"Anong ginagawa mo rito ng madaling araw?" ang pupungas-pungas ko na tanong nang mapagbuksan ko ng pinto ang nakangiting mukha ni Pierce. Ang dilim pa sa labas at maambon kaya ang sarap maglaway sa unan. "Tangina naman Pierce. Hindi pa nga sumisikat ang araw o tapos manliligaw ka na agad. Alam ko namang maganda ako oo pero grabe ka naman. Paano pa ako gaganda kung hindi mo ako patutulugin?" Nakasabog ang buhok ko sa mukha at yakap ko sa dibdib ang kumot na nakabalot sa katawan samantalang bagong ligo na ito at may dalang mug ng kape sa kamay. "Good morning, Xylc. Maglalaba ako. Kukunin ko na rin mga labada mo para masabay ko na sa akin." Napamaang ako sa kaniya. Talaga ba?! Kakatukin niya ako sa ganitong oras para hingiin ang labada ko?! "Nakashabu ka ba Pierce? Aba, mukhang malaki