Kabanata 59 - SPG

2517 Words

“ANAK mo si Jelo.” Inulit ni Tita Liza ang sinabi ko at sumulyap sa may sala kung saan naroon ang mag-ama. Hindi siya mukhang nagulat nang ipagtapat ko ang tungkol doon. Bumaling sa akin si Tita Liza at ngumiti. “Alam ko, Andy. Nasabi na ‘yan sa’kin ni Robert.” Ako pa ang nagulat sa sinabi niya. “A-alam po ni Papa? Alam n’yang apo niya si Jelo?” Tumango si Tita Liza. “Inamin daw sa kaniya ni Marcella noong minsang dalawin niya ito habang nakaratay sa ospital. Hindi lang iyan nilinaw sa’yo ng Papa mo dahil na rin sa pakiusap at bilin ng Mommy mo." Mistulang napipi ako. Hindi talaga ako makapaniwala. Ako pala ang masosorpresa at hindi si Tita Liza. Ang tagal na naming magkasama, pero hindi ko nakita na may alam siya. O baka nawala na sa isip niya ang totoo dahil sa haba ng panahon na kap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD