PAGSAPIT ng alas-tres ng hapon ay wala nang pingawa si Jin kay Janna at pinayagan siyang gumala pero may nakamasid na bodyguards. Madali namang pakiusapan si Jin basta huwag lang itong asarin. Unti-unti ay nakakabisado na niya ang ugali nito. Naka-duty pa si Aster kaya hindi niya mapuntahan. Siya lang ang empleyado na gumagala sa oras ng trabaho. Natulog si Jin kaya malaya siyang gumala. Napadpad siya sa ground floor. Lahat ng empleyado na naka-duty roon ay napapatingin sa kaniya. Nang lumapit siya sa pintuan ng cafeteria ay hinarang siya ng guwardiya. “Ma’am, may appointment po ba kayo rito? Ngayon ko lang po kayo nakita,” sabi ng guwardiya. “Ah, empleyado ako rito,” aniya. “Nasaan po ang ID ninyo?” Kumagat-labi siya. “Uh, w-wala pa. Kasisimula ko lang ngayong araw.” “Bakit hindi ko