Augustus’ POV ANG maingay na kapaligiran ang siyang bumungad sa akin. Hindi ko maiwasang mapapikit habang pinapakinggan ang maiingay na mga sasakyan at ang mga boses ng mga mortal na mga tao. Parang kailan lang ay sa mundong ito ako nabuhay. Sariwang-sariwa pa sa aking alaala ang bawat pangyayaring iniwan ko sa mundong ito. Sa aking pagpikit ay ramdam na ramdam ko ang kakaibang mundong kiantatayuan ko ngayon. Ang hangin na siyang kakaibang-kakaiba sa mundong matagal ko nang pinamugaran. Hindi ko maiwasan ang mapahugot ng hininga lalo pa at sa puntong ito ay amoy na amoy ko ang sariwang dugo na alam kong mula pa sa mga mortal na. Alam kong kakaiba ang mundong ito. mahabang taon nan ang lisanin ko ang mundong ito ngunit alam ko at kabisado ko pa rin kung paano kumilos ang mga mortal.