"OUCH!" Napahawak pa ako sa buhok nang hilahin ni Candy at Rosie ang buhok ko. Pinagtapat ko na rin sa kanila na may anak na ako. "Kalbuhin ka pa namin makita mo?" Sabay irap sa akin ni Rosie. Ngayon ko na lang ulit sila niyaya na bumisita sa condo ko. Nakapaglinis na kami ni Isaac dito at lahat ng mga regalo na binigay sa amin noon ay binuksan na namin kahit na nga ay hindi natuloy ang kasal namin. Balak namin ibigay sa mga taong nangangailangan ang ibang gamit na regalo sa amin noon. "Bruha! Bakit ngayon mo lang sinabi sa amin ang tungkol diyan sana lumipad kami ni Rosie ng ibang bansa para suportahan ka namin," wika ni Candy. Wala siyang kasamang anak ngayon dahil iniwan niya sa biyenan niyang galing pa sa ibang bansa para lang bisitahin sila. "Hindi na ba kaibigan ang turing mo sa

