Chapter Twenty One Part 1

2955 Words
“What you think is the right road may lead to death.” Proverbs 14:12 Chapter 21 Part 1 Ruth It was Sunday morning, when I received a text message from Kuya Nick. Hindi ko inaasahan ang pag text niya dahil sa huli naming pag uusap. Though, alam kong hindi siya galit sa akin. Hindi rin ako galit sa kanya. Pero nang mabasa ko ang text niya, sa tingin ko ay tuloy pa rin ang pagyakag niya sa aking makipaglapit kay Dylan. Kuya Nick: Dylan is in need of cleaner in his Penthouse. Ibigay mo sa kanya ang contact details ni Geneva. Hindi ko siya ni-reply-an . . . kaagad. He wanted me to communicate with his cousin. Mag isa lang ako sa apartment. Napapaligiran ako ng mga pulang rosas. Na kahit saan ako lumingon, iyon ang nakikita ko. Nilagay ko sa plastic bottle ng softdrinks na hiniwa ko ang katawan. Nakababad sa tubig para hindi agad malanta. Noong umuwi ako galing eskwela, marami akong dalang rosas. Nagdesisyon akong iuwi iyon sa apartment bago pumasok sa Bangon Pilipinas Office. Hindi umabot sa opisina ang paandar na iyon ni Dylan. It was a relief rather than disappointment. Kilala ng media si Dylan. Hindi iyon mangingiming ipanganlandakan ang intensyon sa akin. At ayokong kumalat iyon. Kumatok ako sa nakasaradong pinto ng bahay ni papa. May dumaang tricylcle na de-motor sa likuran ko. Pagkalayo ay kumatok ulit ako ng tatlong beses. Wala pang masyadong istambay sa labas. Wala pang alas nuebe ng umaga. Ang ilang nakasalubong kong tao ay may bitbit pang brown bag ng pandesal. I could even smell the scent from the bakery and coffee in the air. Na hindi nagtatagal. Dadaluyan ito ng usok mula sa tambucho ng sasakyan at usok mula sa sigarilyo. Binaba ko ang tingin sa hawak kong plastic ng tinapay. Para ito sa mga bata. Dinamihan ko rin at linggo. Baka hindi pumasada si papa. Pinagbuksan ako ng pinto ng anak na panganay ni Geneva. Kinusot kusot ang mata habang nakatingala sa akin. “Ate Ruth,” Nginitian ko siya at sinuklay ang makalat na buhok. “Good morning, Irene. Gising na ang mama mo?” I peeked inside the small and dim house. Sa kinatatayuan ko ay makikita na ang nakasaradong pinto ng iisang kwarto sa baba. Gawa sa kahoy at plywood ang bahay na inuupuhan din ni papa. Maliit at madilim sa loob dahil sa kakulangan ng ilaw. Sa gabi ay malamok. Ang impression ko sa bahay na ito ay makalat, madilim, maingay at may hindi kaaya ayang amoy. Dahil kulob at napapabayaan. Tumango si Irene. Bumaba ang mata niya sa plastic ng tinapay na hawak ko. I noticed the subtle excitement in her eyes. Lumingon siya sa loob at tinawag ang mama niya. She then opened the door widely for me. Pumasok ako. Inabot ko sa kanya ang tinapay. Agad niya iyong kinuha. Dinala sa mesa at sinumulang buksan ang plastic. Binilhan ko rin sila ng keso at maliit na bote ng peanut butter. Galing sa makitid na papag sa sala, napabangon ang bunsong kapatid ni Irene. Halos hindi niya ako pinansin at lumapit sa tabi ng ate niya. Patiently waiting, na mabigyan ng tinapay. Bumukas ang pinto ng kwarto. Si Geneva ang lumabas pero nakita ko sa kama si papa. Nakaupo. Natatakpan ng kumot ang harapang bahagi ng katawan. Iyon lang ang nakitang kong takip sa kanya. Agad akong nag iwas ng tingin. But I knew he saw me. Sinarado ni Geneva ang pinto. Ginogoma nito ang buhok. “Ruth. Napadaan ka?” she shyly smiled at me. Maybe because I saw them with papa. Maybe she already knows what is running in my mind. Tinawag niya ang dalawang anak. Nakita niyang kumakain na ang mga ito. Nagbago ang ngiti niya. Binalingan ako ulit. “Ikaw, kumain na? Salo ka na sa amin.” Sinundan ko siya ng tingin nang magpatulo ito ng tubig sa takore. Sinalang sa stove. Kumuha ng tatlong mug at isang kutsara para sa kape. Her hair is okay but her t-shirt is wrinkled. Nagdalawang isip ako kung sasalo o hindi na. Nakakain na naman ako. Nakahiyaan kong tumanggi nang mabilis na sinalinan ni Geneva ng kape ang tatlong mug. Kaya lumapit ako sa mesa, kung saan na enjoy na kumakain ang dalawang anak niya, nagkalat ang crumbs ng tinapay, may ebidensya ng peanut butter sa gilid ng bibig ni Irene, humila ako ng upuan at naupo. I tried to balance myself. Dahil may splint ang isang paa ng lumang monoblock chair. “May creamer, ‘di ba?” Gen joyfully asked me. Tumango ako sa kanya. Nilagyan niya ng tig iisang kutsara ng creamer ang mga mug. Lumabas si papa. Nakasuot lang ng pambahay na shorts at may tuwalyang nakasampay sa kanyang kaliwang balikat. “Himala. Pumunta ang prinsesa? Nag iba yata ang ihip ng hangin ngayon.” Puna niya sa pagpunta ko. Hindi siya umalis sa tapat ng pinto ng kwarto. Nagsindi ito ng sigarilyo. Pagbuga ng bibig ay kumalat ang usok sa bahay. Mayroong maliit na bintana sa kusina. Pero parang matagal na iyong hindi binubuksan. It was made of glass but it also looked stinky and oily. I knew that he is watching me. I tried to sip in my mug and waited for Gen to settle down on the opposite chair. Binigay niya muna ang kape kay papa bago naupo. I cleared my throat. I wanted to do this quick and clear. “Naalala mo ‘yung sinabi kong magtatanong ako ng trabaho para sa ‘yo? Gusto kang kunin ni Dylan.” Kanina bago ako pumunta rito, hindi ako sigurado kung anong magiging reaksyon ni Gen. Noong pinag usapan namin ito, nag aalangan siya dahil sa kanyang edad at siguro sa kanyang educational background. Matagal na rin mula nang magkaroon siya ng regular na trabaho. At may dalawang anak siyang maiiwan nang walang mag aalaga. Hindi ko maaasahang alagaan sila ni papa. Pero pagkakita ko sa pagliwanag ng mukha niya, ngumiti ako at tumango sa kanya. Yes, Gen. May pag asa pa. “Hinihingi niya ang contact details mo. May cellphone number ka bang pwedeng ipasa sa kanya? Iinterbyuhin ka nu’n.” “Saan siya magtatrabaho?” Mabilis na nilingon ni Geneva si papa. While I sipped in my coffee mug first. Slowly. I slowly wanted him to vanish but it was impossible to attain now. Pagkarinig niya kanina sa pangalan ni Dylan, nakita kong naging alerto ito sa pakikinig. “Kahit saan papasukin ko, Jake. Kahit nga tagatapon ng basura, okay lang.” she looked back at me. Still, the joyful face is obvious. “Kailangan niya ng cleaner sa Penthouse.” Papa briskly walked beside her and watched me. “Penthouse? Saan ang location?” “In Makati, I guess.” Ang tanging penthouse na naiisip ko ay ang dati ring pagmamay ari ni Uncle Johann. “Makati? Naku, malayo. May allowance ba ‘yan? Service?” may disgust sa boses ni papa. “Hindi ko po alam.” Sagot ko pero kay Gen ako nakatingin. Mahinang tumawa si Gen. “Bigla akong kinabahan, Ruth. Pero gusto kong magkaroon ng trabaho. Gusto kong subukan. Malay mo, maganda rin ang pasweldo.” Pumalatak si papa. “Tanungin mo kung magkano sweldo. Baka sa pamasahe pa lang ubos na.” Tumingala sa kanya ang katabi. “Anong silbi ng taxi mo? Pwede mo naman akong ihatid-sundo,” Nagbuga ng usok si papa. Binatukan si Geneva. I firmed my lips together at the way he humiliated her in front of me and in front of her young kids. “Ano ka? Sasayangin mo ang krudo ko. Magtanong ka d’yan kay Dylan kung anong arrangement ninyo. Sabihin mo na rin sa kanyang nangangailangan ka at maraming pinapakain. Hindi tatanggi ‘yon dahil kay Ruth.” Tinuro niya pa ako. I gripped my hands on the mug. “Nakakahiya naman doon sa tao.” Mababang boses na sagot ni Gen. “Bakit ka mahihiya? E, lilinisin mo naman ang penthouse niya. Siya ang mahihiya kapag na disappoint niya ang anak ko.” Binalewala ko ang sinabi niya. “May number ka bang pwedeng tawagan? Kung wala, itong number ko ang ibibigay ko sa kanya.” “Ay hindi na. May cellphone ako. Sa akin na lang niya tawagan si Geneva.” bumalik sa kwarto si papa. Pagbalik ay may dala itong cellphone. Wala akong numero niya. Alam kong nagse cellphone siya pero wala akong number niya. I didn’t ask and he didn’t share it with me. I wasn’t interested, then. Even if he is my biological father, it is not required to have his number. Pero nilagay niya sa harapan ko, sa tabi ng mug, ang kanyang cellphone na may nakakalabas sa screen na numero raw niya. “Ibigay mo kay Dylan.” Utos niya sa akin. Tiningnan ko muna si Gen kung iyon din ang gusto niya. I only saw her staring at me. Pati sa gadget na nasa harapan ko ngayon. Hindi siya nagprotesta. Naghintay lang siyang gawin ko ang sinasabi ni papa. I saved his number. I sighed and brought back my phone in my denim shorts’ pocket. “Ite-text ko sa kanya. Hindi ko alam kung kailan siya tatawag. Pakihintay na lang.” Tinago ni papa ang cellphone sa kanyang bulsa. Binalingan ko ang dalawang bata. They are almost finish. Mas masigla silang tingnan ngayon. Para silang may sariling mundo at hindi nakikiagaw pansin sa amin. I hoped, that world stay with them. Pagbaling ko kay Geneva, nakatitig siya sa akin. Ngumiti. I smiled back. “Salamat, Ruth.” Mahina niyang salita. I nodded. “Naging tulay lang naman ako.” Her face reddened. I presumed, sa hiya. “Kahit na ba. Noong una kang tumapak dito sa amin, hindi maganda ang pakikitungo ko sa ‘yo. Tapos, ngayon, nagawa mo pa akong magkatrabaho. Ikaw din ang takbuhan ko kapag nag aaway kami ng papa mo. Hayaan mo, makakabawi rin ako sa ‘yo.” Buong kumpyansa niyang salita sa huli. Hindi ako sumagot. Nginitian ko siya. I don’t expect but I appreciate her gratitude. Inubos ko ang kape at tumayo na. Pinigilan ako ni papa. “Kailan ulit dadalaw sa bahay mo si Dylan?” Hindi ko siya tiningnan. Hindi ko kayang makita ang pag aasam niyang makita si Dylan dahil sa kanyang pansariling intensyon. “Hindi ko po alam.” Humakbang ako ulit pero huminto ako nang magsalita siya ulit. The place was fogged. I didn’t want to stay here and suppressing my cough. “Gano’n ba? E, sinagot mo na ba siya? Kayo na?” Umiling ako. “Hindi po.” “Bakit hindi mo pa sagutin? Pinapatagal mo pa yata, e. Baka magbago ang isip no’n sa ‘yo.” I closed my eyes firmly. I took a deep breath and turned around to see him. “Wala po akong balak na sagutin siya.” “Ayy . . . tanga!” lumingon lingon siya sa ibang direksyon. Inis, galit at panggigigil ang nakita kong bumaha sa mukha at mga mata niya pagkasabi no’n sa akin. Tumayo si Gen at tinulak ang kanyang mga anak papasok sa kwartong pinanggalingan niya kanina. Naririnig ko ang maliit niyang boses na nililibang ang dalawang bata hanggang sa isarado niya ang pinto. She stood outside the room and looked at us quietly. “Nakabingwit ka na ng malaking isda, gusto mo pang pakawalan? Hindi ka ba nag iisip? Kapag naging kayo ni Dylan de Silva, balik buhay-prinsesa ka na ulit? May pera ka na ulit. Hindi lang ‘yon, pati kapangyarihan sa pamilya nila, meron ka na, kapag nakasal kayo.” I stared at him straight without blinking my eyelids. “Hindi ako magpapakasal sa kanya dahil sa pera.” “Bobo! Hindi mo alam kung ano’ng pinapakawalan mo.” Kinakabahang lumapit sa gilid ko si Gen. Kinukurot niya ang kanyang daliri. Palipat lipat ng tingin sa aming dalawa ni papa. My chest constricted. My teeth gritted. Pinanood ako ni papa na parang taong tauhan niya at sinisermunan. Yes, like as of I am his employee from his previous field. Kahit na walang pang itaas ito, kahit nabasag na ng panahon ang dati niyang luho at itsura, may kaunti akong nakitang awtoridad sa kanya ngayon. Siguro, dahil lasing siya noong saktan niya ako sa apartment, hindi ko ito namataan. Pero ngayon, nasasaksihan ko. I stared at him bravely. Gusto niyang makaahon sa hirap. Pero gusto niyang gawin sa mabilis na paraan. Iyon nga lang ba? Galit siya sa apelyidong pinagtutulakan niya sa akin. Hindi ba niya alam na napapansin ko ‘yon, matagal na? Pero iba talaga ang nagagawa ng pera. Napapalambot, napapabango at napapaganda ang alinmang kinaayawan mo noon. Ang sinusuka mo noon, pwede mong paglingkuran ngayon. Nakakatawa, pero, paulit ulit lang nangyayari sa mundo. “Dylan is smart.” Pabulong kong sabi. He mocked me. “Yes, he is! At ikaw ‘tong tatanga-tanga na hindi makita ang halaga niya sa buhay mo at buhay naten. Kung ibang babae ka siguro, baka nagpatali na agad sa kanya. Pero dahil ma-pride ka, inuuna mo ang sarili mo. Hindi mo matanggap na ang lalaking nagtulak sa ‘yo palayo kina Matteo ay lalaki ring gusto kang makuha.” Suddenly, my painful heart burst out. I glared dimly at him. Nakalimutan ko na kung nasaan ako. Nakalimutan ko ang nakakainis na amoy ng sigarilyo at makalat na lugar na ito. “Bakit? Hindi ba ako pwedeng magdesisyon para sa sarili ko?” galit kong tanong sa kanya. My throat hardened and eyes clouded with sudden tears. I hated to be in this situation and feelings. I hated that I had to defend myself even with my own father. But then, he didn’t know me. He didn’t care about me. We were just blood related. That’s the truth hanging in between us. His eyes bulged in obvious anger. “’Yang puta mong ina, nagdesisyon sa sarili niya! Lumandi at nagpakapokpok sa ibang lalaki! Oh, anong napala niya? Sa tingin mo ba, maayos siyang nagdesisyon? Wala kang pinagkaiba sa mama mo! Kaya sinasabi ko ngayon sa ‘yo, patulan mo ‘yang si Dylan nang magkapera ka. Sa kanya ka lang yayaman.” I almost flinched when he said that words to my mother. She is always battered with his foul words. “I never wanted to be rich.” I threw back. He scoffed bitterly. “Coming from you? You were raised by Matteo. ‘Wag mo nga akong pinaglololoko.” “Gusto mo lang humuthot sa kayamanan ni Uncle Johann.” Ngumisi siya. Nilagay niya ang sigarilyo sa bibig at bumuga ng usok. Tiningnan niya ako sa gitna ng nakakasulasok na amoy na iyon. I braced myself for his blow. But he didn’t move from where he is standing. “So? Bawal ba sa batas ang dowry? Anumang makuha ko mula kay Dylan at sa ama niya dahil sa relasyon mo sa kanila, dowry ang tawag doon. Dowry. Palibhasa, lumaki kang naliligo sa gatas kaya walang alam sa mundo.” Bumaba na ang boses niya. Hinawakan ako ni Gen sa braso. Marahan niya akong tinutulak palabas ng bahay. Mabilis ang paghinga ko at mariin pa rin ang tingin ko kay papa. Pero bumubulong si Gen na huminahon ako at layuan na lang si papa. Paano niya natatagalan ang ganitong klase ng tao? Gan’yan ba ang gusto niyang makita kada umaga? Walang . . . pagpapahalaga sa taong nasa paligid niya kundi sarili lang. Tinalikuran ako ni papa nang buksan ni Gen ang pinto. Pagsapi ng liwanag sa balat ko, nagkusa na akong lumakad palabas. Hindi ko pinapansin ang ilang taong malamang na nakarinig sa sigawan sa loob. Nakatingin sila sa akin pero hindi nagtatanong. Curious pero walang lakas loob na pumagitna sa harapan ko. O baka hindi na bago sa kanila ang ganoong tugtugin. Gen walked with me. Galit na galit pa rin ang dibdib ko. I walked like as if I owned the road, the pavement and this town. Pagkauwi ko sa apartment, mag isa lang ako pumasok. I closed the door but didn’t lock it. Kasunod ko si Geneva pero hindi na siya pumasok. Umakyat ako sa hagdanan. Nakakadalawang baitang pa lang ako at huminto ako. I was catching my breath. Umupo ako roon at sinalo ang noo ko. Silent tears run on my cheeks. Mas lalong nadepina ang pag iisa ko sa apartment nang marinig ang mahina kong paghinga. I stayed like that for—I don’t know how long. I gasped and then cleared my cheeks. Napapagod na ako. Umaalingaw ngaw ang boses ni papa sa utak ko. Sinandal ko ang ulo sa pader at tumitig sa kawalan. My hands were on my thighs. It felt numb. My chest felt sore from the massive thudding. Kumalma rin ako kalaunan. I took out my phone. Hindi ko alam na may isang text message na pumasok. Dylan: Good morning. I need to interview Geneva. Can I call you? Vile taste floated in my throat. I stared at his text. Clearly, my own father is pushing me to Dylan. Subtly, he is selling me to Dylan. I . . . am nothing to everyone. I have no value. They don’t want me for who I am. I am nothing but the daughter of a w***e. Blinded with my tears, I forwarded my father Jake’s number to Dylan and I replied: Ako: Call this number instead. He didn’t reply. I put down my cellphone and stared at his red roses. It calms my nerves. I just hope they would stay bright longer for as long as I live. Then, I remember to text back kuya Nick. Ako: Na text ko na. Salamat, kuya. He didn’t reply, too.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD