“ANG BILIS ng talaga ng panahon, parang kailan lang ay buntis ka lang ngayon ay manganganak ka na. Hays! Akalain mo, kung sino pa ang pa-hard to get noon siya pa ang madaling nasungkit ng Doktor.” Pailing-iling pa si Candy bago niya kinuha ang juice niya upang inumin. “Gano’n talaga kapag maganda madaling mabingwit.” Sabay tawa ko. “Sus! Sabihin mo nainggit ka sa mga pinag-uusapan namin ni Candy noon kaya ginaya mo kami.” “Pero alam mo, nagpapasalamat ako sa inyo lalo na kay Rosie. Kung hindi ka naging broken hearted hindi ko susugurin si Isaac.” “Destiny ang tawag don, isa pa, sa mundo ng ginagalawan n’yo imposible na hindi kayo magkita. Ang sabi mo nga noon. Si Dr. Chen ang gustong ipakasal sa iyo ng Daddy mo.” Tumango ako. “Yeah, pero ayoko naman sa kanya” “Ayaw mo kasi hindi mo

