NAGTATAKA si Dwayne bakit hindi na naman siya kinikibo ni Ingrid. Iniisip niya na epekto na iyon ng pagsisimula ng pagbubuntis nito kaya hindi niya rin pinansin. Pero halos walang nagbago sa pakikitungo nito kahit magkatabi sila sa kama. Ang aga nitong nahiga pero alam niya na hindi pa natutulog. “Masama ba ang pakiramdam mo?” malumanay niyang tanong dito. Nakatalikod ito sa kaniya. “I’m fine,” sabi lang nito. “Dumating na pala ang ibang papeles ko. Ang aasikasuhin na lang natin ay ang ibang requirements sa simbahan. Ang sabi ng mommy mo, personal tayong pupunta sa simabahan upang makausap ang staff at ma-inform tungkol sa venue. Ang pari na lang ang pupunta sa venue for special service,” aniya. “Okay,” sabi lang nito sa malamig na tinig. Nilapitan niya ito at niyakap buhat sa likuran