“BAKIT ngayon mo lang sinabi?” malumanay na tanong ni Jarmaine. Nakadama ako ng magkahalong hiya at guilt. Hindi lang dahil sa pagtatago kay Jarmaine ng katotohanan kundi pati na rin sa pagsisinungaling tungkol sa pagiging dalagang-ina ko. “I’m sorry…” ang tanging nasabi ko. Gustuhin ko mang ipaliwanag ang dahilan ko, hindi iyon sapat para malinis ko ang ginawa kong mali. “Andy… kung ‘yan ang dahilan kaya mo ko binabasted,” Umiling si Jarmaine at ngumiti, “h’wag kang mag-alala. Tanggap ko kahit ano ka pa o kung sino ka pa. Hindi niyan mababago ang nararamdaman ko para sa’yo.” Natigilan ako. Hindi ito ang ine-expect kong sasabihin niya. Hindi naman sa gusto kong magalit o pandirihan ako ni Jarmaine, pero ang inaasahan ko ay mare-realize niyang hindi ako nararapat sa pagtingin niya.

