NAKATULALA si Isaac sa akin at walang salitang lumabas sa bibig niya. Hindi naman mawala ang kaba ng dibdib ko nang sabihin ko ang totoo sa kanya. Ang tagal kong itinago sa kanya ang lahat ng ito. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na ipagtapat ang totoo. Ngumiti siya. "Nagbibiro ka lang 'di ba?Ayokong umasa." Sinalubong ko ang tingin niya. "Sa tingin mo ba sa ginawa natin pagtatalik noon ay hindi mo ako mabubuntis? Hindi ko sinabi sa iyo na nang umalis ako ng Pilipinas ay buntis ako. Galit na galit ako sa iyo noon kaya pinangako ko sa sarili ko na hindi mo makikilala ang anak natin. Hindi ka hinahanap ng anak natin dahil sinabi kong patay ka na." Nag-uunahan tumulo ang luha niya nang marinig niya ang sinabi ko. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Ngunit kahit pagsisihan ko ang gina

