"Ang buong akala ko talaga ay asawa mo siya," wika ni Colt. Bumalik sa pagkaseryoso ang mukha nito. Ngunit may kakaibang kislap sa mga mata nito na hindi maintindihan ni Reza. "Kasi ang sweet n'yo noong una ko kayong nakita na hinatid ka niya sa birthday party ni Karen. Tapos nakita ko rin na kasama siya ng mga anak mo. At tinawag nila siyang 'Daddy'." Kumunot ang noo ni Reza sa narinig. Noon lang niya naalalang nasa labas nga pala ng gate si Colt nang ihatid siya ni Dale. Pero hindi niya akalaing nakita pala sila nito. "Nakita mo pala 'yon?" Matipid na tumango si Colt. "Ang sweet n'yo kasi kaya akala ko mag-boyfriend kayo. At akala ko siya ang asawa mo nang sabihin mong may mga anak ka na." Nakangiti na umiling-iling si Reza. "Kaibigan ko lang si Dale. Pero parang mga anak na niya kung

