“BAKIT hindi mo sinasagot ang tawag ko?” bungad ko kay Jarmaine nang maabutan ko siyang umiinom nang mag-isa sa garden set sa bakuran nila. Walang reaksiyon si Jarmaine. Parang hindi niya ako nakita at parang hindi ako nagsalita. Nagpuyos lalo ako sa galit. Halos ibalibag ko ang dala kong purse sa isa sa mga silya. “Sige lang! Ganiyan nga ang gawin mo! Kalabanin mo’ko in favor of that waitress! Sa bandang huli malalaman mo rin na mas may silbi ako sa buhay mo kesa sa malanding babae na ‘yon! Alalahanin mong ang daming ginawang pabor ng family ko sa inyo! Hindi magiging mayor si Tito kung hindi dahil sa pera ng Mommy ko. Si Mommy ang pumondo sa kampaniya niya at hindi si Daddy!” He smirked at me. “Yeah? Tell me something about it.” “How dare you? Ganito na ba talaga tayo? Akala ko kakam

