HINDI maka-focus si Dwayne sa mga bisita niya dahil todo bantay siya kay Slather. Gusto na rin niyang umuwi ng Maynila dahil tumawag si Ingrid at ginulo raw ito ng ex-girlfriend ni Jake. Nakapagtatakang nakikialam ang babaeng iyon. Duda na talaga siya na baka may pinaplano si Jake at ang ex nito kay Ingrid. Hindi siya maaring pakampante. Wala naman siyang tauhan na magtatrabaho para sa proteksiyon niya. Si Ricardo lang ang tumutulong sa kaniya upang ma-monitor si Jake. He doesn’t have a choice but to depend on Yoshin’s help. Hindi naman iyon nangangahulugan na nagbabalik-loob siya sa BHO. He still had the right to claim the protection benefit. Pagkatapos din ng hapunan ay kinausap niya si Yoshin na naliligo sa swimming pool. Napatulog naman na niya si Slather kaya wala siyang babantayan