Miranda’s POV Nagising akong tahimik ang buong silid. Hindi ko kaagad minulat ang aking mga mata sa halip ay iginalaw ko na lamang ang aking mga kamay at dahan-dahan ko iyong pinagapang sa kamang aking hinihigaan. Walang ibang presensya ang bumungad sa akin nang pagapangin ko ang aking kamay roon. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at hinding-hindi nga ako nagkakamali ng iniisip. Hindi ko alam kung bakit kay aga niyang lumisan. Buong akala ko ay makakasama ko siyang matulog sa kuwarto kong ito. Buong akala ko ay gigising akong siya ang laman ng aking mga paningin ngunit nagkakamali ako. Hindi ko alam kung ano ang kanyang dahilan kung bakit maaga itong gumising at lumisan sa aking bahay. Sinubukan kong libutin ang aking paningin at nang masigurong talagang wala si