HINDI ko na magalaw ang katawan ko habang pilit na inaabot ang cellphone kong umiilaw ang flashlight sa damuhan. Na'ng makuha ko 'yon, nanginginig ng husto ang mga kamay ko habang dinadial ang number ni Jessie pero hindi ko mapindot ng maayos ang screen dahil lumalabo na ang aking paningin. Na'ng marinig ko na ang pag-ring ng cellphone, hindi ko na kinaya. Unti-unti akong nilalamon ng kadiliman hanggang sa nawalan ng malay. Wala na akong kamuwang-muwang kung ano ang nangyari sa 'kin. Akala ko matutuluyan na ako pero na'ng unti-unting bumalik ang ulirat ko, may mga naririnig akong boses. Boses yata ni San Pedro. "It's a miracle she didn't lose the baby. The small blood you saw in her underwear is just implantation bleeding. It is the spotting or tiny bit of bleeding that happens when

