Laking pasalamat na lang ni Fauleen at natapos sila sa pagliligpit ng mga gamit nila ng yaya niya nang walang gulong nangyayari. Right after fixing her things, umalis na rin sila. She wanted to stay for some more minutes, but the deadly glares between her brothers and Lincoln were scaring the s**t out of her. Isama pa ang mga tingin ng kanyang dalawang babaeng pinsan at ang mga mapanuring tingin ng mga Tito niya. Hindi niya alam kung dahil ba takot ang mga ito kay Lincoln kaya wala itong sinasabi o sadyang wala itong pakialam sa sinabi nito kanina. Wala nang naging imik si Ave at ni hindi na nito in-attempt na magpakaplastik pa kay Lincoln. Napansin na yata nitong walang interes ang asawa niya sa antics nito. Nagpaalam na lang siya sa kanyang Daddy na noon ay nagpapahinga na rin sa kwarto

