HINDI MAPIGILAN ni Kirst ang mapangiti habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na excited na sa pupuntahang event nang hapon na iyon. Ala una ng hapon magsisimula ang book signing event ni Steffi sa event center ng SM Megamall. Iyong tipong daig pa ng kaniyang ina ang a-attend ng first date sa sobrang excitement. Kahapon nga ay buong hapon nitong inihanda ang baked cookies nito na siyang ibibigay nito kay Steffi. Wala kasi itong maisip na ibibigay as gift. Kaya nag-effort na lang ito na magluto ng cookies na sigurado rin niya na magugustuhan ni Steffi. Ayon sa ina niya ay maganda raw iyong kainin habang nagsusulat ng kuwento si Steffi. Limang box iyon. Napailing-iling pa nga siya at biniro ang ina na paano iyon madadala ni Steffi pauwi sa sobrang dami? “Nasa sasakyan na ba lahat ng box ng