"DADDY! papasok ka sa trabaho mo?" tanong ni Liah kay Isaac. Himalang nagising ito ng alas-sais ng umaga. Ang pinakamaaga kasi nitong gising ay alas-otso ng umaga. Yakap-yakap pa niya ang malaking Manika na binili ni Isaac para sa kanya. Napahinto si Isaac sa pag-aayos ng suot niyang damit at yumuko siya para magpantay sila Liah. "Yes, papasok na trabaho si Daddy." "Daddy, gusto ko po sumama sa iyo." Ngumiti si Isaac at hinaplos niya ang buhok. "Hindi puwede ang bata sa trabaho, anak, pero kapag lumaki ka na puwede na kitang isama. "I want to be a Doctor like you." Ngumiti si Isaac. "We will support you." Lumapit ako sa kanilang dalawa. "Anak, mamaya pupunta tayo kay Lolo Frits." Ngumiti naman siya ngunit muli niyang tumingin sa Daddy niya. "Daddy, when I grow up I want to be a

