MISTULANG napipi ako. Hindi ko kasi alam ang sasabihin dahil hindi ko alam kung paano ko babatiin si Israel. Bukod pa sa katotohanang nagulat ako na makitang gising siya. H’wag niyang sabihin na maingay kaming nag-usap ni Jarmaine sa labas kaya siya nagising. “Ano pang hinihintay mo? Why don’t you get inside?” Mas malamig pa sa gabi ang tono niya. Naalala kong ganito rin siya kahapon nang umaga nang alukin ko siya ng kape. Naalala ko rin tuloy na si Israel ang taong isinumpa ko kaya ano naman ngayon kung malamig ang trato niya sa’kin. Pumasok na ako at nilampasan si Israel. Habang patungo sa kwarto namin ni Jelo ay isinusumpa ko sa sarili kong makakaalis agad kami sa bahay na’to. Nag-set ako ng alarm sa alas sais ng umaga bago natulog sa tabi ni Jelo. Nauna naman akong magising kays

