PINISIL-PISIL ni Chrislynn ang isang squishy stress ball na ibinigay sa kaniya ng isang reader kanina sa book signing event. Maganda raw iyon sa kamay niya. Pisil-pisilin lang daw niya lalo na kung stress siya. Hindi naman siya stress nang mga sandaling iyon pero para ma-relax ang kamay buhat sa pagpirma kanina nang mga bagong release niyang libro ay ginamit na niya iyon. Pabalik na siya nang mga sandaling iyon sa hotel kung saan siya naka-check-in. Kinabukasan ay nakatakda rin siyang bumalik sa House of Love. Napangiti na naman siya nang maalala kung gaano karami ang pumunta sa book signing event niya para lamang makita siya. Nang matapos ang first three hundred kanina na pinirmahan niya na libro ay humiling pa siya sa publisher niya na pipirma pa siya ng kahit isandaan pang libro. Gust