NAPAMULAT si Nastya nang mawala ang liwanag na nanggagaling sa cellphone ni Kirst. Nailayo niya nang bahagya ang mukha rito at mas humigpit ang pagkakayakap sa may batok nito. “L-low batt na ba ang cellphone mo?” hindi niya napigilang itanong dito. “Hindi.” “Bakit mo pinatay?” “Ayaw ko lang mailang. Lalo na at narito tayo sa labas. Kahit na mukhang wala namang nakakapasok ditong ibang tao…” makahulugan nitong wika. Ayaw nitong mailang? Naiilang ba ito na halikan siya sa labas? “B-bakit ka maiilang?” idinaan niya sa bahagyang tawa ang kaniyang itinanong. “Kirst, kung kailan ka tumanda ay saka ka pa nailang, ha.” He captured her face. “Know why? Because, I want you right now, right here,” anito na nakapagpatameme kay Nastya. Tama ba ang narinig niya? “A-ano?” bakit parang nabingi si

