Chapter 37

1284 Words

NANG MAKABAWI mula sa pagkabigla si Chrislynn ay sinulyapan pa niya ang mamahaling pumpon ng mga bulaklak bago muling ibinalik ang tingin kay Kirst. Sinikap niyang palamigin ang anyo at itago ang pananabik na nararamdaman nang mga sandaling iyon. Gusto niyang ipakita rito na hindi siya natutuwa na naroon ito. “Ano’ng ginagawa mo rito?” sa wakas ay bulalas niya. I hate you, Kirst, for being so damn gorgeous. Bakit hindi ka naman mukhang na-depress sa pagkawala ko sa buhay mo? Tungayaw niya sa isip. “Let’s talk,” pakiusap nito. Now, his eyes are begging. “May pabulaklak ka pa talaga, Kirst. Puwes, hindi mo ako madadaan sa paganiyan mo. Wala na rin tayong dapat pang pag-usapan,” aniya na nilapitan ang bungkos ng mga bulaklak at binuhat iyon. May kabigatan iyon na lihim niyang ikinasinghap.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD