Kabanata 74

2537 Words

HINDI matapos-tapos ang kaba ko habang pinapanood ang doktor na sumusuri ngayon kay Israel. Halos madurog ko rin ang sariling mga kamay sa maya’t mayang pagpisil sa mga ito. “Nakikita mo ba’ko nang malinaw, Mr. Napoleon?” tanong ng doktor. Ilang segundo akong naghintay. Pigil na pigil ko ang paghinga. At nang makita kong tumango si Israel ay napaiyak ako sabay hawak sa aking bibig. “Can you tell me the name of these people here?” Nilingon kami ni Dr. Samuel. Marahan namang lumipat sa gawi namin ang paningin ni Israel. Itinuro ng doktor si Genesis. “Who's this young man?” Kumunot ang noo ni Israel at nagsalita. “G-Gene.” Lumapad naman ang ngiti ni Genesis. “Welcome back, brother!” Sunod na tinuro ng doktor ang nasa tabi at hinayon naman ng tingin ni Israel ang matandang Napoleon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD