Miranda’s POV Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naramdaman ang kakaiba sa kay Mr. Fernandez. Bigla ko na lang naramdaman ang pakiramdam na alam kong mahihirapan na akong tigilan. Nais ko mang umiwas sa kanyang lalo pa sa campus na ito ngunit sa tuwing nakikita ko ang kayang mukha ay hindi ko na magawa pa ang umatras. Lalo pa at parang nagagawa niyang kontrolin ang bawat kilos at reaksyon ko. Alam kong mali itong ginagawa namin. Alam kong kahit saang sulok tingnan ay hinding-hindi maging legal sa batas ang aming ginawa. Guidance Counselor ko siya ngunit hindi ko alam kung bakit nagawa ko pa rin ang pumatok sa kanya sa kabila ng lahat. “Sir, mali po itong ginawa natin. Baka balang araw madadamay ang trabaho mo nang dahil lang sa akin,” wika sa kanya habang nakatingin lang