“YOUR story is our favorite bedtime stories. But because of the evil witch, you and your princess parted ways,” malungkot na bumuntong-hininga pa si Christine. Tila na-speechless na si Kirst habang pinagmamasdan ang tatlong bata. “You really looked like a prince charming,” nangingiti namang wika ni Kirslynn habang nakatitig kay Kirst. “Tell us if you find your princess,” pamimilit naman ni Kirstian kay Kirst. Napatingin sa kaniya si Kirst. “Kinuwento mo sa kanila,” anas nito na tinanguan niya. “You really makes me speechless.” Noong mahilig sa bedtime stories ang mga bata, nang wala na siyang maikuwento pa dahil naikuwento na niya halos lahat ng fairy tale stories, naisip niyang ikuwento sa mga ito ang mga pinagdaanan nila noon ni Kirst. Doon na iyon nagsimula hanggang sa iyon at iyon

