HINDI na talaga matawagan ang cellphone number ni Alex. Nasa opisina pa rin ng ahensiya si Jin at patuloy na tini-trace ang location ni Alex. Nawala na ito sa monitor. Naka-save sa tracker nila ang IP address nito pero sa pagkakataong iyon, wala na ito sa tracker. Unable to reach na. Isinama niya roon si Gino dahil ito ang may alam sa ibang location ni Marcial. Nakuha nito ang local cellular number ni Marcial mula kay Alex at na-trace nila ang IP address, pero inactive ito. Maaring nasa Florida pa si Marcial. “Hindi kaya bumaliktad na si Alex?” sabi ni Gino. “Panong bumaliktad?” Matiim siyang tumitig kay Gino na nakatayo sa harapan niya. “Maaring natuklasan ni Marcial ang sikreto ni Alex, at hawak nito sa leeg ang pamilya kaya napaluhod kay Marcial.” “Imposible ‘yon. Alex doesn’t have