Miranda’s POV “Hindi ako uuwi,” mahinang sambit nito. Mabilis iyong dumapo sa aking pandinig at kasing-bilis ng pagpasok ng mga katatagang binitawan niya sa aking tainga ay ang bilis rin ng pagbaling ko sa kanya mga paningin. Sa puntong ito ay tuluyan nang napakunot ang aking noo lalo pa at hindi ko maiwasan maisip kung ano ang ibig sabihin ang nasa likod ng binitawan niyang salita. Sa puntong ito ay tuluyan nang nagkatagpo ang aming mga paningin. Ramdam na ramdam ko ang matutulis nitong paningin sa akin. Ang mga tingin nitong parang dahan-dahan akong tinutunaw. Hindi ko alam kung bakit ganito siya kung makatingin sa akin. “A-ano ang ibig mong sabihin?” tanong ko dito habang nakakunot ang aking noo. Hindi ko mawari kung ano ba talaga ang nais niyang mangyaari gayong halatang-ha