CHAPTER 19

1231 Words

Ayaw ko sanang suotin iyong mga bagong undies pero wala akong choice. Alangan na iyong lumang panty at bra ko ang ipaabot ko, e di, magpapalamon na lang talaga ako sa lupa. Inabot niya sa akin iyong terno ng pulang lacey na undies. Nag-iinit ang pisngi ko at hindi na ako makatingin sa kaniya. Pinulot din niya iyong isang spaghetti strap dress na above the knee. Napansin ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Nag-iwas siya ng tingin. "M-Magbihis lang ako." Hinablot ko ang dress ko na hawak niya at nagmamadali na akong pumasok ng banyo. Humarap ako sa half body size na salamin para lang mapatanga dahil sa itsura ko. Iyong dalawang butas o punit ng suot kong tuwalya ay sa mismong singit ko at iyong isa naman ay sa gilid ng aking areola. Kaya pala ganoon na lang iyong reaksyon niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD