Miranda’s POV Sa puntong ito ay dahan-dahan ko nang naramdaman ang kamay niyang dumadapo sa aking leeg at dahan-dahang sinapo ang mga takas kong buhok. “Ayaw ko nang marinig pang muling tinatawag mo akong Sir o Mister. Lalo pa’t tayong dalawa lang ang nakakarinig,” mahinang sambit nito. Rinig na rinig ko mula sa kanyang boses ang matinding pagbabanta nguniti sinubukan ko iyong huwag indahin. Lalo pa at alam kong may ibig siyang ipahiwating mula sa mga katatagang iyon. Wala akong magawa kung hindi ang mapapikit na lamang lalo pa at hindi ako sanay na mapalapit ang aking sistema sa isang lalaki. Unti-unti pa siyang lumapit sa aking gawi at hindi ko alam kung may balak pa ba siyang huminto lalo pa at alam kong sa puntong ito ay sobrang lapit na niya sa akin. Sa puntong ito ay mas nag