Alastair's POV "Hindi tayo ang magkalaban dito, Alastair..." Mahinang sambit nito sa akin. Ramdam na ramdam ko ang takot sa kanyang boses. Hindi ko mawari kung nagpapaggap lang na siyang takot o totoong takot na takot siya lalo pa at planado niya ang lahat ng ito. Ngayon ay nagtiim-bagang ako. Mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanyang leeg. Sa puntong ito ay dahan-dahan ko na siyang inangat sa ire. Sa sobrang galit ko ay wala na akong ibang magawa pa kung hindi ang ibuhos ang galit ko sa kay Cassius. "Ano ang iyong plano, Cassius?" Tanong ko. Punong-puno ng kaisipan ang tanong kong iyon. Mahina ang boses ko ngunit halata sa boses ko ang napakaraming tanong na pumapalibot. Hindi ko mawari ngunit sa puntong ito ay unti-unti nang nawala ang tiwalang ibibigay ko sa kanya.