Augustus’ POV BUONG magdamag akong nakatitig sa kanya. Pareho kaming nakahiga sa malambot na kama habang siya ay mahimbing na mahimbing nang natutulog sa aking tabi. Nanatili lang akong nakatitig doon habang pinagmasdan ang bawat paghugot at pagbuga niya ng kanyang hininga. Ramdam na ramdam ko pa nga ang maiinit niyang presensya. Malamig itong buong kwarto nugnit alam kong hinding-hindi niya iyon nararamdaman gayong makapal na kumot ang siyang nakabalot sa kanyang buong katawan. Hubo’t-hubad itong nakahiga sa aking tabi habang ako ay tanging ang underwear lamang ang aking suot, ni hindi ko maiwasang manatiling buhay ang aking p*********i sa tuwing nararamdaman ko ang kanyang presensya. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagsasawang titigan siya buong magdamag. Pakiramdam ko ay para siyan