa may maramdaman ka rin sa kanya,”
I looked away. I didn’t answer her anymore. Silence became the king of that hour until Walter came back alone. Nang akma niyang sasabihin kung nasaan si Dylan, umalis na ako kaagad at hindi na inalam pa.