“BAKIT parang, I smell something fishy?” nakangisi pang bulong ni Primo sa may tainga ni Nastya nang ilapit nito ang mukha sa kaniya. “Ano’ng ibig mong sabihin?” patay-malisyang tanong ni Nastya sa kapatid kahit alam niya na ang pinatutungkulan nito ay ang lalaking kasama niya kanina na walang iba kundi si Kirst Monzerate. “Oh, come on, big sister. Kung hindi mo alam, your eyes are sparkling right now,” patuloy nitong panunudyo sa kaniya. “At parang pamilyar siya,” ani Primo na umayos na ng pagkakaupo. Binalingan niya si Primo. “Stop over reacting, Primo. Maraming tainga sa paligid kaya ‘wag kang ususero ngayon. Hmmm?” “Fine. Bukas na lang.” Pinaningkitan niya ito nang mga mata. At humirit pa talaga. Naiiling na nagbawi siya ng tingin. Nang bahagya niyang lingunin ang kinaroroonan ng

