Chapter 16

2351 Words

MARAMI ang nagbigay ng regalo sa kanila ni Jin. Ang nagustuhan ni Janna ay ang cute na Persian cat. Nawindang siya nang malamang mahilig din sa pusa si Jin. Pagpasok nila sa kanilang kuwarto ay saka lang niya nalaman kung anu-ano ang mga natanggap nilang regalo. Curious siya sa pahabang kaheta na kulay itim na ipinatong ni Jin sa round table. Binuksan niya ito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang susi. Suki ng kotse! “OMG! May nagregalo sa ‘yo ng kotse?” bulalas niya. Nakatalikod sa kaniya si Jin at naghubad ng coat. “Yes, si Mr. Lin, isang Chinese-American business partner ko,” tugon nito, tila hindi masaya sa natanggap na regalo. “Wow! Ang bongga naman!” Nagagalak na komento niya. Hindi niya iniisip na makikinabang din siya sa regalo na iyon. Para lang iyon kay Jin. “Ang dami m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD