Cassius' POV "Gawin mo ang lahat mabantayan mo lang siya. Huwag mong hayaang makuha siya ni Alastair. Ngayong gabi na ang kabuligan ng buwan at alam kong humabakbang na siya sa puntong ito. Huwag na huwag mong hahayaang mawala ang mortal na itinakda sa iyong mga mata," wika ko habang nakaupo lamang sa aking upuan. Nakatingin ako ngayon sa aking kawal habang ito ay nakatuon lamang sa aking atensyon. " Masusunod panginoon. Ngunit---" hindi ko na hinayaan pa siyang magsalita pa nang kung ano-ano. Tanging nais ko lang na gawin niya sa puntong ito ay ang sundin ang sinasabi at inuutos ko sa kanya. Nais kong mapanatili ang kaligtasan sa kanya at iyon lamang. "Gawin mo na lamang ang inuutos ko." Mabilisan kong pagsambit. Sa puntong ito ay naaninag na rin ng aking mga mata ang kanyang paghakb