AFTER 10 YEARS DEVILLAINE PINIPISIL-PISIL ko ang sarili kong mga balikat na’ng tumigil ako sa harapan ng pintuan nitong apartment namin. Alas onse na ng gabi. Kakatapos lang ng overtime namin dahil tatlo kasi ang guest ng villa, straight 5 months stay. Nananakit ang likod, balakang, tuhod, braso, kamay at damay na rin ang mga daliri ko. Kulang na lang, halos lahat babanggitin ko na. “’Nak, paki bukas naman ng pinto—“ Hindi pa nga ako tapos mag-salita pero inunahan na ako ng anak ko. “Ang bilis ah,” marahang usal ko na’ng masilayan ko s’yang naka-tayo sa bungad ng pinto. Napansin kong naka-suot ng white apron ang anak ko habang kapit-kapit ng kaliwang kamay n’ya ang spatula. “Good evening ‘nay.” Humakbang pa s’ya palapit sa ‘kin. “Akin na po ang dala n’yo.” Inagaw ang hawak kong pl

