Chapter Twenty Part 2

1588 Words
Chapter 20 Part 2 Ruth I wish I have the power to be invisible. If I will be given to born again, I hope it will be in different situation and family. Pero suntok sa buwan ang hiling na ‘yon. Hindi ako lalabas sa mundo kung hindi sina Jake at Denise ang magulang ko. Hindi ko pwedeng piliin ang magiging magulang ko. Pero pwede kong baguhin ang kapalaran ko kung pipiliin kong mabuti ang lalakaran kong daan. Pinagpatuloy ko ang buhay sa kabila ng sala salabat na emosyong nararamdaman. Apartment, School, library at Intership. Apartment, school, library at Internship, sa ganitong circle ko binuo ang dalawang araw na sumunod. Gabi, pagdating ko sa bahay, dumating si kuya Nick mag isa. May dalang cake at ice cream. Na para bang pamlubag loob sa nakaraang dalawang araw na lumipas. “Sinong may birthday?” biro ko sa kanya. Nakaupo kaming dalawa sa mesa. Pinili niyang uminom ng kape. Ako naman ay kumain na lang ng cake at tinago sa freezer ang ice cream. Masakit ang puson ko dahil sa mens pero kinakaya ko pa naman. “Kumusta ang Uncle at Auntie?” tanong ko nang hindi niya sagutin ang biro ko. “Okay lang. Gano’n pa rin. Sweet sa isa’t isa.” I smirked and sliced my cake. “May girlfriend ka na rin?” Isang beses siyang tumawa pero halatang peke naman. “Rin? Kumusta kayo ni Dylan? Nag away kayo?” Humalukipkip siya at pinagmasdan ako. Tiningnan ko siya. I looked at the wall clock and sighed the exhaustion of my whole day. “Palagi naman. Walang bago.” Pinatunog niya ang dila sa loob ng kanyang bibig. “Dalawang araw nang mainit ang ulo no’n. Palaging nakasinghal. Hindi yata nakakatulog nang mahimbing sa gabi.” Tumigil ako sa pag slice ng cake. Tinitigan ko ang puting icing. Inahon ko ang kutsara at pinala ang icing para ma-flatten ulit ito sa sponge cake. Bigla kong naramdaman ang pagkawalang gana. I wanted to take my plate and bring on the sink. I wanted to forget what he just said. Naramdaman kong tinititigan ako ni kuya Nick. Lumaganap ang katahimikan ilang sandali. “Subukan mo siyang kausapin.” suhestyon niya. Bumagal ang pagpala ko sa icing. Hindi na ako naaakit na isubo ‘yon. Nawalan ako ng interest. Tahimik akong umiling. Mabigat siyang bumuntong hininga. “Try to understand him. Marami iniisip ‘yon.” “Kung gano’n, dapat ‘wag niya akong idagdag sa iniisip niya.” I said lifelessly. “Siya ‘tong nanggugulo sa akin.” “What if, you’re his top priority?” I looked up at kuya Nick. I bravely stared at his investigative eyes. “I refuse to believe that.” Tumaas ang kilay niya. Tumayo at namulsa. He was standing beside his chair. “Try to soften your heart for Dylan. Hindi maaayos ang gusot sa inyong dalawa kung palagi kayong nagtatalo. Walang tututol sa aming magkamabutihan kayo. Actually, mas gusto ko nga ‘yon. Kilalang kilala ka namin. Auntie Aaliyah like you, too. We, Ruth.” Binagsak ko sa plato ang kutsara. Mabigat akong bumuntong hininga at sumandal sa upuan. I did look up at him so he could see the burning pain through my eyes. Si Dylan na naman ang kinampihan. S’yempre, siya ang kaanak at hindi ako. Bakit pa ako aasang may papanig sa akin. But there is one—my mommy Jahcia. The only consolation I have. “Are you sure Dylan like me? Is he going to like me after marriage? Or after I become a de Silva again? Do you think everything will be better if I just agree to him? Do you think---” I stopped and gasped. My teeth gritted but I forced to speak again. “I am the answer to his family problem? Siya naman ang nagsimula noon, ‘di ba? Ano bang kasalanan ko? Dahil ampon ako? He corrected the family daw. Bakit hindi niya ako deretsuhin na gusto niya lang akong maka-s*x para ma-solve ang cravings sa akin.” “Your word, Ruth. Be mindful of it.” Matiim akong tinitigan ni kuya Nick. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya, lalo na nang bumalong ang luha sa mata ko. Naglakad siya palayo sa akin. Ang pag uusap na ito ay malapit nang mauwi sa pagtatalo. Naramdaman ko ang pagsisisi sa huling sinambit ko. Pero nagtuloy tuloy ang mga salita palabas ng bibig ko. Siguro, mag iiba na rin ang tingin sa akin ni kuya Nick. Iisipin niyang binago ako ng mga taong umalis ako sa pamilya. Sasabihin niyang, ‘Ganito pala si Ruth kapag walang magulang na nag aaruga.’ Hindi ko siya masisisi. Dahil iba talaga ang naranasan ko pagkaalis sa malaki at magandang bahay. My feet were dragged down. I couldn’t reach them anymore. But I didn’t turn my back. Lumaban ako sa buhay. Nag isip na makabangon at nag aral sa kursong gusto. I also have my freedom. But now I discovered, that freedom is limited. I couldn’t have and avoid everything and everyone. I am lacking of money and connections. They are what Dylan have. Pwede niya akong paalisin at tawagin kung kailan niya gusto. At ako, kung kailan tanggap ko na ang buhay ko ngayon, saka niya ako bubulabugin. Naiintidihan ko ang rason niya. Pero nahihirapan akong tanggapin ang alok niya. Para akong bangkang nagpalutang lutang sa gitna ng dapat. Nakakita ng dalampasigan para daungan pero biglang hinila ulit pabalik sa pinanggalingan. He said, I mattered. Ang gandang pakinggan, kung hindi lang sana sa kanya ko narinig ang magandang salitang ‘yan. Binalingan ako ni kuya Nick. “I am encouraging you to be with him. Atleast give him chance to develop what you have stored for Dylan. Give him chance.” Tumayo ako at sininulang ligpitin ang pinagkainan. Pagkalagay ko sa lababo ng plato baso, pinatuluan ko ang gripo. “Ako ang magdedesisyon niyan.” Mahinahon kong sagot. Hinugasan ko ang mga naroon sa lababo. Kuya Nick is still watching me. Probably, studying me. Pumunta lang siya rito para ilakad si Dylan sa akin. “Okay. Aalis na ako.” Hindi ko nilingon pero tumango ako. Pinagpatuloy ang pagsasabon sa kutsara. Mabulang mabula ang isponghang hinawakan ko. “Lock the door.” Tahimik niyang paalala. “Sige.” Sabi ko na lang at may katiyakang gagawin ko ‘yon. Nang marinig kong lumapat na ang pinto at mas lalong tumahimik ang bahay, pinatay ko ang gripo at kumapit sa gilid ng lababo. Tumitig ako sa pader. I have let my scattered thoughts reign in my mind. Ang mga taong nasa paligid ko, tinutulak sa akin si Dylan. Lumalabas na hindi mahalaga ang nararamdaman ko. I parted my lips and tried to think of his face once again. Tila may bumalot sa mga balikat ko ng mainit na kapa. Bumibigat ang talukap ng mata ko. It felt like, my feelings are inside a bubble and I’m surrounding of him. Kapag pumutok ang pinagtataguan ko, hahalo ako sa kanya at wala na akong magagawa. Bumilis ang t***k ng puso ko. Anger has been demolished like as if it was just a f*****g mask. Hinigpitan ko ang mga kamay sa gilid ng lababo. Someone, help me. I am collapsing in my battered thought. ** Malamig lamig pa ang hangin nang gumayak ako papasok sa eskwela. Sinipat ko ang mga saksakan at ang kalan. Pagkabukas ko ng pinto, natigilan ako nang may makitang isang kumpol ng pulang rosas na nakahandusay sa unang baitang sa tabi ng pintuan. Sumilip ako sa labas. Hinanap ko ang pwedeng magmay ari ng bulaklak. Pero wala akong makitang tao sa labas dahil tulog pa ang mga kapitbahay ko. Ang mga dumadaan ay iilan pa lang din. Yumuko ako at pinulot ang bulaklak. Sinarado ko ulit ang pinto at lumapit sa mesa. “Fresh flowers.” Bulong ko habang sinisipat nang mabuti ang napakagandang bulaklak. Sa gitna, sa medyo malalim na pagkakasuksok, nakita ko ang card. I took it out and read: “BABE, I’M SORRY.” – all capital letters. No name of the sender. But the endearment named him. Tinitigan ko ang itim na tintang ginamit. Ang handwriting at letra. Short but then informative for his intention. One full minute, nakatitig lang ako sa card. Saka ako umalis ng bahay. Paglagpas ako sa gate ng campus, hinarangan ako ng lalaking gwardiya at inabot sa akin ang isang pirasong pulang rosas. I questioned him. “Sorry na raw, Miss Ruth.” Sagot sa akin ng guard. Nakarinig ako ng ilang buyo galing sa ibang estudyante na hindi ko kilala. Uminit ang pisngi ko, kaya agad kong kinuha ang rosas at halos patakbong tinungo ang classroom. Pero bago ako makapasok doon, may lalaking nakatayo sa labas ng room, nakatingin sa akin at may inabot na isang rosas sa harapan ko. The rose is the same with the one I got first. Long stem and in bloody red. “He told me to tell you; sorry.” Minuwestra ng lalaki ang rosas para abutin ko. Ang ilang pares ng mga mata ng kaklaseng naroon na ay manghang nakatingin sa amin. Pagkaabot ko, siyang sibat ng alis ng lalaki. Sinundan ko siya ng tingin. Mukhang taga ibang course ‘yon. Bumuntong hininga ako at naglakad na papasok sa loob. The thing is, hindi pa roon natatapos ang lahat ng paandar. Lahat ng kaklase ko ay may hawak na tig iisang pulang rosas at nakatingin sa akin. I sighed and felt defeated.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD