HINDI sumabay si Jin sa hapunan kaya mag-isa si Janna. Nagmamadali siyang kumain dahil maghahanda pa siya ng gagamitin at isusuot niya sa pagpasok ng trabaho. May nakahanda naman siyang office attire o mga formal dress. Hindi pa naman siya haharap sa ibang empleyado kaya ayos lang na pa-chill-chill muna. Pagkatapos ng hapunan ay nagtungo siya sa kaniyang kuwarto at inayos ang kailangan niyang gamit. Malamang ay sasabay siya sa pagpasok ni Jin, o kaya’y mauuna siya. Mas gusto niyang mauna kaysa kasabay ito. Nang maihanda ang lahat, sarili naman niya ang kaniyang inayos. Nag-manicure siya. Habang abala sa couch ay may kumatok sa pinto. Tumayo siya at tinungo ang pintuan at pinagbuksan ang bisita. Natigilan siya nang si Jin ang nabungaran niya. “Matutulog ka na ba?” tanong nito. “Uh, hind