HINDI na nahintay ni Janna ang pagbabalik ni Jin kaya binalikan niya ang kaniyang trabaho. Nagbungkal siya ulit ng lupa dahil bitin ang limang plant box niya. Nakabalik na sa kaniya si Barley at nilalaro ang laylayan ng kamesita niya. “Hoy! Mapunit ang damit ko!” saway niya sa pusa. Ayaw pa rin nitong paawat. Nang paluin niya ito sa hita ay biglang tumakbo. Binato niya ito ng binilog na lupa pero nakailag at tumama sa paa ni Jin na patungo sa kaniya. Napawingi siya. “Sorry,” aniya. Nakasuot na ng abuhing short pants si Jin at puting kamiseta na hapit sa katawan nito. Patuloy lang ito sa paghakbang patungo sa kaniya. “Matagal ka pa ba riyan?” tanong nito nang makahinto sa gawing kaliwa niya. “Uh, malapit nang matapos. Didiligan ko na lang ang mga naitanim ko,” tugon niya. “Dapat pina