Felicity's Point of View "Ma'am, bakit ang laki-laki po yata ng eyebags mo?" tanong ni Daldalita nang magkasalubong kami sa kusina nang manguha ako ng tubig na maiinom. Kaya pala iba kung makatingin sa akin, eyebags ko pala ang tinitignan. Maaga na nga akong bumangon para hindi makita ang sinuman sa kanila. Hindi ko naman akalain na maaga rin palang bumabangon ang madaldal na iyon. Sa dinami-rami rin naman nilang mga kasambahay, siya pa talaga. Siya pang walang preno ang bunganga. Inubos ko muna ang tubig na sinalin ko sa baso bago siya hinarap. Nginitian ko muna. "Bakit, ano bang meron sa eyebags ko?" Nagpanggap na wala akong alam kahit nakita ko naman sa salamin kanina na malaki nga at medyo mukha akong bangag. "Parang kakaiba lang ho ngayon. Medyo malaki lang, ma'am," sagot nam