Dahil walang pasok si Dale kaya si Reza na ang nagmaneho ng kotse. Nag-alok ang kaibigan na ihatid siya. Pero dahil nagtatampo pa si Reza kaya hindi siya pumayag. Bago tuluyang makarating ng ospital ay naipit sa traffic si Reza. At habang naghihintay na umusad ang mga sasakyan na nasa unahan ay napatingin ang dalaga sa labas ng binta ng sasakyan. Kumunot ang mga noo ni Reza nang mahagip ng kaniyang mga mata ang pamilyar na mukha, pangangatawan, at pananamit ng lalaki na nakatayo sa labas ng isang coffee shop. Humihithit ito ng vape. "Kieran?!" Bulalas ni Reza habang patuloy na pinagmamasdan ang lalaki. Alam niyang imposible. Pero hindi nagkakamali ng tingin ang mga mata ni Reza nang mga oras na iyon. Kieran na Kieran ang mukha nito. Pati na rin ang tindig at katawan. Pati ang bad boy lo

