Walang nagawa si Reza kundi ang sumama kay Colt nang dalhin siya ng binata sa apartment nito, pagkatapos nitong makitang nadumihan ang suot niyang uniform. Linisin at patuyuin daw nila. Mabuti na lang at may thirty minutes pa si Reza bago pumasok sa trabaho. "Dito ka nakatira?" tanong ng dalaga kay Colt nang makarating sila sa isang maliit na apartment. Nagpatingin-tingin sa paligid si Reza. Napakasimple lang din ng buong lugar para sa isang simpleng janitor na katulad ni Colt. "Mag-isa ka lang dito?" Tumango si Colt. "Yes. Masikip na kasi kung kukuha pa ako ng ka-share ko rito. At ito lang din ang kaya ng sahod ko." Binalingan siya ng binata. "Hindi kasing laki ninyong mga nurse ang sahod naming mga janitor. Kaya tiis-tiis lang talaga," dagdag pa nito sa pabiro na boses. Parang hinaplo

