KUMISLOT si Janna nang biglang bumukas ang main glass door. Pumihit siya paharap dito. Pumasok si Jin bitbit ang handbag at naka-case na laptop. May makapal na folder ding hawak ang kanang kamay nito. She doesn’t know how to assist him. Seryosong hinagip siya ng tingin nito. Natandaan naman niya ang napag-usapan nilang kondisyon. Kaagad niya itong nilapitan at kinuha sa kamay nito ang laptop at folder saka dinala sa lamesa nito. “Do you want some coffee, sir?” tanong niya rito, acted as his assistant, an employee. “No, thanks,” tugon lang nito. Umupo kaagad ito sa harap ng lamesa at binukatkat ang naka-folder na papeles. Sa unahan ng table nito ay merong lamesa, computer set, pax machine, at iba pang kailangan sa opisina. Maaring iyon ang puwesto ng assistant nito. “Sit there,” anito